Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Kaugnay naman sa inaasahang dagsa ng mga pasahero matapos ang holiday season at ang latest sa EDSA rehabilitation,
00:06kausapin natin si DOTR Undersecretary for Road Transport and Infrastructure, Mark Steven Pastor.
00:12Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:15Magandang umaga po Sir Rafis at sa mga nakikinig at nanonood sa atin ngayon sa Balitang Hali.
00:20Apo, kamusta po yung paghahanda ng transportation sector sa inaasahang dagsa ng mga kababayan natin
00:25at pabalik ng Metro Manila matapos po ang holiday?
00:27Opo, marami pong segments itong preparasyon natin para sa pagbabalik ng ating mga kababayan mula sa kanilang bakasyon sa mga probinsya.
00:35Una po sa mga tollway operators natin, minandato po natin sila na magkaroon po ng kumpletong kagamitan
00:42para po sa pagbabalik ng ating mga kababayan at gayon din po yung visibility ng ating mga enforcers dito.
00:49Pangalawa po sa mga terminals natin, particular po sa PITX,
00:53sinigurado po natin na maximize po yung mga bay areas natin, hindi lamang po sa ground floor, kundi pati sa second floor
01:00para mas marami po tayong kababayan na makikinabang.
01:03At gayon din po sa ating mga busway stations,
01:06dineploy po natin ang SAIC at gayon din po ang mga ibang kasamahan natin sa LTO
01:10upang suportahan po ang traffic management at gayon din po yung influx ng ating mga pasahero.
01:18Saan at kailan po ba kadalasan nagkakaroon ng pagbigat sa dalaw ng trafico
01:21kapag ganitong panahon na nagsasaybalikan na yung mga nagbakasyon sa probinsya?
01:25Sa expressways po natin, meron din pong pagbigat yan.
01:30Particular po dito sa mga bulakan areas na sa NLEX at gayon din sa Laguna area sa SLEX.
01:38Convergence point na po kasi ito.
01:40Kaya dito po natin pinapafocus yung ating mga tollway operators na dapat tol.
01:45Maayos yung ating mga kalsada, wala pong mga construction na ginagawa ngayon
01:49dahil maraming nga pong gagamit nito sa mga susunod na araw.
01:52Kailan po natin inaasahan yung dagsa ng mga pabalik po dito sa Metro Manila?
01:57Bukas po. Alam na po natin na may mga kababayan po tayo na uuwi na po mula sa probinsya
02:05papunta po sa Metro Manila.
02:07Kaya bukas inaantabayanan na po natin yung pagdating po ng ating mga kababayan.
02:11Gayon din po sa ating mga terminals po, particular nga po sa PITX, nakahandaan na po sila simula today.
02:18Tungkol naman po sa EDSA Rehabilitation, ang anong stage na po ito ngayon?
02:21At on schedule po ba tayo?
02:24Sa EDSA Rehabilitation po, ang DPWH po ang may proyekto neto, minomonitor po natin.
02:30Mukhang on time naman po, specifically sa innermost lane, yung lane po ng busway,
02:36ang Taft Avenue South Station na lang po ang hindi namin nagagamit as of today.
02:41Yung iba po na re-block na po, gayon din po ang asphalt overlay nila.
02:47It's just that today po, nakiusap po ulit ang DPWH na gamitin po ulit nila yung innermost lane
02:53o lilipat po kami sa second innermost lane dahil maglilane markings po sila dito.
02:57May mga gagawin po ba kayong adjustment base sa inyong naging observation sa mga nakarang araw sa EDSA Rehab?
03:04Ang adjustment po natin ay ang anticipation din po ng ating mga pasahero.
03:11We observed na bumilis po yung takbon o per kilometer ng ating mga sasakyad,
03:15ng ating mga boost dito sa busway, dahil mas patag na at mas suabi na po yung biyahe ng mga boost natin dito.
03:22So ang kailangan namin gawin ay mag-deploy po ng mas maraming tao
03:25para mas mabilis po yung time and motion natin sa ating mga pasahero
03:28at mas mapabilis po ang kanilang biyahe.
03:31Ano naman pong update sa itatayong bagong EDSA Busway Stations?
03:36Opo, may tatlo po tayong stasyon na sisimulan itong first quarter ng 2026.
03:42Ito po yung sa Cubao, Magallanes at sa PITX.
03:45Isa-isayin ko lang po, yung Cubao station po natin,
03:48ito po ay yung nasa Montedipidad, EDSA Footbridge, katapat po ito ng mga bus stations dyan.
03:55Ang pinagigitnaan po kasi ito ng Nepa Q Mart at gayon din ang Main Avenue bus stations natin.
04:02Para mapaitli yung service gap, maglalagay tayong stasyon sa Cubao
04:06dahil heavy on foot traffic po dito, lalo na po pag may mga okasyon po tayo o may mga bakasyon tayo.
04:12Yung pangalawa po yung sa Magallanes, malapit po ito sa MRT3 Magallanes Station.
04:18Gusto po natin i-address yung pagitan ng Ayala at TAC Busway Station.
04:23Lagpas tatlong kilometro po ito.
04:25Kung kaya't lalagyan po natin ang bus stop dito para mas maging accessible po sa ating mga kababayan.
04:30At panghuli po, yung PITX sa Kennedy Road,
04:34dahil ang bus stop po natin ngayon sa PITX ay gumagamit po tayo ng limang base.
04:39So pag nakalipat na po ang busway operation sa independent and dedicated na bus stop niya,
04:45yung limang base na nabanggit ko po ay idadagdag sa ating mga provincial at city routes.
04:50Kung kaya't mas marami pa hong ruta at mas marami pa hong biyahe ang ma-accommodate ng PITX.
04:55Sir Raffi, may dagdag ko rin po na may construction din po tayo sa Kamuning.
05:00Ay naayos po natin yung bus station doon at magkaroon din ng independent footbridge na may elevators po.
05:08May apat din po tayong iba't ibang stasyon pa sa buong busway na nire-rehab din po ngayong panahon.
05:13Opo, itong mga ginagawang construction, asahan po ba natin na magdudulot ito ng trafico,
05:18lalo na pagbalik po ng ating mga motorista mula sa mga probinsya at gaano po ito katagal?
05:23Yung nabanggit ko pong tatlong stasyon, yung Cubao Magallanes at PITX,
05:27isang taon pong gagawin yan.
05:28Sisimulan po itong later part ng January to February.
05:33One year po po siyang i-construct.
05:34Pero sisiguraduhin po natin na hindi makakaabala sa trafico,
05:38ang construction po natin dyan mostly sa gabi po at hanggang madaling araw
05:42para pag dagsapo ng mga pasahero sa umaga, hindi na po tayo maapektuhan.
05:47Okay, maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Halit.
05:51Maraming salamat po at Happy New Year.
05:53Happy New Year po, D.O.T. Undersecretary Mark Steven Pastor.
Comments

Recommended