00:00Nagpapatupad na ang Department of Health ng Code-wide Alert para sa nalalapit na kapistahan ng poong Jesus Nazareno.
00:08Ayon sa DOH, mahigit 200 emergency personnel ang idedeploy para magbantay at rumesponde sa 20 DOH Health Emergency Response Stations sa araw mismo ng traslasyon.
00:20Bukod dito, naka-alerto din ang 20 DOH hospitals sa Metro Manila para tumugon sa mga mga ngailangan ng agarang atensyong medikal.
00:30Para naman sa sariling kaligtasan, kabilang sa mga huwag kakalimutang dalhin ay una tubig, kwalya, pamaypay, first aid kit.
00:40Nagpaalala din ang DOH na magsuot ng komportable at preskong damit, kumain muna bago dumalo sa traslasyon at sumunod sa mga otoridad.
Comments