00:00Si Sambuntis ang natangpang patay at taddadang saksak sa tabi ng mga basura sa Tondo, Maynila.
00:06Ang suspect, kanyang live-in partner. May unang balita si Jomer Apresto.
00:14Tila nagtapon lang ng basura ang tricycle driver na ito sa Tondo, Maynila nitong Martes ng madaling araw.
00:21Nag-counterflow pa siya sa bahagi ng One Luna Street.
00:25Ang kanya palang iniwan sa basurahan, tao.
00:30Ang biktima, 28 anyos na babae na limang buwang buntis at live-in partner pa mismo ng suspect.
00:37Sabi ng barangay, noong una'y sinubukan pang isugun sa ospital ang biktima, pero hindi na siya umabot ng buhay.
00:45Sa tulong ng mga CCTV, nakilala ng barangay ang suspect.
00:49Kinausap pa raw siya ng isa sa mga kagawad ilang oras bago mangyari ang krimen.
00:54Inireklamo kasi ang lalaki ng kanyang nanay dahil sa pangaaway umano sa kanyang kapatid.
00:59Matagal na rin umanong problema ng barangay ang 45 anyos na sospek na Anilay pabalik-balik sa kulungan dahil sa iba't ibang kaso.
01:06Kaya noong nakapanood ko nga, tapos sabi nga may nakit ng babae rin patay.
01:10Kako yung si *** yan. Kinausap magkano, wala na siya rin. Nagtago na.
01:16Natuntun sa follow-up operation ng mga otoridad ng sospek sa Baliwag Bulacan kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak.
01:23Sa investigasyon ng pulisya, posibleng sa loob ng tricycle pinagsasaksak ng sospek ang biktima kung saan kasama pa niya ang kanyang anak.
01:32Base sa kanyang salaysay sa mga pulis, pinagdududahan daw ng sospek ang biktima na may ibang lalaki kaya nagawa niya ang krimen.
01:39Ayon sa taga-barangay na kinumpirma rin ng pulis, nasangkot din ang sospek sa nangyaring hostage taking sa Recto Avenue noong Pebrero.
01:48Hawak na ng homicide section ng Manila Police District ang sospek na maaharap sa reklamong murder.
01:54Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:09Hawak na ng homicide.