00:00Samantala nagpapatuloy ang aktividad ng Bulkang Mayon na nakataas pa rin sa Alert Level 3.
00:05Kaninang umaga, naglabas ito ng Fire Classic Density Current o Ozone.
00:10Latest sa sitwasyon sa Albay sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
00:14Ian?
00:17Rafi, kumpara kahapon ay talagang mas maganda na ang panahon dito sa Albay.
00:22Kaya naman sa makasandaling ito, Rafi, ikitang-kita nga natin yung magayon na Bulkang Mayon.
00:27At kaninang alas 7 nga ng umaga, Rafi, ay napansin natin ang pag-usok ng bulkan sa bahagi ng Tabaco City.
00:36Ayon kay FIBOX Director Teresito Bacolcol, Pyroclastic Density Current o Ozone pa rin ang nagaganap ngayon,
00:42ang PDC, ang pagdaloy ng Ozone o yung pinaghalo-halong maiinit na bato, lava at gas.
00:48Kagabi naman, nasaksihan natin mismo mag-aalas 8 ng gabi ang pagdaloy ng Pyroclastic Density Current o Ozone mula sa crater ng bulkan.
00:56Maraming puntong malalakas kaya tila nga gumuguhit pababa nitong bulkan.
01:01At may punto na parang mga nagbabagang ugat ng puno.
01:04Kapag nagkakasabay-sabay ng bumulusok, pababa sa bunga nga ng mayon ang mga baga.
01:10Mas kitang aktividad kapag maayos ang panahon.
01:14At dito naman, Rafi, sa Shrine of Nuestra Senora de Salvation Rotonda sa Legazpi City, Albay,
01:19mas marami naman ang namamasyal kahit pang nagaalboroto ang bulkan.
01:24Marami ang nagpapakuha ng larawan habang safe pa ang pagpunta rito na malayo sa 6km permanent danger zone.
01:32Yung iba nga ay inaabangan talaga ang pagbuga ng usok ng bulkan.
01:35Marami rin daw nagtungo rito kapag gabi.
01:38At sa huling update ng Feebox na natili sa Alert Level 3 status ng bulkang mayon,
01:42ibig sabihin bawal ang pagpasok sa 6km permanent danger zone.
01:47Kabila nga sa mga naitala na aktividad ng bulkan ng isang volcanic earthquake,
01:51162 rockfall events, 50 pyroclastic density currents o uzon,
01:55at naglabas din ito ng sulfur dioxide o asupre na tinati ang 702 tonelada.
02:00May steaming din na 200 metro ang taas at ang pagsingaw nito ay napapadpad sa Hilagang Silangan.
02:06Mayroon din ground deformation o pamamaga ng bulkan.
02:10Raffi, ang talagang goal ng mga otoridad ay masigpitan pa yung pagpasok nga doon sa 6km permanent danger zone
02:17at doon sa tabako ang sinasabi ng kanilang alkalde.
02:20May inilaan silang isang pasilidad doon sa isang evacuation center para paglagakan ng mga alagang hayo
02:26para hindi na nga mapipilitang bumalik doon sa kanilang mga tahanan,
02:32yung mga amanan o yung mga padre de familia para iwas na rin sila sa piligro.
02:36So, inaasahan sa araw na ito, Raffi, ay bibisita si Sekretary Gatchalian ng DSWD
02:41para nga sa dagdag na ayuda para sa ating mga evacuees doon sa iba't ibang bayan at syudad
02:47na apektado ng pag-aalboroto ng vulkang mayon.
02:50Raffi.
02:51Ian, meron mataing informasyon kung hanggang saan umabot yung uson
02:54at meron na bang pangamba sa pagbuga naman ng abo at kung aabot ito sa mga kabayanan dyan na iyan?
03:04Well, Raffi, doon sa mga nakikita natin at napagtatanungan din natin ay
03:08hindi pa naman talaga ito umaabot doon sa mga area na maraming populasyon
03:13pero kasi hindi na tayo nakakapasok doon sa 6km permanent danger zone
03:18kaya hindi natin makita visually kung ano yung naabot nito
03:22pero so far, wala namang mga reported na mga casualty or injuries
03:27kaugnay nga nitong nakita natin na aktividad nitong vulkan
03:32mula kagabi at hanggang kanina umaga
03:34at kanina, Raffi, around 9.25am ay may mga alert pa rin
03:38hukul nga dito sa pagdausdos ng uson
03:40mula nga doon sa bunganga nitong vulkang mayon, Raffi.
03:44At Ian, abanggit mo nga, maraming mga nagpapapicture dyan sa may mayon
03:48lalo ngayon na nakikita na itong kanyang tuktok
03:51marami pa rin ba yung dumadagsa dyan para magpakuha ng litrato
03:55at ano yung warning dito ng mga otoridad, Ian?
04:02Actually, Raffi, dito sa area na ito, kung makikita mo
04:06o mapapakita ni Julius, may mga tao na nagpapapicture
04:10gumigit na pa yung iba sa kalsada
04:12talagang sabi nga, kanya-kanya silang aura
04:15sa paligid nitong Salvation Rotonda
04:17marami ang nagpapapicture, Raffi
04:19Ang kagandahan lang, Raffi, sa ngayon nga ay labas itong kinatatayuan natin
04:24doon sa sinasabing 6km permanent danger zone
04:28kaya pwede pa sila dito
04:29pero ang napansin din natin, maraming polis na nakapaligid dito
04:33at nagbabantay sila
04:35So anytime, Raffi, na itaas ang alert level
04:38itaas ito, ay maaaring sabi nga ng mga residente
04:41baka hindi na sila makapunta dito
04:42kaya sinasamantala nila yung pagpunta dito
04:45at kanina, ang dami natin nakita dito
04:47yung iba, taga Cam Norte
04:49yung iba naman, taga as far as Nueva Ecija pa
04:52yung magkakaibigan na mga high school
04:54mula pa nung high school
04:55ay dito raw sila nag-reunion
04:56at talagang banghang-mangha sila
04:58na kahit nga nag-alboroto
05:00e talagang napakaganda raw
05:01nitong, pinasabi nga, na parang perfect cone
05:05nitong bulkan, Raffi
05:06At iyan, siguro sa mga nanonood na nangangamba
05:09parang lapit mo kasi dyan sa bulkan
05:11optical effect po yan
05:12ang malayo si Ian dyan sa bulkan
05:14pero nagbumukhang malapit lang
05:16dahil sa lente at malayo talaga
05:18yung kanilang lugar
05:18dyan naman sa bungangan ng bulkan
05:20Maraming salamat sa iyo
05:21Ian Cruz