Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ang latest po mula sa FIVOX, nakikitaan na ng pamamaga o ground deformation ang Bulcang Mayon.
00:08Nakahanda na mga otoridad sakaling itaas pa sa level 4 ang alerto sa bulkan.
00:14Nakatutok si JP Soriano.
00:20Magdamag na binabantayan ng FIVOX dito sa headquarters ang live video stream ng Mount Mayon.
00:25At sa nakalipas lang na 24 oras, mahigit isandaan at atlumpong rockfall events na ang naitala.
00:32Ito yung mga pagbagsak na mga bato mula sa itaas na bahagi ng bulkan dahil sa epekto ng pagdami ng lava.
00:39Meron tayong lava dome growth habang ito yung makapal at malapot na lava sa ibabaw ng bulkan na iipon siya doon.
00:50So lumalaki siya, ibig sabihin may nadagdagan ng lava.
00:53Ayon kay FIVOX Director Teresito Bakulkol, nito pang Nobyembre nagsimulang mamonitor ang pagdami ng rockfall events sa bulkan.
01:01Pero mas nadagdagan itong huling linggo ng Desyembre at ngayong pagpasok ng bagong taon.
01:07Taong 2023, huling itinaas sa alert level 3 ang Mayon volcano at inabot ng 6 na buwan noon bago ito naibaba sa alert level 2.
01:17Tila hawig lang naman daw sa nangyari noon ang ipinapakitang senyales ng bulkan Mayon.
01:22Pero ang kaibahan ngayon, ayon kay Bakulkol, may nakita silang pamamaga o ground deformation.
01:28Ibig sabihin may material ka na gumigit-git, tumataas, kaya siya namamaga.
01:36So signal to na may pressurization doon sa bulkan.
01:42So if this will follow the 2023 template, this would be longer than the 2023 kasi meron kang magma.
01:51Sa ngayon, umaasa ang PIVOX na hindi na aabot sa alert level 4 ang Mayon volcano,
01:57bagamat nakitaan na raw ito ng tinatawag na Pyroplastic Density Currents o PBC.
02:02Anything can happen, pwedeng magbago yung parameters natin.
02:05Kung biglang dumami yung volcanic earthquakes natin, kapag may lava flow na at mas mahahaba,
02:11kapag meron na tayong lava fountaining, yun yung itataasan na natin to alert level 4.
02:20Oras na mangyari yan, pinakadelikado ang mga nakatira malapit sa permanent danger zone
02:25dahil sa loob daw ng isang oras ay pwedeng rumagasa ang volcanic gases,
02:31abo at nagbabagang mga bato mula sa bulkan.
02:34It can incinerate everything on its path, bahay, tao, vegetation.
02:40Kaya kahit wala pa ito, naghahanda na ang Office of Civil Defense.
02:45Paghandaan na in case na itaas pa to alert level 4.
02:48So maghanda tayo in terms of manpower, resources, yung mga evacuation centers,
02:54and of course yung mga supplies na kailangan in the event na talagang magkaroon ng escalation.
03:01Meron pong 24 na aktibong vulkan sa Pilipinas, pero sa bilang na yan ayon sa FIVOX,
03:05apat talaga yung kanyang tinutukan at merong alert level ngayon.
03:09Kabilang sa kanila ang Mount Canlaon, Mount Bulusan, Taal Volcano,
03:13at ang Mayon Volcano na nasa alert level 3 ngayon.
03:16Ang Mount Canlaon, nakitaan ng FIVOX ng ilang ash emissions nitong hapon,
03:22pero consistent o maituturing daw na normal kung pagbabasihan ang alert level 2 status ng vulkan.
03:28Pinabulaanan din ang FIVOX ang ikinakalat na maling impormasyon
03:32na nagsasabing sasabog ang vulkang mayon ngayong taon dahil sa mga nangyayari sa Mount Canlaon.
03:38Walang relationship yung dalawa. Yung mga vulkan natin ay independent.
03:44Iba yung mag-chambers nila, magkakalayo.
03:47Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatutong 24 oras.

Recommended