- 8 minutes ago
FLOOD CONTROL INVESTIGATIONS, ANO NA?
Bago matapos ang taong 2025, balikan natin ang mga naging kaganapan kaugnay sa flood control controversies sa bansa, mula nung unang umugong ang isyu na ito sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos noong Hulyo hanggang sa mga pinakahuling updates sa pagtatapos ng taon.
Panoorin ang video.
Bago matapos ang taong 2025, balikan natin ang mga naging kaganapan kaugnay sa flood control controversies sa bansa, mula nung unang umugong ang isyu na ito sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos noong Hulyo hanggang sa mga pinakahuling updates sa pagtatapos ng taon.
Panoorin ang video.
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Flood Control Projects
00:02Flood Control Projects
00:04na dapat sana'y nakakatulong
00:06ngunit madalas nagiging perwisyo
00:08ang pinakabagong isyong mainit
00:10sa mata ng bawat Pilipino.
00:12Matapos ang kalahating taon
00:14na ginugol sa pag-imbestiga
00:16sa tunay na nangyari
00:18sa mga anomaliyang bumabalot dito,
00:20ano na nga ba ang nagay nito?
00:22Huwag na po tayong
00:24magkunwari.
00:26Alam naman ng buong madla
00:28nakarakit sa mga proyekto.
00:30Sa mga nakikipagsabwatan
00:32upang kunin ang pondo ng bayan
00:34at nakawin ang kinabukasan
00:36ng ating mga mamamayan.
00:38Mahiyaan naman kayo sa inyong
00:40kapag Pilipino.
00:42Sa ikaapat na
00:44State of the Nation Address
00:46ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
00:48kinall out niya ang mga
00:50nadiskubring aniyay palpak
00:52at guni-guning flood control project
00:54na lumantad matapos
00:56ng sunod-sunod ng mga bagyo
00:58at habagat.
01:00Halos dalawang linggo
01:02matapos ang SONA,
01:04opisyal namang inilunsad
01:06ang sumbong sa Pangulo website,
01:08kung saan pwedeng ma-access ng publiko
01:10ang datos tungkol sa flood control projects
01:12sa bansa,
01:14at i-report ang makikita nilang irregularities dito.
01:16Dito rin na-reveal ang top 15
01:18construction companies
01:20na nakakuha ng pinakamalalaking
01:22halaga ng flood control projects
01:24mula 2022 hanggang 2025.
01:28August 15 nang bumisita si Pangulong Marcos
01:30sa dalawang flood control projects
01:32sa Barangay Bulusan at Barangay Frances
01:34sa Kalumpit, Bulacan.
01:36Sa Barangay Frances,
01:38nadiskubre ng Pangulo
01:40ang mga flood protection structure
01:42na hindi sumusunod sa itinakdang
01:44specifications,
01:46kabilang ang mga patong ng semento
01:48na mas manipis kesa sa itinakdang
01:50walong pulgada.
01:52Pangahanapin natin yung
01:54sinong responsible dito sa gobyerno,
01:56sa private,
01:58at kailangan managot sila dito
02:00sa kanilang ginawa.
02:01Huwag silang managot sa akin,
02:02managot sila dito sa mga tao dito.
02:04August 16 nang lumitaw
02:06ang mga anomalya sa mga dike
02:08sa Nauhan Oriental Mindoro
02:10matapos mag-inspeksyon
02:12ni Governor Homer Lito Bons Dolor.
02:14August 19 naman
02:16ang minarkahang day one
02:18ng flood control hearings,
02:20ang araw na nagconvene
02:22ang Senate Blue Ribbon Committee
02:24sa nooy pamumuno ni Sen. Rodante Marcoleta.
02:26Unang ipinatawag ang mga opisyal
02:28ng DPWH,
02:30kabilang si dating Secretary Manuel Bonoan
02:32at ang mga representative
02:34ng top 15 construction companies.
02:36Sa privilege speech naman
02:38ni Sen. Panfilo Lacso
02:40noong August 20,
02:42pinangalanan niya ang
02:44First Engineering District ng Bulacan
02:46bilang isa sa mga notorious
02:48sa kalakadan ng flood control projects.
02:50Pinangalanan niya rin dito
02:52ang mga dating district engineer
02:54na sina Henry Alcantara
02:56at Bryce Hernandez.
02:58Nilista rin ni Lacso ng ilang substandard
03:00at ghost projects sa Pampanga,
03:02La Union, Oriental Mindoro
03:04at Bulacan
03:06kabilang ang apat na flood control projects
03:08sa Hagonoy
03:09na naitala sa sumbong website
03:11ngunit hindi na manatagpuan
03:13ng personal na bisitahin
03:15ng kanyang grupo ang lugar.
03:16Kinabukasan,
03:18napag-alaman na ang flood control projects
03:20sa barangay Apitong na Ohan Oriental Mindoro
03:23na tatlong beses na pinondohan noong 2024
03:26ay hindi raw na ipatayo.
03:28Sa Batangas naman noong August 22,
03:30inaresto si 1st District Engineer Abelardo Calalo
03:34matapos niya umanong tangkaing suhulan
03:36si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste
03:40para maudlot ang investigasyon
03:42sa flood control projects sa lugar.
03:44Mahigit 3 million pesos umano ang suhul
03:47na nakumpiskan ng mga otoridad.
03:49August 27,
03:51sinabi ni Presidential Communications Office
03:54Undersecretary
03:55at Palace Press Officer Claire Castro
03:57na inatasan ng Pangulo
04:00ang pagsasagawan ng lifestyle checks
04:02sa mga opisyal ng pamahalaan.
04:07Kasabay ng pagpapalit ng buwan,
04:09ang pagbabago sa liderato ng DPWH.
04:12Umupo bilang bagong kalihim
04:14ng Department of Public Works and Highways
04:16si DOTR Secretary Vince Dizon noong September 1.
04:20Yan ay kasunod ang anunsyong
04:22nagbitiw si Manuel Bonoan noong August 31.
04:26Sa parehong araw rin
04:28ng unang humarap sa Senate hearing si Sarah Descaya
04:31bilang may-ari ng Alpha and Omega General Contractor
04:34and Development Corporation,
04:36isa sa top 15 companies
04:38na sangkot sa flood control anomalies.
04:41We have been in the construction business for 23 years.
04:45So I would presume that in the 23 years,
04:48pwede naman siguro kami po kumita.
04:50Sa nasabing hearing,
04:52inamin niyang may control siya
04:54sa siyam na construction companies
04:56na nagbibid sa mga kontrata ng DPWH.
05:00Dahil dito,
05:01ni-revoke ng
05:02Philippine Contractors Accreditation Board
05:04o PICAB
05:05ang lisensya ng siyam na nasabing kumpanya.
05:08Sa parehong hearing din niya kinumpirma
05:10ang 28 luxury vehicles
05:12na kanyang pagmamayari
05:14na nag-udyok naman sa Bureau of Customs
05:17na hanapin at kumpiskahin
05:19ang labindalawa rito
05:20matapos silang iraid ang compound
05:22ng mga deskayak kinabukasan
05:24September 2.
05:25September 2 rin
05:27ang unang committee hearing naman ng Kamara
05:29kung saan inamin ni Lawrence Lubiano,
05:32presidente ng isa pa sa top 15 construction companies
05:35na Centerways Construction and Development, Inc.
05:39na nag-donate siya ng 30 million pesos
05:42sa naging election campaign
05:44ni Sen. Cheese Escudero noong 2022.
05:46Pero paglilinaw ng
05:48Political Finance and Affairs Department
05:50o PFAD ng Commission on Elections,
05:52walang pananagutan si Escudero
05:54at isang kontratista
05:56kaugnay ng 30 million pesos
05:58na donasyong pang kampanya
06:00na tinanggap niya para sa kanyang kandidatura.
06:02Dagdag ng PFAD,
06:05hindi na lumabag sa omnibus election code
06:07si na Escudero at Lubiano.
06:09September 8 naman
06:11nang palitan ni Sen. Vicente Soto III
06:13si Sen. Escudero
06:15bilang Senate President.
06:17Kasunod nito,
06:18napalitan din si Sen. Marcoleta
06:20bilang chair ng
06:21Senate Blue Ribbon Committee.
06:23Pinalitan siya ni Sen. Lacson.
06:26Kinabukasan,
06:27sa dateo ng hearing sa Kamara,
06:29lumantad naman ang mga letrato
06:31ng mga tambak-tambak na pera
06:33sa opisina ng DPWH Bulacan 1st District.
06:37Ako po ang nagpicture nito
06:39kasi dyan lang po ako nakakita
06:41ng kanyang karaming pera.
06:43First time ko po yan.
06:44Kung makikita niyo po,
06:46magkakahiwalay po yung pera.
06:47Yung mga designated person po
06:50na pagbibigyan niyan,
06:51your honor.
06:52Sa hearing din na ito,
06:54pinangalan na ni Hernandez
06:55si Sen. Jingue Estrada
06:57at Sen. Joel Villanueva
06:59na sangkot umanoa
07:01sa flood control anomalies
07:02sa kanilang distrito
07:03na mariing pinabulaanan
07:05ng dalawa.
07:06September 10,
07:07sinuspindin ng LTO
07:09ang driver's license
07:10na na-dismissed
07:11Balacan 1st District Engineer
07:13Henry Alcantara,
07:14Assistant District Engineer
07:16Bryce Hernandez,
07:17JP Mendoza,
07:19Edric San Diego
07:20at RJ Domasi
07:21na tinawag na BGC Boys
07:24o Bulacan Group of Contractors
07:26dahil sa umano'y pamemeke
07:28at maling representasyon.
07:30Noong September 11,
07:31formal nang binoo
07:32ang Independent Commission
07:34on Infrastructure
07:35sa visa ng Executive Order
07:37No. 94
07:38ng Pangulo
07:39na may layong imbestigahan
07:41ang katiwadian
07:42sa flood control
07:43at infrastructure projects
07:44sa pamahalaan.
07:46Matapos ang inang araw,
07:48pinangalanan na rin
07:49ng Pangulo
07:50bubuo sa ICI
07:51kabilang si
07:52Baguio City Mayor
07:53Benjamin Magalong
07:54bilang Special Advisor.
07:56Itinalaga naman
07:57ng Pangulo
07:58si Retired Supreme Court
07:59Associate Justice
08:00Andres Reyes Jr.
08:02bilang Chairperson
08:03ng Komite
08:04at former DPWH
08:06Secretary
08:07Rogelio Singson
08:08at SGP and Company
08:09Country Managing Partner
08:11Rosana A. Fajardo
08:12bilang Commission members.
08:14September 16 naman
08:17nang magsimulang maglabas
08:18ng freeze order
08:19ang Anti-Money Laundering Council
08:21o AMLOC
08:22para sa assets
08:23ng mga nadadawit
08:24sa flood control anomalies.
08:26kabilang
08:27ang mga dating opisyal
08:28ng DPWH
08:29gaya nina
08:30Henry Alcantara
08:31at Bryce Hernandez
08:32at mga may-ari
08:34ng iniimbestigahang
08:35construction companies
08:36gaya ng mag-asawang
08:37Sarah
08:38at Curly Descaya.
08:39Sa sumunod na araw
08:42nag-resign naman
08:43bilang House Speaker
08:44si Leite 1st District
08:46Representative
08:47Martin Romualdez.
08:48Pumalit sa kanya
08:49si Isabela's
08:506th District Representative
08:52Faustino Borgi D. III.
08:54Noong September 19
08:56nagsimula naman
08:57ang mga hearing
08:58ng ICI.
08:59Sa araw din iyon
09:00isinarender
09:01ni Bryce Hernandez
09:02ang isang luxury
09:04vehicle sa ICI
09:05bilang bahagi
09:06ng kanyang kooperasyon
09:07sa investigasyon.
09:09September 21
09:10isinagawa
09:11ang sabay-sabay
09:12na malawakang
09:13kilos protesta
09:14sa EDSA
09:15People Power Monument
09:16na pinamagatang
09:17Trillion Peso March
09:18at Luneta Park
09:20na tinawag namang
09:21Baha sa Luneta
09:22kung saan
09:23libo-libong mga
09:24Pilipino
09:25ang nakilahok
09:26upang manawagan
09:27ng accountability
09:28at kondanahin
09:29ang korupsyon
09:30sa gobyerno.
09:31Matapos ang tatlong araw,
09:33muling nag-surrender
09:34ng isa pang luxury
09:35vehicle si Hernandez
09:36sa ICI.
09:37Sa parehong araw,
09:39September 24,
09:40sinuspindi naman
09:41ang kamera
09:42ang kanilang hearing
09:43sa flood control anomalies
09:44para bigyang daan
09:46ang investigasyon
09:47ng ICI.
09:48Si House Speaker
09:49Boji D.
09:50ang mismong
09:51nag-turnover
09:52sa ICI
09:53ng mahahalagang dokumento
09:54at ebedensya
09:55mula sa hearing
09:56ng kamera.
09:57September 25
09:58naman,
09:59ng unang sagutin
10:00ni Nooy
10:01Akubicol Representative
10:02Zaldico
10:03ang mga alagasyon
10:04laban sa kanya.
10:05Sa liham
10:06na ipinadala niya
10:07kay House Speaker
10:08Boji D.,
10:09itinangginya
10:10ang mga aligasyon
10:11tungkol sa kanya
10:12at sinabing babalik siya
10:13sa bansa
10:14para harapin
10:15ang mga ito.
10:16September 26,
10:17nag-resign si Magalong
10:18bilang ICI advisor.
10:20Makalipas ang tatlong araw,
10:22nag-resign naman si Ko
10:23bilang kongdesista.
10:25September 29,
10:26nang maglabas
10:27ng initial report
10:28ng ICI,
10:29kung saan
10:30inirekomenda nila
10:31sa ombudsman
10:32na kasuhan si Ko
10:33at iba pang DPWH officials
10:35kaugnay ng
10:36maanumalyang
10:37289.5 million
10:39peso road
10:40dike project
10:41sa kahabaan
10:42ng mag-asawang
10:43Tubic River
10:44sa Nauhan Oriental, Mindoro.
10:46Sa pagpasok ng Oktubre,
10:48tuloy-tuloy pa rin
10:49ang investigasyon
10:50at paghahain
10:51ng mga reklamo
10:52laban sa mga
10:53itinuturong sangkot
10:54sa flood control anomalies.
10:55Noong Oktubre 8,
10:57naghahain ng
10:58tax evasion complaints
10:59ang Bureau
11:00of Internal Revenue
11:01sa Department
11:02of Justice
11:03laban sa mga
11:04diskaya
11:05dahil umano
11:06sa aabot
11:07sa 7.1 billion
11:08tax liabilities
11:09ng mga ito
11:10mula 2018
11:11hanggang 2021.
11:13Humarap naman
11:14si dating
11:15House Speaker
11:16Martin Romualdez
11:17sa ICI
11:18noong Oktubre 14
11:19para binyang
11:20linaw umano
11:21ang mga isyong
11:22kinasasangkot niya.
11:23Kinabukasan
11:24Oktubre 15
11:25humarap naman
11:26ang mag-asawang
11:27deskaya
11:28sa ICI
11:29pero matapos nito
11:31nagdesisyon silang
11:32hindi na umano
11:33makikipag-cooperate
11:34sa investigasyon
11:35ng ahensya.
11:36They were thinking
11:38that when they cooperate
11:39before the ICI
11:41they will be
11:43getting a favorable
11:44recommendation
11:45from the commission
11:47as state witness.
11:49Sa gitna
11:53ng mga investigasyon
11:54sumiklab naman
11:55ang isang sunog
11:56noong Oktubre 22
11:57sa Bureau of Research
11:59and Standards
12:00Building
12:01ng DPWH.
12:02Pero pagsisiguro
12:03ng ahensya
12:04wala namang
12:05naapekto hang
12:06anumang dokumento
12:07na related
12:08sa flood control
12:09investigations.
12:10Nitong araw rin
12:11pinagdesisyonan
12:12ng ICI
12:13na buksan
12:14sa publiko
12:15ang hearings
12:16sa flood control
12:17projects
12:18streaming
12:19na inasahang
12:20magsisimula
12:21sa sumunod na linggo.
12:22Bago naman
12:23matapos ng Oktubre
12:24naglabas ang ICI
12:25ng panibagong
12:26mga rekomendasyon
12:27sa ombudsman
12:28kaugnay sa umano
12:29yung kickback scheme
12:30sa likod
12:31ng mga flood control
12:32project.
12:33Kabilang sa mga
12:34inirekomendang kasuhan
12:35sina Sen.
12:36Jingoy Estrada
12:37Sen.
12:38Joel Villanueva
12:39former
12:40representative
12:41Zadiko
12:42at ilang
12:43DPWH officials.
12:44Inirekomenda ng
12:45ICI
12:46ang pagsasampa ng
12:47direct or indirect bribery,
12:49corruption of public officers
12:51at plundered charges
12:52laban sa kanila.
12:53Kabilang din
12:54sa rekomendasyon
12:55na sampahan ng kaso
12:56kaugnay naman
12:57ng falsification
12:58of public documents
12:59ang ilang opisyal
13:00ng DPWH
13:02gaya ni na
13:03Alcantara,
13:04Hernandez,
13:05Mendoza,
13:06at Rivera.
13:07Nitong araw rin
13:08inanunsyo ng
13:09Civil Aviation Authority
13:10of the Philippines
13:11o CAAP
13:12na wala na sa Pilipinas
13:13ang hindi bababa
13:14sa tatlong
13:15air assets
13:16ng mga kumpanyang
13:17may kaugnayan
13:18kay Zaldiko.
13:19Ilang araw na
13:20ang nakalipas
13:21bago siya masampahan
13:22ng kaso.
13:23Pagpatak ng Nobyembre,
13:26panibagong mga rekomendasyon
13:28ang inihain ng ICI
13:29sa Office
13:30of the Ombudsman.
13:31Tatlong
13:32magkakahiwalay na rekomendasyon
13:33ang ipinasan nila
13:34noong November 4,
13:356,
13:36at 13,
13:37kaugnay sa mga flood control
13:39projects sa Plaridel,
13:41Bukawi,
13:42at Hagonoy Pulakan.
13:43Gaya ng administrative charges
13:45laban kinadating DPWH
13:47Secretary Manuel Bonoan
13:49at dating undersecretaries
13:51nitong
13:52Sr. Roberto Bernardo
13:53at Maria Catalina Cabral.
13:55November 14
13:56naman
13:57nang magsimulang lumantad
13:58si former Representative
13:59Zaldiko
14:00sa pamamagitan ng mga video
14:02sa kanyang social media account.
14:04Ang ibig pala nilang sabihin
14:06sa aalagaan ka namin
14:08ay gagamitin ako
14:10bilang panakipbutas
14:11sa kanilang kampanya
14:13laban sa korupsyon.
14:15Ginawa nila akong poster boy
14:17ng kanilang sariling kasinungalingan.
14:19Ngayon,
14:20hindi na akong mananahimik
14:22ilalabas ko ang lahat ng katotohanan.
14:25Sa kanyang unang video,
14:27sinabi ni Ko
14:28na si Pangulong Bongbong Marcos mismo
14:30ang nag-utos
14:31na magkaroon ng 100 billion pesos
14:33na insertion sa 2025 budget.
14:37Sa part 2 ng video
14:38na inilabas ni Ko,
14:39ipinakita niya
14:40ang mga literato
14:41ng mga maleta
14:42na naglalaman umano
14:44ng cash deliveries
14:45na ipinadala niya mismo
14:47kinadating House Speaker
14:48Romualdez
14:49at Pangulong Marcos Jr.
14:51November 16 at 17 naman,
14:54isinagawa ang malaking anti-corruption rally
14:57ng Iglesia Ni Cristo
14:58na ginanap sa Quirino-Granston.
15:01November 18
15:02ng opisyal ng magsampan
15:04ng kasong graft
15:05at malversation of public funds
15:07ang ombudsman
15:08sa Sandigan Bayan
15:09laban kinako,
15:11ilang DPWH
15:12Mimaropa officials
15:13at Sunwest Incorporated Directors
15:16kaugnay sa mga anomalya
15:18sa P289M
15:20Pesos Flood Control Project
15:21sa Nauhan Oriental, Mindoro.
15:24Matapos ang tatlong araw,
15:26lumabas na ang arrest warrant
15:28para kinanzaudico
15:29at iba pang opisyal na sangkot
15:31sa nasabing kaso.
15:33At ang susunod na hakbang,
15:35wala ng paliguligoy pa,
15:37ang ating mga otoridad
15:38ay siyempre papatupad na nila
15:41itong mga arrest warrant na ito,
15:43haarestuhin na sila,
15:45ihaharap sa korte
15:47at pananagutin sa batas.
15:49Walang special na pagtrato,
15:51walang sinasanto.
15:53Ibinunyag din ni DPWH Secretary Vince Dizon
15:56ang ICI referral
15:58na imbestigahan si Romualdez.
16:00Ngunit nilinaw sa ICI referral document
16:03na si Romualdez ay isinailalim lamang
16:06para sa further investigation
16:08at walang partikulad na kasong
16:10inerekomandang isang pa laban sa kanya.
16:13Sa isang joint referral naman
16:15ng ICI at DPWH
16:17sa Office of the Ombudsman
16:19nitong November 26,
16:20inerekomenda nila ang pagsusumite
16:22ng impormasyon
16:24kaugnay ni Ko
16:25at pitong kasalukuyang
16:26miyembro ng Kamara
16:27na tinatawag ng mga
16:29Contractors
16:30dahil sa kanilang umano'y kaugnayan
16:32sa mga kontratistang
16:34nakakuha ng mga proyekto
16:36mula sa DPWH
16:38mula 2016 hanggang 2024.
16:41Sa sumunod na linggo,
16:43siyam na DPWH officials
16:45ang nahuli
16:46at nasa ilalim na
16:47ng kustudiyan
16:48ng mga otoridad.
16:49Lahat sila
16:50nag-bleed the not guilty
16:52sa kasong graft
16:53at malversation
16:54of public funds.
16:55At noong November 28,
16:57110 million pesos
16:59na cash
17:00ang ibinalik
17:01ni dating
17:02Bulacan District Engineer
17:03Henry Alcantara
17:04sa pamahalaan.
17:05Bago matapos ang buwan,
17:07nagsagawa muli
17:08ng ikalawang trillion
17:09peso march
17:10at baha sa Luneta Rally
17:12para ipaabot
17:13ng mga Pilipino
17:14ang kanilang mensahe
17:15ng hustisya
17:16sa mga korupsyong
17:17nagaganap
17:18sa pamahalaan.
17:20As promised,
17:21itong pagpasok
17:22ng Desyembre,
17:24sinimula na ang buksan
17:25ng ICI
17:26sa publiko
17:27ang kanilang hearings
17:28kaugnay ng
17:29Flood Control Projects
17:30probe nitong December 2.
17:31Lumitaw naman
17:32ang pangalan
17:33ni dating Senador
17:34Bong Revilla
17:35sa mga pangalang
17:36inirekomenda
17:37ng ICI
17:38na sampahan
17:39ng mga kasong
17:40direct or indirect bribery,
17:42corruption of public officials,
17:44at plunder
17:45noong December 3.
17:46Matatanda ang
17:47una ng itinangki
17:48ni Revilla
17:49ang kanyang pagkakadawit
17:50sa naturang isyo.
17:52Inirekomenda rin
17:53ng ICI
17:54ang further investigation
17:55at case build-up
17:56sa iba pang nadadawit
17:58na sina Sen.
17:59Cheez Escudero
18:00dating Senadora
18:01at Nayoy Makati
18:02Mayor Nancy Binay
18:03dating Senate Finance
18:05Chairperson
18:06Grace Poe
18:07at dating DPWH
18:08Secretary
18:09Sen. Mark Villar.
18:11December 5
18:12nang mag-issue
18:13ang Pasig City Government
18:14ng closure orders
18:16laban sa siyam
18:17na kumpanya
18:18ng mga diskaya.
18:19Naghahain na rin
18:20ang ombudsman
18:21ng panibagong kaso
18:22kaugnay naman
18:23ng 96.5
18:24million peso
18:25ghost flood control
18:27project
18:28sa Davao Occidental.
18:29Kabilang sa mga
18:30kinasuhan
18:31si Sarah Descaya,
18:32Roma Rimando
18:33na pamangkin
18:34ni Curly Descaya,
18:35at walong iba pang
18:37DPWH officials
18:38ng Davao Occidental.
18:40Makalipas
18:41ang apat na araw,
18:42December 9,
18:43voluntaryong sumuko
18:44si Sarah Descaya
18:45sa NBI.
18:46December 10 naman
18:48nang kumpirmahin
18:49ng NBI
18:50na sumuko na rin
18:51ang walong opisyal
18:52ng DPWH.
18:53Sa araw rin ito,
18:55inanunsyo ng Pangulo
18:56na kanselado na
18:57ang passport
18:58ni former
18:59Representative Zaldico
19:00at inaasahan nilang
19:02mahukuli
19:03at mapapauwi na
19:04ang opisyal.
19:05December 15
19:06nang tapusin
19:07ng ICI
19:08ang kanilang mga hearing
19:09para sa taong
19:102025.
19:12Inasahan nilang
19:13darating si dating
19:14DPWH
19:15Undersecretary
19:16Maria Catalina Cabral,
19:18isa rin
19:19sa mga opisyal
19:20na nadadawit
19:21sa flood control anomalies
19:22pero bigo
19:23itong tumating.
19:24December 15 din
19:26ang itinakdang
19:27huling araw
19:28sa ICI
19:29ni Commissioner
19:30Rogelio Singzon
19:31matapos nitong
19:32mag-resign
19:33noong December 3.
19:34Noong December 16,
19:36nagbalik ng halagang
19:3740 million pesos
19:38sa DOJ
19:39si Gerard Apulencia,
19:41isang dating
19:42DPWH
19:43Regional Director.
19:44May karapatan
19:45po kayong manahimik.
19:46Ano man ang inyo?
19:47Noong December 18,
19:49lumabas na ang mga opisyal
19:50na warrant of arrest
19:51para sa mga sangkot
19:53sa 96.5 million peso
19:55Coast Flood Control Project
19:57sa Davao Occidental.
19:59Happy!
20:00Happy!
20:01Yes!
20:02Sa parehong araw,
20:03ikinagulat naman
20:04ng marami
20:05ang pagkasawi
20:06ni dating Undersecretary Cabral
20:07na natagpuan
20:08malapit sa Cannon Road
20:09sa Benguet.
20:10Naglabas din
20:11ng opisyal
20:12na pahayag
20:13ang DPWH
20:14kaugnay ng kanyang pagpanaw
20:15habang nananawagan
20:17ng investigasyon
20:18ng ICI
20:19kaugnay sa insidente.
20:20December 19 din
20:22nang magbalik
20:23ng kanagdagang
20:2471 million pesos
20:25si dating
20:26District Engineer
20:27Henry Alcantara
20:28sa pamahalaan.
20:29Magkahihwalay rin
20:30ipinadala sa DOJ
20:31ang mag-asawang
20:32Descaya
20:33para sumailalim
20:34sa preliminary investigation
20:36sa 7.1 billion
20:38tax evasion complaint.
20:39Ito rin ang araw
20:40na dinala
20:41si Sara Descaya
20:42sa Lapu-Lapu City
20:43kung saan
20:44nakatakda siyang
20:45kumarap sa korte.
20:46December 24
20:47nang ilantad
20:48ni Batangas
20:49First District Representative
20:50Leandro Leviste
20:51ang tinatawag
20:53na Cabral Files
20:54mga dokumentong
20:55ibinigay umano
20:56sa kanya
20:57ng yumaong
20:58Undersecretary.
20:59Pero ayon sa staff
21:00ni Cabral,
21:01sapilitan umano
21:02itong kinuha ni Leviste
21:03bagay na itinanggi
21:04ng kongresista.
21:06Nito namang
21:07December 26
21:08nagbitiw sa pwesto
21:10ang isa pang
21:11ICI Commissioner
21:12na si Rosana Fajardo.
21:14Nakatakda
21:15ang kanyang huling araw
21:16ng serbisyo
21:17sa December 31.
21:26Sa gitna
21:27ng patuloy
21:28na investigasyon
21:29ng mga anomalya
21:30sa flood control projects,
21:31isa lang naman
21:32ang sigaw
21:33ng hustisya
21:34ng mga Pilipino.
21:35Ikulong na
21:36ang mga kurakot.
21:37Patuloy
21:39na maging mapagmatsyag
21:40at manatiling
21:41nakatutok
21:42sa mga balitang
21:43hatid
21:44ng GMA Integrated News
21:45tungkol sa patuloy
21:47na flood control project
21:48investigation
21:49sa susunod na taon.
21:50Theよろしく
21:51do league
21:53mist Rachel
21:54vet
21:56.
21:57t
21:59.
22:01.
Be the first to comment