00:00Bago matapos ang long holiday season, sinusulit pa rin na maraming bakasyonista
00:04ang pananatili sa world-famous beach, Boracay.
00:08May unang balita si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
00:12Kim?
00:16Igaan kahit wala ng fireworks display kagabi,
00:19in-enjoy pa rin ng mga turista ang nightlife activities sa isla ng Boracay
00:23kaugnay ng pagdiriwang ng bagong taon.
00:30Bago pa man matapos ang bakasyon, humirit pa ng last-minute activities ang ilang turista sa Boracay.
00:37Si Mary, kahit makulimlim ang panahon kahapon, pinili pa rin itong magtampisaw sa tubig.
00:43Kahit nga makulimlim, tingnan mo yung mga dagat natin, maganda pa rin.
00:48Last swim to before umuwi.
00:50Inabutan ng news team ang pamilya ni Roderick na nagbabantay na masasakyan papuntang Kagban Jetty Port.
00:57May kasama itong mga bata at senior citizens.
01:00Kahit tatlong araw lang sa Boracay, worth it naman daw ang kanilang experience.
01:05So far, enjoy naman mga kids, especially mga kids.
01:08They enjoy fireworks and land tours.
01:12Kahapon pa lang, unti-unti nang dumagsa ang outbound passengers sa Kagban Jetty Port.
01:18Isa na dito, ang pamilya ni Jeremy na balak pang bumalik sa isla dahil sa one-of-a-kind experience.
01:24Uuwi na kasi, balik-trabaho na kasi bukas eh.
01:28Maganda yung experience dito sa Boracay.
01:30Madaming tourists, maganda yung fireworks.
01:33Binawag na ng Malay LGU ang incident management team,
01:36ngunit aasahan pa rin ang mahigpit na seguridad sa isla at sa pantalan.
01:40Sa port naman natin, may mga assign naman tayo, mga mga personel dyan.
01:46Ang province kasi nag-operate ng ating dalawang port.
01:50Igan, ayon sa Malay LGU, mula December 1 hanggang December 31,
02:00mahigit 227 ang naitalang inbound passengers.
02:04Mula naman December 21 hanggang December 30,
02:08nasa mahigit 66,000 ang outbound passengers.
02:12Inaasahang dadami pa ito ngayong araw dahil nga sa mga umuwi ng mga turista.
02:18Igan?
02:18Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:24Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:29para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.