Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nanindigan na isang mambabatas na hindi palusot sa usapin ng impeachment si Vice President Sara Duterte.
00:05Tinawag naman ang Vice Presidente na budget-driven racket ang impeachment.
00:10Saksi si Tina Panginiban Perez.
00:16Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ginagamit ang 2026 budget para makakalap ng suporta para sa panibagong impeachment complaint laban sa kanya.
00:26Parehoan niya ito sa ibinulgar ng ilang mambabatas na may mga kongresistang pinangakuan ng mga alokasyon sa budget ang mga pipirma sa impeachment complaint laban sa kanya.
00:38Ang alokasyon kapalit ng pirma, ginagamit na naman anyang taktika bago ipasa ang 2026 budget.
00:45Noong nakaraang linggo lang, sinabi ng bagong alyansang makabayan na naghahanda na sila para sa paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa vice kapag natapos na ang one-year ban sa February 5, 2026.
01:01Ang versyon ng budget naman ng Kamara, halos dalawang buwan na mula ng ipasa noong October 13 at nakabimbin sa Senado.
01:10Sabi ng ilang miyembro ng minorya, ni hindi na pag-usapan sa budget deliberation sa Kamara ang impeachment.
01:16So I don't think it's fair for her to tie up yung issue ng impeachment, possible filing of new impeachment complaint against her sa budget process.
01:29Kasi tapos na nga yung budget process sa House. And what remains is the by cam.
01:37So ano pa ang ibig niyang sabihin na naging ano na naman ito, bargaining chip na naman ito?
01:43Not at all. Hindi ever napag-usapan during the budget process.
01:48Hindi naman yun part ng any deliberation of any office or program of a government.
01:59Pero sabi rin ng mga mambabatas, talaga namang hindi patapos ang isyong ibinatunoon sa vice-presidente.
02:06Hindi lang daw umabot ito sa impeachment trial dahil sa mga puna ng Korte Suprema sa proseso.
02:13Palagi hong nasa utak namin the fact na hindi pa sarado yung issues of accountability ng ating vice-president.
02:22Kaya in other words, hindi pa ko siya lusot.
02:26Sabi ng Bise, handa naman siyang saguti ng anumang aligasyon laban sa kanya na nakabase sa facts at katotohanan.
02:33Pero hindi anya siya mananahimik habang ginagamit ang impeachment process sa tinawag niyang budget-driven racket.
02:41Kinontra ito ng isang mambabatas.
02:43Lagi niyang sinasabi yan pero pagka may aktual na venue at pagkakataon na, iiwa siya o hindi sasagot.
02:53Halimbawa, dito na lang sa 125 million na confidential fans na nawaldas in 11 days.
03:01Hindi pa rin niya sinasagot, hindi pa rin niya pinapaliwanag.
03:04Para sa GMA Integrated News, tina panganiban Perez ang inyong saksi.
03:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended