00:00Gumugulong na ang recovery efforts matapos sa mga magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.
00:05Sa Caramoran Catanduanes, ininspeksyon ni Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Harold Cabreros,
00:12mga nasirang tahanan dahil sa Superbagyong Uwan.
00:15Bahagi po ito ng Post-Disaster Needs Assessment para matukoy ang mga pangailangan ng mga biktima ng bagyo.
00:21Sa hinunangan at silago Southern Leyte naman, nagtungo si OCD Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Rafi Alejandro,
00:31kung saan nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa probinsya matapos hagupitin ng parehong Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.
00:38Ilang kagamitan din ang ipinaabot para sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad.
00:43Patuloy naman ang pag-agapay ng higit sa 2,000 tropa ng Armed Forces of the Philippines para sa relief, rescue and recovery operations.
00:52Nakadeploy din ang iba't ibang military assets sa mga apektadong lugar.
00:56Sa pinakahuling ulat ng NDRMC, 27 ang bilang na mga namatay dahil sa Super Typhoon Uwan,
01:03habang higit 200 naman ay dahil sa Bagyong Tino.