00:00Nakihati sa linya ng mga pribadong sasakyan ng mga bus sa EDSA Carousel
00:04matapos isara ang ilang bahagi ng kanilang linya dahil sa EDSA Rehab.
00:08Mula sa Pasay City, may live report si Jamie Santos.
00:12Jamie?
00:18Atong Paskong Pasko pero tuloy ang trabaho para sa pagsasayos ng EDSA.
00:23Kaya naman kahit marami ang nakabakasyon, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
00:30Gaya ng nakaskedule kahit gabi na at Pasko pa,
00:37puspusan ang pagkukumpuni sa bahagi ng EDSA Pasay, Corner Rojas Boulevard.
00:42Binabakbak ang bahagi ng kalsada dahil re-blocking ang gagawin.
00:46Ibig sabihin, papalitan ng bago ang semento.
00:49Isinara ang bahagi ng kalsada maging ang Bus Carousel Lane.
00:52Kaya naman nagiging mabagal ang usad ng mga sasakyan.
00:55Pasado alas 4 ng hapon, bumagal din ang daloy ng trapiko sa bahagi ng southbound ng EDSA sa Guadalupe.
01:04May mga inilagay ng signages na nagbababala sa mga motorista tungkol sa pagsisimula ng pagsasara ng ilang bahagi ng kalsada.
01:12Umabot hanggang Buendia ang traffic sa southbound lane.
01:17Sa northbound naman ang EDSA, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga galing o dumaan sa Ayala flyover.
01:23Pagbaba kasi rito, sasalubong ang mga gumagawa ng asfalto sa naturang bahagi ng kalsada.
01:29Nakadagdag pa sa pagsisikip ng daloy ng trapiko,
01:32ang mga nakaparadang truck at sasakyan ng mga taongan na nagsasagawa ng roadworks.
01:40Inaaspalto ang north at southbound lane ng EDSA bus carousel sa bahagi ng EDSA Orense.
01:45Dahil dito, nakihati muna sa ibang lane ang mga bus ng EDSA carousel.
01:49Medyo delay ng konti.
01:51Yung kita din naapektuhan din kasi sobrang bagal.
01:55Paliwanag ng Transportation Department, ngayong araw lang yan at balik dedicated lane ang mga bus bukas.
02:01Sa Taft Avenue sa Pasay, dalawang lanes ang hinarangan para sa gagawin namang re-blocking.
02:17Tuko din ang traffic kanina sa Rojas Boulevard na bahagi rin ang phase 1 ng EDSA rehab.
02:22Inilabas na rin ang DPWH ang schedule ng pagsasayos sa iba pang bahagi ng EDSA.
02:28May re-blocking o pagbubungkal ng mga lanes sa southbound lane mula Taft Avenue hanggang Ayala underpass exit.
02:36Gayun din sa northbound mula Rojas Boulevard hanggang EDSA Orense.
02:41May mga asphalt overlaying naman sa tramo hanggang Ayala underpass sa northbound lane.
02:46Pati sa Luring Street hanggang Ayala underpass sa southbound lane.
02:50Magdamaga ng unang bugso ng EDSA rehab hanggang sa January 5.
02:55Pero simula January 5 hanggang May 31, 2026, nakaschedule na lang ang paggawa mula alas 11 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
03:04Atom pinapayuhan ng DPWH ang mga motorist na kung maaari gumamit ng alternatibong rito para makaiwas ka sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko
03:18at magingat sa kanilang mga biyaheng ngayong Kapaskuhan.
03:21Maligayang Pasko Atom at sa ating mga kapuso.
03:24At yan ang latest mula rito sa EDSA Pasay. Balik sa'yo Atom.
03:28Merry Christmas at maraming salamat Jamie Santos.
03:34Merry Christmas at Maraming Salam.
Comments