00:00Niretipikahan na ng Senado at Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng 2026 National Budget.
00:07Sa kabila po yan ang pagtutol ng ilang mababatas.
00:10Saksi si Ian Cruz.
00:15Bago magmosyon para maratipikahan ang Bicameral Conference Committee Report kaugnay sa 2026 General Appropriations Bill,
00:23inilahad sa plenaryo ni Senate Finance Committee Chairperson Sen. Sherwin Gatchalian
00:27na edukasyon pa rin ang may pinakamalaking alokasyon ng budget sa 2026.
00:331.35 trillion pesos yan, katumbas ang historic na 4.4% ng ating gross domestic product o GDP.
00:42Dagdag niya, pinatibay rin ang pondo para sa kalusugan na may 447.6 billion
00:48kasama ang pagpapalakas ng zero balance billing sa DOH hospitals at piling LGUs.
00:54Ilang ahensya naman ang nakinabang sa realignment ng pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
01:01Kabilang ang sa PhilHealth na tumaas sa 129.78 billion pesos dahil sa mahigit 16 billion peso na realignment mula sa DPWH.
01:11Nasa 39.8 billion pesos naman ang pondo ng NDRRMC na nadagdagan ng 4.2 billion peso realignment mula rin sa DPWH.
01:20DPWH, pinakamataas din sa loob ng mahigit isang dekada ang 214.39 billion peso na pondo ng agrikultura.
01:28Kaya ang pondo na ito, direkta raw mararamdaman ng taong bayan.
01:33Pero kailangan pa rin magbantay kung paano nagagastos ang budget.
01:37Numpisan na po natin ang mga reforma para sa isang bukas na proseso sa budget.
01:42Ang mahalaga ay magpatuloy, magpursagi at huwag magpatinag sa dating gawi at baluktot na sistema.
01:50Ilan sa senador na nasa plenary ang bumuto para maratipikahan ang BICAM report pero mayroong reservation.
01:56My vote is yes for the BICAM version of the 2026 national budget.
02:02Even as I have serious reservations about unprogrammed appropriations and other issues.
02:09Tiniyak naman ni Gatchalya na may safeguards na ilatag para maggamit ng tama ang unprogrammed appropriations.
02:16Tungkol naman sa Medical Assistance o Indigent and Financially Incapacitated Patients Program o MAEFIP,
02:23ang reservasyon ni Sen. J.B. Ercito.
02:25My reservation arises from the steep rise in the budget allocated for the MAEFIP,
02:30which has doubled compared to the amount requested in the National Expenditure Program.
02:35Patongpon naman sa PhilHealth ang pasubali ni Sen. Loren Legarda.
02:39My reservations arise from the National Government's continued failure to remit PhilHealth's actual legally mandated sin tax revenues
02:51from year 2023 onwards and statutory shares from PCSO and PAGCOR since 2019,
03:01undermining the Universal Health Care Act and delaying the transition to an institutionally guaranteed zero out-of-pocket care framework in public health utilities and facilities.
03:15Si Sen. President Soto ang naglahad ng votong yes ni Sen. Pro Tempore Ping Lakson na wala sa sesyon.
03:21He voted yes with strong reservations regarding the MAEFIP and the AICS just to manifest that the national budget must not be a political tool and free from political exploitation.
03:38Binasa niya rin ang votong yes si Sen. Kiko Pangilinan bagaman may gustong ipavito na provisyon.
03:44The reservation of Sen. Pangilinan, although positive of course, yes, he voted yes.
03:50He was reservations on the authorization of the DA to enter a MOA with DPWH for FMR implementation. So only DA and LGU ang proposal niya siyempre.
04:05Bumoto ng NOH o kontra sa ratifikasyon ng BICAM Report si na Minority Sen. Robin Padilla at Rodante Marcoleta.
04:13Tila bumalik sa dating forma ang mga alokasyon na may ingat nating binantayan.
04:18It seems that we have let our guards down in deterring provisions prone to abuse and political patronage.
04:26Hindi naman pumirma sa BICAM Report si na Sen. Ronald Bato de la Rosa, Sen. Bongo at Sen. Amy Marcos.
04:34Hindi pa batid ni Kachalian ang dahilan ng mga kapwa-senador.
04:37Pero paniwala ni Sen. President Vicente Soto III na magiging corruption free ang 2026 budget depende kung paano ito babantayang gastusin, lalo na ang mga infrastructure projects.
04:50Wala pa namang isang minuto ay natapos na ang sesyon ng Kamara at naratipikahan ang BICAM Report para sa P6.7 Trillion Peso 2026 National Budget.
05:01May mga kongresistang sumubok para tumutol at ipaliwanag ang kanilang boto.
05:06So nakakagulat, nakakadismaya na gano'n kabilis yung ginawa nila mukhang, you know, orchestrated syempre yung mga ganyan na mga laro.
05:19Pero depends sa dyan.
05:20Ni Nueva Ecija Representative Mikaela Swan Singh, the Chair ng House Appropriations Committee.
05:25Pag viva voce po, usually hindi na ina-explain yung vote. Wala pong pork barrel sa 2026 gaa at makikita niyo po na mayroon pangang safeguard na inilagay tayo which again is that prohibition of political involvement in the distribution of cash and other financial aid.
05:43At hindi rin totoo na pork free ang budget na ito. Mahigit na 58 billion ang nadagdag sa mga lump sums para sa LGU, para sa mga infrastructure projects at ayuda na idadaan na sa LGU ngayon.
06:01Kung dati sa mga distrito, ngayon sa LGU.
06:05Ngayong naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang BICAM Report, ukol sa General Appropriations Bill, ipapasa na ito sa Pangulo para sa kanyang pirma.
06:15Una ng sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na sa unang linggo ng 2026 sinasahang pipirmahan ng Pangulo ang national budget.
06:24Nagkognay naman ang report ng PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism na ang distrito niya ng kanyang kapatid at Speaker Bo G. D.
06:34ang may pinakamalaking DPWH insertions sa 2026 budget, sabi ni Swan Singh.
06:40Wala pong insertions sa ating budget. Wala pong tago na mga pondo na o programa na isiningit sa budget.
06:47Lahat po ito ay dumaan sa masusing deliberation ng Kongreso at lahat po ito ay nakabase doon po sa mga in-endorse ng mga district engineering offices ng kanyang-kanyang mga distrito base po sa mga pangangailangan.
07:03Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
07:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
07:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
07:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News.