00:00Ibang-iba marahil ang buhay ng 78-anyos na si Eduardo Sevilla kung hindi niya nakilala ang poong Jesus Nazareno.
00:11Kung hindi naman ako napasama rin sa ganito, baka ewan ko po ah, kung nasaan ako ngayon. Baka po wala na ako talaga.
00:20Isa si Kaedong sa mga pinakamatandang ihos del Nazareno na aking nakilala dito sa Quiapo Church.
00:27Mula raw pagkabata, marami nang iniinda si Kaedong. Kasama riyan ang rayuma sa pagkabata at hirap sa paghinga.
00:34Ang kalsada ang unang nagdala sa kanya sa puon nung siya ay 19-anyos.
00:39Natisod niya ang isang prosesyong alay sa puon sa kanilang lugar sa Santo Cristo San Juan.
00:44Nakita ko lang po na maraming sumasama. Parang nahingayaw po ako sa kanya na sumama.
00:51Nakita ko, panik-panawag sila, hilo ng lubid, panalangin ko parang guminhawa ang katawan ko.
00:59Mula noon, nagdarasal na si Kaedong sa puon. Sumali sa balangay o grupo ng mga namamasan hanggang naging ganap na ihos.
01:08Pero halos tatlong dekada rin daw ang inabot bago tuluyang nawala ang kanyang mga dinaramdam.
01:14Bakit hindi siya sumuko ni nagduda man lang sa loob ng tatlongpong taon?
01:19Tinayin ko, hanggat buhay ako, sayo ko. Hanggat kaya na katawan ko.
01:23Sa Kirino Grandstand, sa gitna ng ensayo ng Parish Youth Ministry,
01:28isa sa mga grupo na mga kabataang bahagi ng ihos, nakilala ko ang 14-anyos sa si Adrian, isa naman sa pinakabatang iho.
01:36Ang paglalakbay sa simbahan ni Adrian nagsimula sa pagsasakristan,
01:41bago nakilala ang puon sa barkadang niyaya siyang magpasan.
01:45Pero ang intensyon niya raw noon sa pagpasan, hindi panata.
01:49So 2023, namamasang ka na, pero parang pamana lang dahil...
01:55Cloud.
01:56Cloud.
01:57Dati po dumadaya pa po talaga ako ng malalayit lugar sa tundo.
02:01Para lang po pumasan na ganun.
02:03Pero po hindi ko po talaga nararamdaman yung presensya niyo.
02:07Nagbago ang lahat noong Enero 2024.
02:1012-anyos pa lang siya noon.
02:12Nagkasabay-sabay ang problema.
02:14Naospital ang ama at nagkakumplikasyon sa diabetes.
02:17Sabay pa problema sa pera.
02:19Hindi raw malaman ni Adrian saan o kanino lalapit.
02:23Hanggang sa matisod daw niya ang isang post sa Facebook tungkol sa Quiapo Church
02:27at dinala siya ng paa sa simbahan.
02:30Mula ng gabing yun, nabago raw ang pananaw niya sa puon.
02:34Ang tuwalyang ito, ang tanda ng kanyang pagpupunyagi at sakripisyo.
02:39Itong tuwalyan na hawak ko, siguro sa unang tingin, nakakalain yung ordinaryong tuwalyan lang.
02:45Pero para kay Adrian, isa itong parang badge of honor.
02:50Kasi hindi basta-basta na igagawad daw sa kanilang mga ihos yung tuwalyan na ito.
02:56At ang kwento niya sa atin, kailangan muna ng 60 hours na service bago ka maging eligible na makuha itong tuwalyan na ito.
03:10Maibigay sa iyo yung tuwalyan na ito na isa sa mga simbolo ng iyong dedication at commitment sa pagiging ihos.
03:19Hindi po itong matatapos hanggang mawala na po.
03:22Yung mga lola at lola ko po, sinasuportahan nila po ako dito eh.
03:28Sa mga bagito po na mamamasan, ano ko lang po sa inyo,
03:36kung ano po, inumpisahan nyo, tapusin nyo hanggat kaya ng sarili nyo, kaya ng katawan nyo.
03:44Kasi po, dinadas ko na yan.
03:47Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
03:53Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
04:06Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments