Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ilang lugar ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5
00:05dahil sa bantaho ng bagyong uwan na naging super typhoon bago mag-landfall.
00:10Ano nga ba ang ibig sabihin ng wind signal No. 5?
00:14Ayon po sa pag-asa, itinataas ito kung ang bagyo ay may lakas na hangin na 185 km per hour o higit pa.
00:23Sa lakas po nito, kayang sirain ang mga lumang bahay o yung mga mahina ang pagkakagawa.
00:30Pwede rin itong makapaminsala ng matibay na bahay tulad ng sirasa bubong o kaya pader.
00:37Posible rin hong makabasag ang bagyo ng mga bintana sa mga high-rise building at magdulot ng paggalaw ng iba pang estruktura.
00:46Malaki rin po ang banta sa buhay ng tao, mga hayop maging sa mga halaman.
00:51Inaasahan din po ang pagkawala ng supply ng kuryente, tubig at signal ng cellphone at internet.
00:58Matitigil din ang servisyo ng mga pampublikong transportasyon.
01:02Inilalabas ng pag-asa ang signal No. 5, labing dalawang oras bago ang pananalasan ng bagyo para makapaghanda ang mga residente.
01:11Madalas na naranasan ang pinakamalakas na hangin ng bagyo bago ang landfall o yung pagtama sa lupa ng mata ng bagyong galing sa dagat.
01:21Habang papalapit po ang bagyo sa dalampasigan,
01:23natutulak ng hangin ang tubig ng dagat na posibleng maging sanhi ng daluyong o storm surge.
01:31Tuwing may sama ng panahon, mahalaga po sa kaligtasan ang maging maalam at updated sa tamang impormasyon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended