00:00We're going to take a look at what's going on in the Philippines as para-athletics team
00:04for their final year in the 2025 World Para-athletics Championships
00:09on September 26 until October 5 in India.
00:13For the details, we're going to report to Mate Paulo Salamatin.
00:19Nakatakdang magpadala ang bansa ng 6 Filipino para-athletics athletes
00:23para sumabak sa magagana na 2025 World Para-athletics Championships
00:28na magsisimula na ngayong September 26 hanggang October 5 sa New Delhi, India.
00:33Ito'y pangungunahan ng mga Filipino Paralympians na si Gerald Pete Mangliwan at Sandy Asusano
00:38kasama si Rosalie Torrefiel, King James Reyes, Ron Russell Mitra, Cyril Ongkoy
00:44at ang kanilang head coach na si Joel Dariada.
00:47Positibo naman si Mangliwan na makakapag-deliver ang kanilang kupunan
00:51ng magandang performance sa nasabing torneo kung saan nakatakda niyang salihan
00:55ang tatlong events gaya ng 100 meters, 400 meters at 1,500 meters T-52 wheelchair racing.
01:03Ibinahagi rin ito na ang World Championships ay isa sa mga may tuturing
01:07na pinakamalaking torneo ang pwedeng salihan ng mga Filipino para-athletics team
01:11dahil sa level ng mga kompetisyon katapat ang mga pinakamagagaling sa buong mundo.
01:16Ibinahagi naman ni Pilipinas para-athletics team coach Bernard Buen
01:19na gagamitin nilang motibasyon ang hirap na kanilang dinanas
01:22makapag-kwalipika lamang sa World Championships.
01:25Mahalaga rin kasi ang magiging performance nila rito
01:28dahil isa ito sa mga qualifying event para sa magagarap ng Asian Paragames
01:32sa susunod na taon.
01:34At imbis na kabahan, excitement naman ang nararamdaman ngayon
01:37ni 2024 Paris Paralympian Sandy Asusano
01:40sapagkat muli niyang makakatapat ang mga nakalaban niyo noon sa Paralympic Games
01:45noong nakarang taon kung saan tumapos lang naman siya
01:48ng ika-apat na pwesto sa kanyang debut sa Women's Javelin Throw F54 category.
01:54Samantala patuloy pa rin na nag-ensayo ang Philippine para-athletics team
01:57upang masiguro ang kanilang magandang kampanya
02:00na opisyal lang magbubukas ngayong Biyernes sa India.
02:03Paulo Salamatina para sa Atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.