Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 29, 2025


- SONA ni PBBM, binigyan ng pasadong grado ng ilang mamamayan


- "Zero balance billing" sa DOH hospitals, tiniyak ni PBBM | PBBM: Cancer assistance fund at coverage para sa heart attack at surgery, kasama sa pinalawak na PhilHealth benefits | PBBM: Halos 1.5M pamilya, gumanda ang buhay at naka-graduate na sa 4Ps | Edukasyon, nananatiling prayoridad ng PBBM administration; kalusugan ng mga estudyante at guro, tinututukan | 40,000 dagdag na classrooms, target matapos bago ang PBBM administration | PBBM: Walang anomalya sa pagbili ng laptops para sa mga guro; internet connection sa public schools, target maisagawa bago matapos ang 2025 | PBBM: 60,000 ang nadagdag na guro; binawasan ang mga tungkuling walang kinalaman sa pagtuturo | PBBM: Pilipinas, pangalawa sa ASEAN sa dami ng nag-aaral sa kolehiyo at techvoc | PBBM, pinuna ang palpak na serbisyo sa tubig; pananagutin daw ang mga nagpabaya | DOTr Sec. Dizon: Pagbuhay sa libreng "Love Bus" sa buong bansa, gagawin natin agad-agad | PBBM: P20/kilong bigas, ilulunsad sa buong bansa


- PBBM sa mga nagbubulsa umano ng pondo para sa mga proyekto: "Mahiya naman kayo" | Pag-review at pag-audit sa mga flood control project, iniutos ni PBBM | Pag-apruba sa 2026 nat'l budget, mas hihigpitan pa raw ni PBBM | PBBM: Dapat maramdaman ng taumbayan ang pagbabantay ng pulisya | PBBM sa kaso ng missing sabungeros: Hahabulin at pananagutin ang mga sangkot, sibilyan man o opisyal | PBBM, ikinompara ang dami ng mga naaresto at nakumpiskang ilegal na droga sa nakaraang administrasyon | PBBM sa foreign policy: "The Philippines is a friend to all, an enemy to none" | PBBM, nangakong mas gagalingan pa sa huling 3 taon niya sa puwesto


- Maraming lugar sa Pangasinan, lubog pa rin sa baha | Ilang motorista, hirap bumiyahe dahil sa abot-binting baha | Ilang tindera, apektado ang kabuhayan dahil sa baha | PDRRMO, nakabantay sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa Pangasinan


- Presyo ng gulay sa ilang palengke, nananatiling mataas dahil sa epekto ng masamang panahon


- "P77" premiere night, dinagsa ng Kapuso stars at fans


- "PBB Celebrity Collab" Big Four Duos, tampok sa isang local lifestyle magazine | Ilang Sparkle housemates, tumulong sa mga nasalanta ng masamang panahon


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Tinanong natin yung ilan natin mga kapuso dito sa kalye kung ano yung grade nga na ibibigay nila.
00:34Narito ang report card dito sa street here.
00:41Ang magtataho na si Teody Galit.
00:43Sa pangalan lang Galit pero natuwa naman daw siya sa State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon.
00:49Kung bibigyan niya ng grado, 1 ang pinakamababa, 10 ang pinakamataas?
00:5310.
00:5410.
00:54Marami raw siyang nagustuhan pero sana hindi pangako lang ang mga sinabi niya
00:58tungkol sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
01:00Pahali na natin ang mga bago, pamahal na pamahal eh.
01:03Perfect 10 din ang grado ng Pangulo mula sa isa pang magtataho na si Roberto Belchez.
01:08Tumatak daw sa kanya binitawang mga salita kaugnay ng flood control projects
01:11dahil nasalanta din siya kailan lang.
01:1410.
01:14Yung parteng baha, sinabi niya, kailangan ibigay daw sa presidente.
01:23Pasalamat din ako kung ibigay yan para makatulong ng mga mga hirap.
01:29Gaya sa amin na bahan din kami.
01:32Nagmarka naman sa guru na si Erlinda Maglende ang mga pangako sa edukasyon ng Pangulo.
01:377 out of 10 daw ang grado niya sa Pangulo.
01:39Mabigyan ng laptops yung teacher kasi yun yung pangunahing gamit namin sa pagtuturo.
01:48Sana na add to cart na no.
01:49Yung sistema na hindi kami i-re-rate base dun sa dami ng napasa namin
01:55kung hindi dun sa dami ng may natutunan mula sa amin.
02:00Usaping healthcare naman ang tumatak kay Norberto Glorioso.
02:03Lalo regular siya nagpupunta sa ospital.
02:05Pag ano po ko sa ospital ngayon eh, maganda po yun para po sa record namin wala masyagang pambayad.
02:11Hindi naman daw kontento ang magkaibigang si Carlota at Tracy sa napakinggang zona.
02:15Mga supporter daw sila ng Pangulo.
02:17Pero hanggang ngayon, hinihintay raw nila mga pangako niya noong eleksyon.
02:215. Entire speech niya, parang merong parang niyabang lang pero wala talagang solution pang nagaramdaman niya mga tao.
02:32Siguro mga ano lang, mga 5.
02:34Yan, nakulangan din ako sa aksyon kasi ng gobyerno, lalo na sa flood control, diba?
02:39Para masanay na tayo bilang Pilipino na binabaha, hindi pwede.
02:47Maris, at iyan ang street hirit ng ilan sa ating mga kapuso mula rito sa Pasa.
02:51Iba malagre para sa GMA Integrated News.
02:55Edukasyon pa rinda ako ang pinakaprioridad ng Administrasyong Pangulong Bongbong Marcos
02:59batay sa kanyang State of the Nation address kahapon.
03:03Binagid din ang Pangulo sa kanyang sonang iba't ibang servisyong pangkalusugan
03:07at planong mas maayos na transportasyon.
03:11Daritong unang balita.
03:12Itinuloy na po natin ang Zero Balance Billing.
03:21Wala nang kailangan bayaran ng pasyente basta sa DOH Hospital dahil bayad na po ang building.
03:28Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabi,
03:33dito sa atin, mahal magkasakit.
03:36Pero makakaasa pa rin daw ang mga pasyente sa Medical Assistance Program.
03:40Kasama na nga ang Zero Balance Billing sa mga ospital na pinatatakbo ng DOH.
03:45Ibinida rin ang Pangulo ang pagdami ng bagong urgent care and ambulatory services
03:50o bukas centers para sa libreng check-up, x-ray, lab tests at iba pa.
03:55At nasisiyan ako ng makapag-report na sa kauna-unahang pagkakataon,
04:03ang bawat bayan po sa Pilipinas ngayon ay may doktor.
04:07Kabilang sa pinalawak na PhilHealth benefits ayon sa Pangulo,
04:10ang libreng mga sesyon at gamot na mga nagpapadialisis
04:14at 2.1 million pesos na limit para sa kidney transplant.
04:18May Cancer Assistance Fund na rin at PhilHealth coverage para sa atake sa puso,
04:23open heart surgery at heart valve repair o sa replacement.
04:27Padadaliin pa natin ang proseso ng medical assistance dahil ipapasok na po ito sa ating e-gov app.
04:35Ipinagmalaki rin ang Pangulo na sa kanyang administrasyon,
04:38halos isa't kalahating milyong pamilya ang gumandaang buhay
04:41at nakagraduate na mula sa 4-piece o pantawid pamilyang Pilipino Program.
04:47600,000 kabahayan daw ang matutulungan sa ikalawang taon ng walang gutom program.
04:51Mahigit 3 milyong mag-aaral naman ang nakasama sa feeding program ng DSWD at DepEd
04:57sa daycare centers at public schools.
05:00Sa susunod na taon, sa tulong ng karagdagang 1 bilyong pisong pondo,
05:05pararamihin pa ng DSWD ang bilang ng mga batang mabibigyan ng masustansyang pagkain.
05:12Halaw naman natin, basta't may laman ang tiyan, may laman ang isipan.
05:18Ipinunto naman ang Pangulo na sa lahat ng pinahalagahan ng kanyang administrasyon,
05:23nasarurok pa rin ang edukasyon.
05:25Ngayong taon, sinimulan na natin ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL program
05:32at pinalalakas din natin ang Early Childhood Care and Development.
05:36Naglaan tayo ng 1 bilyon para makapagtayo ng mahigit 300 barangay child development center
05:43at bulilit center sa buong bansa.
05:46Pinaspasan na raw ang pagbabakuna sa mga bata at babantayan pati kanilang mental health.
05:51Tututukan din ang kalusugan ng mga guru sa bagong lunsad na yakap caravan.
05:56May libre check-up at lab tests katulad ng cancer screening para sa kanila, pati na libre gamot.
06:0222,000 silid aralan na rin daw ang nabuksan.
06:05Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin natin madadagdagan pa ng 40,000 silid aralan
06:12bago matapos itong administrasyon.
06:14Nakahanda na rin daw ang mga high-tech at digital na gamit smart TV,
06:19libring Wi-Fi at libring load sa bayan ni Hans' SIM card
06:22para makasabay ang mga estudyante sa makabagong paraan ng pag-aaral.
06:26Ngayon, nagdaratingan na ang mga laptop na laanpara sa bawat guro sa public school.
06:33Kiniyak natin na walang anomalya sa pagbili ng mga laptop na ito.
06:38Halos 12,000 pampublikong paralan pa ang walang internet.
06:44Kaya sinusiguro ng DICT at ng DepEd na bago matapos ang taong ito,
06:49magkakaroon na ng koneksyon ng internet ang lahat ng pampublikong paralan.
06:55Pinakamahalaga rao sa edukasyon ng mga guro,
06:59nadagdagan ang mga nabigyan ng trabaho sa pagbubukas ng 60,000 teaching item.
07:04Binawasan din ang mga dokumentong dati kailangan at upagi ng mga guro
07:08at gagawin ng digital ang mga natitira.
07:10Sa kolehyo, 260,000 na estudyante raw ang nadagdag sa bilang ng mga libreng pinag-aaral.
07:26Maglalaan pa rin daw sa susunod na taon ng 6 na bilyong piso para rito.
07:31Sabi ng Pangulo, pangalawa na ang Pilipinas sa buong ASEAN
07:34pagdating sa dami ng kabataang pumapasok sa kolehyo at tekbok
07:38at mas marami na raw ang nakakapagtapos.
07:41Kaya mga magulang, sulitin na ninyo ang mga pagkakataong ito
07:47dahil hangad natin na sa lalong madaling panahon
07:50ang bawat isang pamilya ay may anak na nakapagtapos ng kolehyo o sa tesda.
07:57Sa susunod na taon din, tatapusin ang halos 200 planta ayon sa Pangulo
08:02bilang solusyon sa problema sa kuryente.
08:05Pinulaan din ang Pangulo ang anya ay palpak na servisyo ng mga water district
08:09at kanilang joint venture partners.
08:12Marami kaming natatanggap na reklamo na hindi man lang daw
08:16umaabot ang tubig sa kanilang mga gripo.
08:19Sa lawak ng reklamo, lampas 6 na milyong consumer sa buong bansa
08:24ang kasalukuyang naapektuhan.
08:28Titiyakin daw na mapapanagot ang mga nagpabaya.
08:31Kaugnay naman sa binanggit ng Pangulo na pagbuhay ng programang Love Bus
08:34na dating sumisimbolo ng abot kayang transportasyon noong dekada 70
08:39at ngayon ay gagawing libre ang sakay sa buong bansa.
08:43Agarang aksyon ang tugon ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon.
08:46Kaya sa transportation, yung mga sinabi niya na idadagdag pa nating servisyo
08:52katulad ng pagbuhay ng Love Bus at gawing libre yun sa buong bansa,
08:57hindi lang sa Metro Maniga, gagawin na natin yun agad agaran.
09:00Bago raw matapos ang taon, ay mamamasada na sa buong bansa ang mga Love Bus.
09:06Bukos sa libreng Love Bus, isa sa mga direktiba ng Pangulo
09:09ay ang agaran at ganap na paggamit ng mga dalian train
09:12sa susunod na taon na matagal na ang hindi napapakinabangan.
09:16Sinagot din ng Pangulo ang mga nagtatanong kung nasaan na ang 20 pesos ng bigas.
09:20Dahil sa ilala ang 113 billion pesos na pondo,
09:24malalakasin anya ang mga programa ng Department of Agriculture
09:27para ilunsad na ang 20 pesos kada kilong bigas sa buong bansa.
09:32Napatanayan na natin na kaya na natin ang 20 pesos sa bawat kilo ng bigas
09:37nang hindi malulugi ang ating mga magsasaka.
09:42Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
09:46Nang muling bahayin ang maraming lugar sa Metro Manila nung nakaralinggo,
09:52tanong ng marami.
09:54Nasaan ang flood control projects ng gobyerno?
09:57Sa kanyang State of the Nation address kahapon,
10:00kinastigo ni Paulong Bongbong Marcos sa mga anya'y nagsasabuatan
10:03para nakawan ang pondo ng bayan.
10:06Narito ang aking unang balita.
10:11Sa tuwing umuulan, bahalag yung kasunod.
10:14Malakas man o hindi ang buhos.
10:16Sa pagkakupitang habagat at sulod-sulod na bagyo sa bansa,
10:20nalubog na naman ang maraming lugar.
10:22Talong tuloy na marami.
10:23Annyari sa flood control projects.
10:27Sa kanya'y kaapat na State of the Nation address,
10:29matapang ang mga binitiwang salita ni Pangulong Bongbong Marcos.
10:33Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating na anod o nalubog sa mga pagbaha.
10:39Mahiya naman kayo, lalo sa mga anak natin,
10:42na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo,
10:46na binuusan nyo lang ang pera.
10:47Kinastigo ng Pangulo,
10:56ang mga anyay nagbulsan ang mga pondong nakalaan para sa mga proyekto.
10:59Kitang-kita ko na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho.
11:05At yung iba, guni-guni lang.
11:11Huwag na po tayong magkunwari.
11:14Alam naman ng buong madla na nagkakarakit sa mga proyekto.
11:18Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan
11:22at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamaya.
11:26Mahiya naman kayo sa inyong kapapilipino.
11:29Iniutos ang Pangulo na i-review at i-audit ang mga flood control project na di napakinabangan.
11:36Pinagsumiti niya ang Department of Public Works and Highways o DPWH
11:40ng listahan ang lahat ng flood control project sa nakalipas sa tatlong taon
11:44at tiniyak na pananagutin ang may sala.
11:47Sa mga susunod na buwan,
11:50makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa investigasyon,
11:55pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.
11:59Kailangan malaman ng taong bayan ang buong katotohanan.
12:09Kailangang may managot sa naging matinding pinsala at katiwilean.
12:18Pagtitiyak ng DPWH, agarang isusumiti at isa sa publiko ang flood control projects.
12:24Sa 2025 national budget, ilang flood control projects na isiningit ang vinito o tinanggal ng Pangulo.
12:30Sa budget para sa 2026,
12:33mas magiging mahigpit daw ang Pangulo.
12:35For the 2026 national budget,
12:39I will return any proposed general appropriations bill
12:44that is not fully aligned with the national expenditure program.
12:53And further,
12:55I am willing to do this
12:57even if we end up with a reenacted budget.
13:01Naunan lang inaprobahan ng Pangulo ang panukalang 6.793 trillion pesos
13:06na national expenditure program para sa 2026.
13:10Pagdating naman sa usapin ng kriminalidad,
13:12kahit parao sabihin buwa ba na ang antas ng krimen sa bansa,
13:15ay walang ibang magpapalubag ng pangamba at pagkabahala.
13:18Kaya patuloy rin na magbabantay ang pulisya
13:20para nararamdaman ito ng taong bayan.
13:24Itinaon naman sa zona ng ilang mga kaanak
13:26na nawawalang sa bongero
13:27ang kanilang panawagan sa Pangulo.
13:29Nananawagan po kami kay Pangulong BBM
13:31na sana malutas na niya itong problema namin
13:34sa missing sa bongero.
13:35Ang Pangulo,
13:36tiniyak na walang sisinuhin
13:38sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng anyay
13:40karumaldumal na krimen.
13:42Nagtutulungan ang buong pamahalaan
13:44para lutasin ang mga kaso
13:46ng mga nawawala
13:47dahil sa walang pakundangang kagagawan
13:50ng mga sindikato sa likod
13:52ng madilim na mundo ng mga sabungan.
13:56Hahabulin at pananagutin natin
13:58ang mga utak at mga sangkot
14:00civilian man o opisyal.
14:01Kahit malakas,
14:11mabigat o mayaman,
14:13hindi sila mangingiwabaw sa batas.
14:19Higit sa lahat,
14:21ipararamdan natin sa mga salarin
14:23ang bigat ng parusa
14:24sa karumaldumal na krimen ng mga ito.
14:27Patuloy rin daw ang kampanya
14:28kontradroga ng Administraso Marcos
14:30sa may pagkukumpara
14:32pagdating sa mga naaresto
14:33at nakukumpis kang droga.
14:35Sa lahat ng mga operasyon na ito,
14:37may higit 153,000 ang naaresto.
14:42Sa tatlong taon lamang,
14:43halos mapantayan na
14:45ang kabuwang huli
14:46nung nakaraang Administrasyon.
14:54Sa kabila ng mga ito,
14:57tila nagbabalikan daw
14:59ang mga pusher.
15:01Kaya patuloy ang ating mga operasyon
15:03laban sa mga drug dealer,
15:05sila man ay big time o small time.
15:08Binigyan din din ng Pangulo sa SONA
15:09ang Foreign Policy na Administrasyon
15:11na the Philippines is a friend to all,
15:14an enemy to none.
15:15Sa kabila nito,
15:17iginait niyang mas paigtingin
15:18ang pagprotekta ng Pilipinas
15:19sa ating teritoryo,
15:21sa gitna ng mga banta.
15:22Sa harap ng mga bagong banta
15:24sa ating kapayapaan at soberanya,
15:26mas maigting ngayon
15:27ang ating paghahanda,
15:29pagmamatsyag,
15:30at pagtatanggol sa ating sarili.
15:33Ganun pa man,
15:34tayo pa rin
15:34ang nagtitimpi
15:36at nananatiling
15:37nagpapasensya,
15:39lalo na
15:39sa pagtanod
15:40sa ating buong kapuluan
15:42at sa pangangalaga
15:43sa ating interest.
15:45Nagpasalamat din ang Pangulo
15:46sa mga OFW
15:47ng dahilananya
15:48kaya naipapamalas
15:49ang angking galing,
15:51kabutihan at puso
15:52ng Pilipino
15:52saan mang surok ng daigding.
15:55Aminado ang Pangulo,
15:56bigo at dismayado
15:57ang mga mamamayan
15:57sa pamahalaan
15:59kaya pipilitin daw nilang
16:00galingan pa
16:00sa huling tatlong taon
16:02ng Administrasyon.
16:04Ang leksyon sa atin
16:05ay simple lamang.
16:07Kailangan pa natin
16:08mas lalong galingan.
16:10Kailangan pa natin
16:11mas lalong bilisan.
16:12Kung datos lang
16:14ang pag-uusapan
16:15maganda
16:16ang ating ekonomiya
16:18tumaas ang kumpiyansa
16:19ng mga negosyante.
16:21Bumaba ang inflation
16:22dumami ang trabaho.
16:24Ngunit ang lahat ito
16:25ay palamuti lamang
16:27walang saisay
16:28kung ang ating kababayan naman
16:30ay hirap pa rin
16:31at nabibigatan
16:32sa kanilang buhay.
16:34Kaya sa huling tatlong taon
16:36ng Administrasyon
16:37ibubuhus pa natin
16:39ang lahat-lahat
16:40hindi lamang
16:41upang mapantayan
16:42kundi mahigitampah
16:45ang pagbibigay
16:46ginhawa
16:46sa ating mga kababayan.
16:48Ito ang unang balita
16:50Ivan Merina
16:51para sa GMA Integrated News.
16:53Wala ng bagyo
16:54pero baha pa rin
16:55sa maraming lugar
16:57sa Pangasinan
16:58at live bula
16:58sa Dagupan City.
17:00Ngayon na balita
17:01si CJ Torida
17:02ng GMA Regional TV.
17:04CJ.
17:04Ivan, simula kagabi
17:09hanggang sa mga oras
17:10na ito
17:10ay nakararanas
17:11ng pabugsong-bugsong
17:12malakas na pagulan
17:13ang Dagupan City.
17:19Lubog pa rin sa baha
17:20ang dalawang lungsot
17:21at labintatlong bayan
17:23sa Pangasinan
17:23dahil siya nagdaang sama
17:25ng panahon.
17:26Kabilang dito
17:27ang Dagupan City,
17:28Ordaneta City,
17:29Linggayen,
17:30Mga Taram,
17:31Kalasyao,
17:32Santa Barbara,
17:33Aguilar,
17:34Bautista,
17:35Binmaloy,
17:36Urbistondo,
17:37Bani,
17:38Malasiki,
17:38Agno,
17:39Binalonan at San Fabian.
17:41Sa ngayon
17:41na current alert status
17:43pa rin tayo
17:43dahil may mga
17:45flooded area pa
17:46at the same time
17:47yung sa Western Pangasinan
17:49nabinoy ang
17:50bagyong emo.
17:52Sa bahagi ng
17:53Maluud Road
17:54sa Dagupan
17:54hanggang binti pa rin
17:56ang baha.
17:57Pahirapan sa biyahe
17:58ang mga sasakyan.
17:59Ang ilang residenteng
18:00walang masakyan
18:01napilitang lumusong
18:02sa baha.
18:03Binabaha pa rin
18:04ang ilang bahay.
18:05Kahit baha,
18:06may mga nagtitinda pa rin
18:07sa talipapa.
18:09Sa bahaging ito
18:10ng Herero Street,
18:11nakahilera ang mga tindera.
18:13Pinayagan silang
18:14pumesto rito
18:15para makapagbenta.
18:16Galing sila
18:17sa binabahang kalsada
18:18malapit sa Malimgas
18:19Public Market.
18:20Hindi na pupunta doon,
18:21dito na lang
18:22namamalingke.
18:23Ayon sa PDR-RMO,
18:26nakaalarto pa rin sila
18:27sa tuloy-tuloy
18:28na pagulan.
18:35Ivan,
18:36update lang tayo
18:36sa flooded area
18:37sa Pangasinan
18:38as of 5 a.m.
18:40mula sa 15 lugar.
18:42Labing apat na lang
18:43ang binabaha ngayon
18:44ayon sa PDR-RMO.
18:46Samantala,
18:47nandito tayo ngayon
18:48sa isang evacuation center
18:49sa Dagupan City
18:50na sa 94 families
18:52ang nananatili rito
18:53mula sa apat na banangay.
18:55Nakatutok naman
18:55ang mga otoridad
18:56sa sitwasyon
18:57ng mga evacuee.
19:00Ivan,
19:00maraming salamat
19:01si Jay Torida
19:02ng GMA Regional TV.
19:05Maka iigan,
19:06kung balak niyong
19:07mag-ulam ng gulay,
19:09dagdagan ang budget
19:09dahil mahal pa rin
19:10ang ilang gulay
19:11sa palengke.
19:12Epekto raw ito
19:13ng mga nagdaang bagyo.
19:14May unang balita
19:15si James Agustin.
19:16Nananatiling mataas
19:22ang presyo
19:22ng lahat ng gulay bagyo
19:23sa bagsakan nito
19:24sa Juliana Market
19:25sa Quezon City.
19:27Gayunman,
19:27kung ikukumpara
19:28sa presyo nitong weekend,
19:29matapos sa pananalasa
19:30ng bagyong Dante,
19:32mas bumaba na
19:32ang mga presyo.
19:34Ang carrots,
19:34halimbawa,
19:35ay 140 pesos per kilo
19:36mula sa 250 pesos
19:38nitong weekend.
19:40Malayo yan
19:40sa karaniwang bentahan
19:41ng carrots
19:41na 80 pesos per kilo
19:43kapag walang bagyo.
19:44Mabibili ang sayote
19:45sa 40 pesos per kilo
19:46habang ang patatas
19:48ay 80 pesos per kilo.
19:5050 pesos lang
19:50ang natapya
19:51sa presyo ng lettuce.
19:52250 pesos
19:54ang kada kilo
19:54ng romaine lettuce
19:55habang 300 pesos
19:57ang iceberg lettuce.
19:58Ang broccoli
19:59na sumipas
20:00sa 300 pesos per kilo
20:01nitong weekend,
20:02230 pesos na ngayon.
20:04Halos doble
20:05sa normal na presyo
20:06na 120 pesos per kilo.
20:08100 pesos per kilo
20:09naman ang labano
20:09sa trepolyo
20:10habang 130 pesos
20:12ang pechay bagyo.
20:13Yung kinukunan
20:14ng gulay natin,
20:15tinamaan talaga sila
20:15ng bagyo.
20:16Kaya yung mga gulay
20:17na apektuhan talaga.
20:20Konti yung na-harvest,
20:22tapos yung nadating dito,
20:23minsan mas sira na,
20:24hindi katulad nung nakaraan
20:25na okay siya
20:26before bagyo.
20:27Sa gulay tagalong,
20:27sa 300 pesos per kilo
20:38mula sa 180 pesos
20:39noong nakarang linggo.
20:41Mabibili ang talong
20:42at ang palaya
20:42sa 120 pesos per kilo.
20:4435 pesos naman
20:45ang kada peraso
20:46ng upo
20:47mula sa 25 pesos
20:48noong nakarang linggo.
20:49Sinusubukan pa namin
20:50makunan ng kometong
20:51Department of Agriculture.
20:53Nauna lang nagsabi
20:54na sa kabila
20:54ng mga nagdaang bagyo,
20:56wala raw inaasa
20:57ang malaking pagtaas
20:58sa presyo
20:58ng mga bilihin
20:59lalo't karamihan
20:59sa mga nasalanta,
21:01mga katatanim lang.
21:02Ito ang unang balita.
21:03James Agustin
21:04para sa Jimmy Integrated News.
21:11Showbiz chika tayo mga kapuso.
21:13A spectacular black carpet
21:15ang paandar
21:15sa premiere night
21:16ang P77
21:17sa Quezon City.
21:19Early Halloween treat
21:21ang hatid ni Barbie Forteza,
21:22iba pang cast members
21:24at director
21:24na si Derek Cabrido.
21:26Kabilang sa mga nanood
21:27at nag-thumbs up
21:28sa kapuso
21:29mind-bending horror drama film
21:30si na Alden Richards,
21:33David Licaoco,
21:35Bianca Umali,
21:37Derek Monasterio
21:38at Elle Villanueva.
21:39Present din
21:39ang kapuso award-winning host
21:41na si na Jessica Soho
21:42at Atom Araulio.
21:44Pati ang ibang
21:44ex-PBB collab housemates.
21:46Naroon din si
21:47GMA Pictures Executive
21:49Vice President
21:49and GMA Public Affairs
21:51Senior Vice President
21:52Nessa Valdelon.
21:54At thankful naman si Barbie
21:56sa friends and fans
21:57na dumayo pa
21:58para mapanood
21:59ang kanyang pelikula.
22:00Bukas ho,
22:01mapapanood na
22:02sa mga sinihana
22:03ang P77.
22:05Abangan!
22:07Samantala,
22:08Atake,
22:08ang visuals
22:09ng Big Four Duos
22:10ng PBB Celebrity
22:11Collab Edition
22:12na featured sa isang
22:13local lifestyle magazine.
22:15Looking classy
22:16in their white outfit,
22:17si na Mika Salamanca
22:18at Brett Manalo
22:19o Breka,
22:21Will Ashley
22:21at Ralph De Leon
22:24o Rawi,
22:24Charlie Fleming
22:26at Esnir
22:27o Chares
22:27at si na
22:29AZ Martinez
22:29at River Joseph
22:30o Azver.
22:32Ikinwento ng
22:32Big Four Duos
22:33ang kanilang mga pinagdaanan
22:34sa loob ng bahay ni Kuya
22:35pati ang naging motivation nila
22:37para kayanin
22:38ang bawat challenge.
22:39Sa gitna ng pagiging busy
22:43sa kanilang commitments,
22:44tumulong ang ilang
22:45Sparkle Housemates
22:46sa mga nasalantaan
22:48ng masamang panahon.
22:49Nagpadala ng relief goods
22:50si Ashley Ortega
22:51at kanyang fans
22:52sa mga binaha
22:53mula sa kanilang
22:55donation drive.
22:56Personal namang
22:57naghatid ng tulong
22:58si Dustin Yu
22:58kasama si Bianca De Vera
23:00sa mga taga Quezon City.
23:02Si AZ
23:02namigay ng relief goods
23:03sa mga residente
23:04sa Rodriguez Rizal
23:06at kamakailan
23:07si Mika at Will
23:08nag-volunteer
23:09sa soup kitchen
23:10para sa mga nasalantaan
23:12ng bagyo at habagat.
23:14Naglungsat din
23:16si Mika
23:17ng donation drive.
23:19Thank you guys!
23:21Thank you!
23:23Igan, mauna ka sa mga balita.
23:25Mag-subscribe na
23:26sa GMA Integrated News
23:28sa YouTube
23:28para sa iba-ibang ulat
23:30sa ating bansa.

Recommended