00:00Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga otoridad,
00:03may ilan pa rin nahulikan na gumamit ng iligal na paputok sa Maynila.
00:07Kasunod naman ang putukan, tumambad ang mga kalat sa kalsada.
00:10Balit ang hatid ni Jomera Presto.
00:19Ganyan kasaya sinalubong ng mga tagatondo sa Maynila ang bagong taon.
00:23Bawat kanto, may kanya-kanyang latag para ma-enjoy ang New Year.
00:27Tulad sa bahaging ito ng Yuseco Street kung saan napahataw pa sa street ang dalawang senior citizen.
00:33Gayun din ang magkakaibigan na yan.
00:37At sa kabila ng paalala ng Manila LGU, may ilan pa rin na gumamit ng mga iligal na paputok.
00:45Tulad ng crying caunaya na pinaputok sa open court ng Masangkay.
00:50Meron ding malalaking paputok na sinindihan sa iba't ibang bahagi ng kalsada
00:54ilang oras bago pa ang salubong sa bagong taon.
00:59Sa bahaging ito ng solis, may kita na binato na lang ng chinelas ang paputok na yan na hindi nagtuloy.
01:05Ang resulta ng pagpapaputok, nabalot ng usok ang tondo.
01:09Bakas din sa mga kalsada ang mga naiwang mga kalat.
01:12Ang lalaking ito, sakosakong balat ng paputok agad ang nawalis pagkatapos ng pagsalubong sa bagong taon.
01:18May ilang bahagi naman na sumunod pa rin sa paalala ng lokal na pamahalaan.
01:22Tulad sa barangay na ito kung saan namigay ng mga torotot at aguinaldo sa mga bata,
01:26ang ilang opisyal ng barangay 361.
01:30Kasunod ng kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon,
01:33dumami ang bilang ng mga pasyenteng naputokan sa Maynila.
01:36Sa Tondo Medical Center, kita ang dami ng mga pasyente sa blast case ER.
01:40Ilan sa kanila, pawang mga bata na nasa dalawa hanggang apat na taong gulang.
01:45Ayon sa mga doktor, umakit na sa anim na po ang bilang ng firework-related injuries dito.
01:51Mahigit apat na po ang nadagdag dyan mula sa datos kahapon ng umaga.
01:55Mahihigitan na nito ang bilang ng mga kaso noong nakarang taon
01:57na nasa anim na po lang mula December 21 hanggang January 6, 2025.
02:03Ayon pa sa mga doktor, dalawa sa mga bagong pasyente
02:06ay kailangang tanggalan ang bahagi ng kamay at paa
02:09matapos maputokan ng fill box at king kong.
02:12Nakakita din kami ngayon ng limang injury sa mata.
02:16So may mga naputokan sa mata, natalsikan ng mga pailaw,
02:19may mga burns na superficial, tapos meron din sa muka, meron sa mga katawan.
02:25Ayon pa sa kanila, karamihan sa mga victimite ay tinatawag na passive patient
02:29o yung mga nadamay lang sa paputok.
02:32Una ng sinabi ng Tondomed na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga ito
02:35hanggang matapos ang unang linggo ng Enero.
02:38Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments