Ikinanta ng mag-asawang Discaya sa Senado ang ilang mambabatas, taga-DPWH at iba pang opisyal na anila'y humirit sa kanila ng kickback para 'di maipit ang kanilang proyekto sa gobyerno.
Todo tanggi ang ilan sa mga idinawit ng mga Discaya.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinanta ng mag-asawang diskaya sa Senado ang ilang mambabatas, taga DPWH, at iba pang opisyal na anilay humilit sa kanila ng kickback para di maipit ang kanilang proyekto sa gobyerno.
00:19Todo tanggi ang ilan sa mga idinawit ng mga diskaya. May report si Darling Kai.
00:23Handa po kaming tumistigo ng walang pilit at kusang lob bilang state witness at sabihin ang lahat ng nangyayari katiwalaan ng Kamara, DPWH, at iba pang magkawani ng gobyerno upang gawin ang tama.
00:40Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay sa maanumalyang flood control projects, pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Saradiskaya ang labimpitong dati at kasalukuyang kongresista,
00:52isang regional director ng DPWH, limang district engineer, isang undersecretary ng DPWH, dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President,
01:01at isang direktor ng Unified Project Management Office na humingi-umano sa kanila ng kickback para sa mga government project.
01:08Ilan sa mga ito ay personal daw na inabutan ang pera ng mga diskaya para hindi maipit ang implementasyon ng kanilang proyekto.
01:1710 to 25 percent daw na halaga ng kontrata ang hinihingi in cash at walang resibong pinipirmahan.
01:23Ito ay binibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
01:32I move that we subpoenaed that ledger, Mr. Chair, so that we'll have a copy here.
01:37May mga kickback na inabot daw sa mga chief of staff o staff na mga politiko.
01:41Meron din ani lang mga taga DPWH na nagbanggit ng pangalan ng politiko.
01:45Lumapit sa akin ang DPDOS Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
01:56Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo kung saan 30 percent ang kanyang hinihingi ay para kay Kong Roman Romulo.
02:11Sabi daw ng karamihan sa mga nakausap nilang taga DPWH, ang pera ay para kay na House Speaker Martin Romualdez at ako, Bicol Partylist Representative Elizalde Co., chairman noon ng House Committee on Appropriations.
02:23Nabanggit din sila ni Usuag Partylist Representative Jojo Ang Jr.
02:26Si Kong Jojo Ang naman, lagi ring binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay paponto ni Speaker at ni Zaldico.
02:32Sa computation ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Rodante Marculeta, 25 percent ng halaga ng proyekto ang para kay na Romualdez at Co., 5 percent naman ang parking fee para sa mga congressman, 6 percent para sa Bids and Awards Committee, 7 percent para sa DPWH at tax na 7 percent.
02:51Ang natitira para sa proyekto, 35 to 38 percent na lang. Sabi ng mga diskaya, 3 to 5 percent na lang ang natitira sa kanila.
03:00Bagamat 3 to 5 percent na daw ang natitira sa kanilang kumpanya, itinanggi ng mga diskaya na substandard ang kanilang mga proyekto.
03:07Wala pong substandard, tama pa rin. Para sa kasi, hindi po siya papasa sa testing ng DPWS.
03:13Hindi ako naniniwala na papasa sa DPWS, kasabot na hunin niyo yung district engineer at regional director.
03:19I don't think 2 percent lang po ang kinikita nyo rito, 3 percent. Magpapakanda hirap kayo, 2 to 3 percent.
03:24Kakayanin ba na 2 to 3 percent yung mga sasakyan na binili nyo na pagka dami-dami po? I mean, that's just way, ika nga, unbelievable po.
03:3323 years naman po namin pinaghirapan po yun.
03:36Nang tanungin ni Estrada kung may Senador bang sangkot, may ibiniro si Marculeta na tila dinagustuhan ni Estrada.
03:42Senador, meron ba?
03:44Your Honor, wala po.
03:46Safe ka na?
03:47You know, I resent that statement, Mr. Chair. I resent that statement.
03:54Safe ka na.
03:55Mr. Chair, I move that you strike of the record that you strike of the record.
03:59Kayaan mo naman, biro lang naman yun eh. Wala yun, wala yun.
04:03Humiling sa komite ang mag-asawang diskaya ng seguridad para sa kanilang pamilya.
04:07Sagot dito na Justice Secretary Crispin Remulia.
04:09Kung meron silang nakukuhang perang hindi dapat, isa uli nila sa Republika before you can even be considered for immunity.
04:21Si Speaker Ramualdez tinawag ang sinabi ng mga diskaya na kasinungalingan, mali, malisyoso at pawang name dropping lang.
04:30Di raw siya tumanggap at di tatanggap ng suhol mula kanino.
04:33Iginiit ni Kona walang patunay ang mga aligasyon ng anyay sabi-sabilang at politically motivated para linlangin ang publiko at tumihis sa accountability.
04:42Pumalag din ang iba pang nadawit na kongresista.
04:45So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding. Pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding, ay madali niyang masabi. Hindi po totoo ang mga sinabi niya.
04:55Nino ni Sarah o ni Curly Diskaya, di ko nakita. I have never spoken to them, nor have I ever authorized or allow any representative to deal with them.
05:07I will also file a libel case against the Diskaya.
05:10Para kay Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro, demolition job o paninira ang paratang ng mga Diskaya.
05:18Di pa raw siya mambabatas nang mapunta sa mga Diskaya ang DPWH projects.
05:22Sina Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas, pumalag din sa aligasyon ng mga Diskaya.
05:31Pinabulaanan din ito ni Romblon Representative Eleandro Jesus Madrona,
05:35Quezon 3rd District Representative Reynante Arogancia, Aga Partylist Representative Nicanor Briones at Usuag Ilonggo Partylist Representative Jojo Ang Jr.
05:45Itinanggi rin ni dating Congressman Marvin Rillo na ginamit, pinahiram mo inang Kenya ang pangalan ni Romualdez.
05:52Sabi naman ni San Jose del Monte Bulacan Mayor at dating Congresswoman Florida Robes,
05:57Mangilabot naman daw ang kung sino man ang gumamit ng kanyang pangalan.
06:01Wala raw ghost project sa kanilang lungsod.
06:03Itinanggi rin ni Kaloocan 3rd District Congressman Dean Asistio ang mga aligasyon at nanindigang walang ghost project sa kanyang distrito.
06:11Si Laguna Representative Benji Agaraw na itinatanggi rin ang aligasyon, sinabing walang proyekto ang mga Diskaya sa kanilang distrito.
06:19Iginiit din ni Occidental Mindoro Loan District Representative Oditariela na tumanggap siya ng pera o pabor mula kay Diskaya.
06:25Ang dalawa sa pinangalanan ng mga Diskaya na sina DPWH Region 5 Regional Director na si Eduarte Virgilio
06:32at dating DPWH District Engineer Henry Alcantara, pareho namang itinanggi ang akusasyon.
06:38Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News sa kunin ang panig ng iba pang idinawit ng mga Diskaya.
06:44Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended