- Isa sa mga suspek na nanggulo sa isang bahay, susunduin daw ang live-in partner
- Nasa 900 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Bacoor, Cavite
- Super health center sa Marikina, 2024 pa tapos ang pundasyon pero 'di pa naitatayo ang gusali
- Lalaking nanloob sa ilang bahay sa Rizal, arestado
- 2 OFW sa Hong Kong, halos 2 linggo nang nawawala
- Passport nina EX-PCSO General Manager Royina Garma, Ex-NAPOLCOM Comm. Leonardo, at 3 iba pa, pinakakansela; HDO
laban sa kanila, inilabas
- ICYMI: Taas-presyo sa itlog | Pagsasapubliko ng SALN | Binuntutan ng China
- Bamboo Cultivation, ituturo sa 27th Bamboo Training-Seminar ng Carolina Bamboo Garden sa Oct. 18, 2025
- Valeenchaga's best moments sa Bubble Gang | Marian Rivera sa Vietnam
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Nasa 900 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Bacoor, Cavite
- Super health center sa Marikina, 2024 pa tapos ang pundasyon pero 'di pa naitatayo ang gusali
- Lalaking nanloob sa ilang bahay sa Rizal, arestado
- 2 OFW sa Hong Kong, halos 2 linggo nang nawawala
- Passport nina EX-PCSO General Manager Royina Garma, Ex-NAPOLCOM Comm. Leonardo, at 3 iba pa, pinakakansela; HDO
laban sa kanila, inilabas
- ICYMI: Taas-presyo sa itlog | Pagsasapubliko ng SALN | Binuntutan ng China
- Bamboo Cultivation, ituturo sa 27th Bamboo Training-Seminar ng Carolina Bamboo Garden sa Oct. 18, 2025
- Valeenchaga's best moments sa Bubble Gang | Marian Rivera sa Vietnam
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06Nambugbog at nanutok ng laroang baril ng mga lalaking iyan na sumugod sa isang bahay sa Pasig.
00:28Ayon sa pulisya, nag-ugat ng gulo nang iniwan ng kanyang live-in partner ang isa sa mga sospek at nagtago sa bahay ng kaibigan.
00:36Nag-ayaan ng mga kaibigan ng sospek para raw kunin ang kanyang live-in partner.
00:41Ang viral video ng pananakit nangyari noong September 23.
00:46Pinapaharap ng pulisya ang mga sospek sa presinto para magpaliwanag.
00:50Real-life horror story ang naranasan ng mga sumakay sa horror train ride ng isang perya sa Bacolod City.
01:03Bigla kasi itong bumilis, tadiskaril at tumagilit.
01:07May mga nasugatan sa sampung sakay ng ride matapos mataganan ng bagon at may ilang kinimatay.
01:14Sinagot na ng operator ng perya ang gastos sa pagpapagamot nila.
01:20Nawala ng tirahan at naaborin ang mga alagang hayop ng mga nasunugan sa Bacol, Cavite at Cebu City.
01:27May report si Ian Cruz.
01:32Nabalot na makapal na usok ang residential area sa boundary ng Bacol, Cavite at Las Piñas City pasado alas 9 ng umaga.
01:42Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog.
01:44Kinailang umakyat sa bubong ng mga bumbero.
01:48Tumulong na rin ang mga residente.
01:50Pag-aalauna ng hapon, nang maapula ang sunog.
01:54Gawa sa light material yung mga bahay dito sa bagong silangan sa loob ng San Nicolás 3 dito sa Bacolod.
02:00Kaya naman makikita po natin talagang tinupok ng apoy itong mga bahay dito.
02:06Sa ngayon ay nagahanap ng mga mapapakinabangang gamit ang mga residente dahil karamihan sa kanila wala halos na isalba.
02:14Isa sa dahilan, mahirap talagang pasukin.
02:19Gumamit ng mahabang hose at sa light materials nga at dikit-dikit talaga bahay.
02:24Isa sa mga nasunugan si Nersa, kasamang naabo ng bahay niya ang dalawang alagang aso.
02:30Masakit po talaga sir, parang baby kung nalagang yung mga yun eh.
02:34Halos wala na rin natira sa pinaghirapang bahay at tindahan ni Filimon bukod sa naipon niyang tatlong timbang barya.
02:41Sana matulungan po kami ng pamahala.
02:43Matulungan po kami rito ng kababayan namin.
02:44Ang mag-asawang Teresita at Junisio, mabigat din ang loob na back to zero sila dalawang buwan bago magpasko.
02:53Hanggang anim na raang bahay ang natupok ayon sa BFP Bacor.
02:58Nasa siyam na raang pamilya ang apektado.
03:00Meron daw nag-away na mag-ama. Totoo po ba yun na yun ang dahilan kung ba't may suno?
03:04Base po sir sa initial na investigation, hindi naman po sir totoo yun.
03:08Bali, alleged lang naman siya.
03:09Pero per investigation sir, pinutukoy natin talaga kung saan talaga nagsimula yung apoy.
03:14Dalawang sunog naman ang sumiklab sa Cebu City.
03:17Una sa barangay Dulho, kung saan labindalawang estruktura ang natupok.
03:22Nasa 200,000 piso ang halaga ng pinsala.
03:26Inaalam pa ang pinagmula ng sunog.
03:28Sabi ng ilang residente, may narinig silang pumutok bago lumaki ang apoy.
03:32Nang maapula ang apoy, tumambad ang sunog na katawan ng dalawang aso.
03:39Pahirapan ang pag-apula sa sunog sa barangay Labangon dahil sa makitid na daan.
03:44Pinagdugtong-dugtong na ang mga host para maabot ang looban.
03:48Tatlong bahay ang natupok, isang aso ang nakitang patay.
03:52Ayon sa may-ari ng bahay, kung saan sinasabi nagsimula ang sunog,
03:56posibleng sa pinaglaro ang posporo ng kanyang mga apo,
03:59nang galing ang apoy.
04:01Patuloy ang investigasyon.
04:03Higit at nundaang libong piso ang halaga ng pinsala.
04:07Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:11Ipasisilip na rin ang Department of Health sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
04:22ang halos tatlong daang superhealth centers na pinunduhan ng milyong-milyong piso
04:27pero hindi pa natatapos kaya hindi mapakinabangat.
04:31Ang mag-asawang diskaya naman nagsabing hindi na makikipagtulungan sa investigasyon ng ICI.
04:36May report si Joseph Moro.
04:41Superhealth center dapat ang nakatayo sa loting ito sa barangay Concepcion 2 sa Marikina City
04:46pero tila gubat ang nadatnan ni Health Secretary Ted Erbosa.
04:50May mga pundasyon nakatayo pero wala ang mismong gusali.
04:54Di ba yung manananggal, hati? Yung itaas wala, yung iba ba na iiwan?
04:58So, ewan ko lumilipad siguro yung manananggal dito. Ito yung paanan.
05:03Ang pagtatayo ng pundasyon ay bahagi ng phase 1 ng construction na pinunduhan ng 21.5 milyon pesos.
05:12Noon pang unang bahagi ng 2024 ito natapos ng lokal na pamahalaan ng Marikina.
05:18DPWH ang nakatoka sa phase 2 o pagtatayo ng apat na palapag na gusali.
05:22Pero hindi ito maumpisahan dahil di pa umuno na ibibigay ng unang kontraktor ang ilang dokumento.
05:27Ayaw ibigay ng previous phase 1 contractor as-built plans kasi yung ano yung na-build niya sa foundation.
05:34Kasi importante yan para alam mo kung ano yung itatayo mo on top.
05:38Isa ito sa halos 300 superhealth centers na hindi natapos at di mapakinabangan.
05:4412 to 20 milyon pesos daw ang budget sa bawat isa.
05:47Sabi ni Herbosa insertion nito sa 2022 General Appropriations Act kaya hindi dumaan sa planning ng DOH at nakita na lamang nila sa national budget.
05:58This is a waste of money ah. 21 milyon. Does it serve a single patient? No.
06:04Sayang yun di ba? That's your tax money. Kayo nagbayad nito.
06:08Prioridad daw ng DOH na tapusin ang mga ito.
06:11Ang Marikina LGU naman humiling ng 180 milyon peso sa DOH para sila na ang tumapos sa gusali.
06:19Pero wala pa raw ibinibigay na pondo ang ahensya.
06:22Ang Department of Health, tingin ko malaki ang pagkukulang dito kasi hindi nila napondohan ng tama.
06:28Ang gagawin po ng city, naglaan po kami ng 200 milyon para po makomplete lang ang proyektong ito.
06:35Tumanggi sa Herbosa na magturo kung sino may kasalanan sa di mapakinabangang superhealth center.
06:41Pero sa biyernes, magsusumite siya sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ng kanilang natuklasan.
06:48Comment lang po ma'am. Abang sa BIR ma'am.
06:50Comment lang po ma'am. Tinasuhan po kayo ng 7.1 milyon.
06:54Hello ma'am. Comment lang po.
06:57Ang mag-asawang diskaya naman hindi na raw makikipagtulungan sa ICI.
07:02Sabi ng kanilang abogado, inakala ng mag-asawa na mas malaki ang tsansa nila maging state witness kung makikipagtulungan.
07:09Pero kumambyo sila nang sabihin ni ICI Commissioner Rogelio Singzon sa isang panayam na walang qualified na maging state witness sa ngayon.
07:17Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, hindi ra makakaapekto sa embestigasyon na kanilang ginagawa ang hindi pakikipagtulungan na mga diskaya.
07:26Nasa labing anim na mga resource persons ang naipatatawag ng ICI at nakapagsumite na rin naman daw ng kanilang mga affidavit ang dalawa.
07:34Para sa ombudsman, misguided ang mga diskaya, lalo tanging option lamang daw nila sa ngayon, ay makipagtulungan sa gobyerno.
07:43Pinagbigyan naman ang Justice Department ang hiling ng ICI na idagdag sa Immigration Lookout Bulletin ang labing anim pang individual na idinadawid sa anomalya sa flood control projects.
07:53Kabilang dito, sinadating Congresswoman Mary Michika Hayon Uy, ang ama ni Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde na ayon sa mga diskaya, ay personal nilang inabutan ng komisyon.
08:05At si Romeo Bogs Magalog na umunitauhan ni Quezon City 4th District Representative Marvin Rillio.
08:10Sinisika pa namin silang hinga ng pahayag.
08:13Ang paggulong ng imbestigasyon sa katiwalian sa mga flood control projects, marami ng pangalang na dawit kabilang ilang kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:23Tanong ngayon sa Pangulo, aabot ba ang mga aligasyon sa Malacanang?
08:26The opposition would love to bring me into this. That is not to do about corruption. That is to do about politics. Gusto nila akong tanggalin.
08:37Pagtitiyak ng Pangulo, iimbestigahan ang lahat ng naaayon sa ebidensya.
08:41Ang panawagan ng taong bayan na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian di na lamang sa mga protesta dumadagundong,
08:59kundi pati sa mga concerts,
09:09sports event,
09:11maging sa mga prestigyosong pagtitipon tulad ng Sinemalaya.
09:21Artista ng bayan!
09:23Ngayon ay lumalaban!
09:25Ngayon ay lumalaban!
09:27Artista ng bayan!
09:29Kulong yung mga kurakot!
09:30Gaya ng September 21, may malakihan ding marcha sa November 30.
09:35Kakao'tin! Kulong nga yan!
09:37Mga kurakot!
09:38Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:44Arestado ang isang kawataan na inirereklamo sa serya ng pagnanakaw sa Antipolo Rizal.
09:49Isang lalaki naman sa General Santos City ang nanghold-up.
09:53Sa dati niyang pinapasukang gasolinahan, ilang araw matapos siyang sibakin.
09:58Yan at iba pang nahuli kam na krimen sa Spot Report ni James Agustin.
10:01Umahalikid ng lalaking ito sa veranda ng isang bahay sa Antipolo Rizal.
10:12Isa-isa niyang tinignan ang mga pintuan at bintana.
10:16Nang makatsyempo, sumampas siya sa isang bukas na bintana at may inabot sa loob ng bahay.
10:21Matapos sa mahigit isang minuto, tumakas ang lalaking tangay ang mga alahas na nakakahalaga ng 42,000 pesos.
10:27Na-aresto kalauna ng sospek na ilang beses nang inirereklamo ng pagnanakaw.
10:44Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek na sasampahan ng reklamong TEF.
10:50Sa Quezon City, huli kam ang lalaking ito na tinatanggal sa pagkakasaksakan CCTV ng isang paupahang bahay.
10:56Ang hindi niya alam, may iba pang CCTV.
11:00Umakyat ng second floor ang sospek at tinangayang cellphone na maumuupa.
11:04Pagkagaising namin ng umaga, naghahanapan na ng cellphone, nakala niya na tinatagos kasama.
11:10Nung nireview na ni CCTV, yung nakita na napasok na pala kami.
11:15Nai-report na ito sa barangay at napagalamang residente doon ang sospek.
11:19Pang limang beses niya pong ninakawa.
11:21Nung una po ay ang DSWD, yung sa batasan, yung gamit po ng bakla na mga blower, mga make-up.
11:31Tapos po yung dyan po dyan sa Maydamo de Noche, mga damit po.
11:35Hindi raw nakakasuhan ng sospek dahil nakipag-areglo ang mga dati niyang biktima.
11:39Pinapaharap na ng barangay ang sospek.
11:43May hawak pang barila na laking ito habang inuutusan ng isang babae sa isang gasolina sa General Santos City.
11:48Maya-maya pinalagay ng lalaki sa kanyang baga mahigit 100,000 pesos na kita ng gasolinahan.
11:54Ayon sa mga polis dating empleyado ng gasolinahan ng lalaki.
11:57Tinanggal siya sa trabaho ilang araw bago ang krimen.
12:00Pinasusuko na ng mga polis sa kanyang mga kaanak ang sospek.
12:03James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
12:07Halos dalawang linggo nang nawawala ang dalawang UFW sa Hong Kong na hindi na bumalik matapos mag-day off.
12:14Ang gobyerno ng Hong Kong at Pilipinas nagtulungan para mahanap sila.
12:19May report si Vona Quino.
12:20October 4 ng huling makita sa distrito ng Chun Wan sa Hong Kong,
12:28si Naime Mahilong Pabuaya, 24 years old, at Alele Perez-Dibay, 33 years old.
12:34Parehong UFW.
12:36Naglabas na ng panawagan ng gobyerno ng Hong Kong para matuntun ang kinaroroonan ng dalawang Pinay.
12:42Ayon kay Department of Migrant Workers, Secretary Hans Kakdak,
12:46agad na nag-report ang employer ng mga OFW nang hindi na sila bumalik matapos mag-day off.
12:52Bago rin daw mawala si Naime at Alele, nakipag-usap pa sila sa kanila mga pamilya.
12:57Nakakausap na yung mga pamilya and we have endorsed the proper information with the authorities.
13:04But let me just say na meron, merong mga certain leads in terms yung huli nilang pakikipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay.
13:14Wala rin daw records ng paglabas ng Hong Kong ang dalawa.
13:18Nakikipag-ugnayan na aniya ang DMW sa mga otoridad sa Hong Kong,
13:22maging sa Philippine Consulate General's Office at Department of Foreign Affairs.
13:26We follow the lead of the PCG, Consul General, in terms of yung pagkakaroon ng progress dun sa kaso.
13:38So the Hong Kong authorities right now are on the case and rest assured we're monitoring the situation.
13:44Nakikipag-ugnayan na rin sa mga pamilya ng dalawang OFW ang OWA.
13:49Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:52Bago ngayong gabi, tinakakan sila ng Mandaluyang Regional Trial Court Branch 279
13:58ang pasaporte ni dating PCSO General Manager Ruyina Garma,
14:02dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo at tatlong iba pa.
14:07Kaugnayan sa kasong pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
14:13Naglabas din ang whole departure order laban sa kanila.
14:16Kasabay niyan, ibinasura ng korte ang motion to suspend proceedings ni Nagarma at Leonardo.
14:22Presyo ng itlog sa ilang pamilihan, tumaas at posibleng magmahal pa bago magpasko.
14:34Ayon sa Philippine Egg Board Association,
14:37nagkakagipitan sa supply dahil sa bumabang produksyon at problema sa kalidad ng patuka sa manok.
14:43Private Motor Vehicle Inspection Centers na hindi tumatanggap ng cash payment, pinagpapaliwanag.
14:52Base sa reklamong natanggap ng DOTR, e-payment lang ang tinatanggap at may 65 pesos pang convenience fee.
14:59Kongreso at hudikatura, hinikayat napadaliin din ang paglabas ng hawak nilang Statement of Assets, Liability and Net Worth o SAL-IN.
15:11Sabi ni Senate President Tito Soto,
15:14naglalabas na sila ng SAL-IN ng mga senador nung una siyang naging Senate President.
15:18Pero kailangan ng permiso ng bawat senador.
15:21Pag-uusapan naman ang kamera ang magiging patakaran sa paglalabas ng kanika nilang SAL-IN.
15:30Aeroplano ng Philippine Coast Guard, binuntutan ng China J-16 fighter jet at isang helicopter ng China sa Bajo de Masinloc.
15:37Nag-radio challenge pa ang China sa PCG na nag-iimbestiga sa mga estruktura ang itinayo sa tuktok ng bahura.
15:45Chino Gaston, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:48Sa mga naghahanap ng pwedeng gawin sa weekend, pwedeng puntahan ang Bamboo Garden sa Antipolo at matuto tungkol sa mga kawayan.
15:57Bukod sa tamang pag-aalaga at pag-ani ng kawayan, ituturo rin sa training seminar ng Carolina Bamboo Garden kung paano iproseso ang mga ito para pagkakitaan.
16:08Gagawin ang seminar sa Sabado, October 18.
16:11Sa mga interesado, maaring tumawag, mag-email o bumisita sa website ng Carolina Bamboo Garden.
16:18Valin Montenegro, Cherie Solomon at Lovely Abelia inalala ang best at funniest memories sa Bubble Gang.
16:29Yung pin-rank namin si Cha.
16:31Yung nyari, masakit ang chan ko tapos bigla akong duduguin.
16:36Lagi kasi masakit chan niya.
16:38Ganon ang ginawa namin.
16:39Tapos kinausap namin yung medic.
16:42Car-dep pala kung chapa namin.
16:44Kung chapa namin.
16:45Kaya kung chapa namin.
16:45Kung chapa namin.
16:47Sabi pa namin, sana hindi niya maamoy.
16:50Kasi sweet yung caro syrup.
16:52Kahit bad trip na bad trip ako, namin-miss ko yung mga ganong moments.
16:56Hindi rin na iwasang mag-senti ng tatlong BG sisters.
17:00Hindi din ako natatakot entering this other chapter of my life.
17:05Kasi I know they're there.
17:06They were sad because they were leaving the show.
17:09Pero hindi niyo ba naisip na kung kayo yung tirang nag-iisa?
17:12Kasamang mapapanood ang Valin Chaga sa 30th Anniversary Special ng Bubble Gang sa October 19 at 26.
17:25Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, pinagkaguluhan sa Vietnam.
17:31Game na nakipag-selfie at nagbigay ng autograph si Yan Yan na glowing in her white track suit.
17:37Naroon si Marian para sa isang fashion event na dinagsan ang kanyang Pinoy at Vietnamese fans na nakapanood ng kanyang mga seryeng ipinalabas doon.
17:50Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:56At yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:02Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Recommended
21:07
|
Up next
15:56
17:48
14:24
16:37
18:08
19:18
17:12
16:11
30:34
46:44
19:32
12:32
20:20
12:25
Be the first to comment