Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bistado ang pagnanakaw ng 7 lalaki sa cable wires na isang telco sa Mandaluyong,
00:05kabilang sa mga nahuli ang isang minor de edad.
00:08Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:12Nakaparada ang dalawang closed vans sa Arayat Street, Barangay Malamig sa Mandaluyong City.
00:18Makikita sa gilid ng mga ito ang ilang metrong haba ng cable wires
00:22na tinangkang nakawin umano ng 7 lalaki madaling araw noong Merkules bisperas ng bagong taon.
00:29Ayon sa pulisya, cable wires ng isang telecommunications company ang ninakaw ng mga sospek.
00:35Una raw napansin ng mga security guard ng kumpanya ang krimen.
00:39Nang lapitan nila, nakita nila na nagpuputol nga ng cable wires doon sa loob ng manhole.
00:46At yung iba naman ay may hinihilang mga cable wires na rin po.
00:50Ito yung manhole na binuksan at pinagkuhanan ng mga sospek ng cable wires na kanilang ninakaw.
00:56Dito rin sa bahagi ng kalsadang ito, pinart ng mga sospek ang dalawang closed van na kanilang ginamit sa krimen.
01:04Matapos isumbong ng mga security sa pulisya, naaktuhan ang mga sospek na nagpuputol ng cable wires
01:10at isinakay ang mga ito sa dala nilang closed vans.
01:13Wala po silang papeles na may pakita, kagaya po ng job order at coordination sa barangay.
01:21So agad po, nagtakbuhan po itong mga sospek.
01:24Pero mabilis naman po silang nahuli ng ating kapulisan sa tulong na rin po ng mga security guard na nag-report sa atin.
01:32Arestado ang pitong lalaki, kabilang ang isang minor de edad.
01:36Abot sa 90 meters na underground copper cable wires ang narecover ng pulisya, na mahigit kalahating milyong piso ang halaga.
01:45Nakumpis ka rin ang safety reflective vest na sinuot ng mga sospek.
01:50At ilang tools na kanilang ginamit, kabilang ang bolt cutter, hakso, sledgehammer at kadena.
01:56Depensa ng mga sospek, nirekrut lang sila para maghakot ng gamit para sa lipat bahay.
02:02Di raw nila alam na kable pala ang ikakarga sa closed van.
02:07Ang pagkakala po po, lipat gamit lang po, ma'am.
02:10Kaya sa akin, mer, baka gusto mo sumama, lipat bahay lang.
02:14Nakasarado po yung closed van, nakasarado po kami. Nakakalong po kami sa loob.
02:19Ibiganda po kami ng 1K.
02:21Wala naman po kami ng alam dun na nakawag po gagawin namin.
02:27Paglabas po namin, yun pala po haakotin po namin kakaplay, hindi po namin po nalapitan yun.
02:33Sa akin, sa amin lang po napagbintangan.
02:36Hindi lang po namin nakawakan yun, napagbintangan lang po talaga kami.
02:39Hindi po namin alam na nakawag po yun.
02:41Pagdating po namin sa area, nakalabas na po yung cable.
02:45Doon na po kami nuloy.
02:46Sinampahan ng mga sospek ng reklamong paglabag sa Republic Act 10515
02:52o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.
02:57Ang driver ng isa sa mga closed van, nakapagpiansa na.
03:01Ang minor de edad naman, na i-turnover na sa bahay pag-asa.
03:05Sa investigasyon ng pulisya, residente ng Tondo at Santa Mesa sa Maynila ang mga sospek.
03:11Ilan sa kanila, dati nang naaresto dahil sa kasong robbery at illegal gambling.
03:17Binavalidate po namin kung anong nabibilang grupo ito.
03:20Nakikipag-coordinate kami po doon sa mga police station nga po ma'am na may mga pangyayaring ganito na rin na modus.
03:27EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended