00:00Natunghayan sa iba't ibang panig ng mundo ang masaya at makulay ng pagsalubong sa taong 2026.
00:06Silipin natin yan sa report ni Ian Cruz.
00:15Welcome na welcome ang 2026 sa pagsalubong ng Dubai.
00:19The visuals are giving sa combo na ganda ng fireworks display at water fountain.
00:33Sa Abu Dhabi, drone display ang bida.
00:39Pati sa coastal city ng Ras Al-Qaima na may giant human replica gamit ang drones.
00:49Hindi rin nagpatalo ang Bangkok, Thailand sa kanilang 4D aerial performance na pinaghalong drone at pyrotechnic displays.
01:02Nagliwanag naman ang Taipei 101 Tower sa Taiwan sa 6-minute firework display.
01:12Immersive light show muna ang countdown sa Victoria Harbour, Hong Kong.
01:17Pass muna sila sa taon ng fireworks display matapos ipahinto ng kanilang pamahalaan kasunod ng Delhi Fire noong Nobyembre.
01:28May gitsampung libo naman ang dumalo sa pagsalubong sa bagong taon sa Seoul, South Korea.
01:37Isinagawa ang tradisyonal na pagpapatunog ng bronze bell sa Bosingak Bell Pavilion.
01:43Sa fireworks display at sayawa naman idinaan, ang salubong sa Kim Il-sung Square sa North Korea.
01:58Sa Rio de Janeiro sa Brazil, aabot sa labindalawang minuto ang fireworks show.
02:05Milyon-milyon ang dumalo sa pagtitipo na layo ding mabreak ang record ng lungsod para sa largest New Year's party.
02:12Magikal ang mga pailaw sa Scotland.
02:20Ang kanilang fireworks show nasa ibabaw ng iconic na Edinburgh Castle.
02:32Nagpaliwanag naman sa London ang makulay na fireworks show kasunod ng bell ring mula sa Big Ben.
02:39Sa Athens, Greece, lutang ang ganda ng Partinon Temple sa gitna ng firework display sa Acropolis Hills.
02:50Very aesthetic naman ang salubong sa Brandenburg Gate sa Berlin, Germany, na may fireworks with a touch of laser show.
03:08Sabay naman sa pagsalubong sa New York, USA, ang taonang Times Square ball drop.
03:14Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments