00:00Unang araw ngayon ng kalakalan sa taong 2026 at sa pagtatapos ng trading sa pananalapi,
00:06nagsara ang palitan sa 58 pesos and 84 centavos kada US Dollar.
00:12Mas mababa kay sa 58 pesos and 79 centavos noong December 29, ang huling trading day ng 2025.
00:19Mas mababa rin yan kumpara sa unang araw ng trading ng 2025 kung kailan nasa 57 level pa ang palitan.
00:26Noong May 23, naitala ang pinakamatatag na halaga sa 2025 nang sumampa ang palitan sa 55 pesos and 25 centavos.
00:37Hanggang sumadsad sa historic low ang piso nitong December 9 sa halagang 59 pesos and 22 centavos kada dolyar.
00:46Mas masigla naman sa Philippine Stock Exchange, buha naman nung nagsara ang PSE Index sa 6,135.6.
00:54Ang PSE Index at Foreign Exchange ay kabilang sa mga indicator ng aktibidad ng ating ekonomiya.