00:00Sa ibang balita ay nilatag ng Department of Agriculture ang mga prioridad na proyekto at programa ng ahensya ngayong taon na paglalaanan ng kanilang budget.
00:08Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, tututukan nilang food production, rural development at long-term food security.
00:16Ngayong taon, target muna ng DA na maabot ang 20.3 million metric tons ng maaning bigas.
00:22Malaki rin ang ilalang pondo ng DA para sa critical agriculture infrastructure, lalo na sa farm-to-market roads, post-harvest facilities, irrigation systems at cold-chain facilities.
00:35Napaka-importante, masigurado natin, nabanggit yan i-Secretary na ma-implement ng tama, maayos at mas mababang presyo at mas eficiente yung pamamaraan.
00:47Kaya magkakaroon na tayo ng ano, tinatawag na citizens participatory audit at meron tayong mga transparency portal, yung FMR watch natin na magiging available sa lahat ng ating mga kababayan.
00:59Pwede sila magbigay ng feedback, photos, videos and suggestions para masigurado na bukod doon sa ating private watch ay meron ding participation sa implementation, yung tinatawag natin na consultation sa mga stakeholders yung ating mga programa.
01:16Lalong-lalo na itong ating mga critical agri infrastructures.