Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isusumitin ng Department of Health sa Independent Commission for Infrastructure
00:04ang kanila mga nadiskubre tungkol sa halos 300 super health center
00:08na anila'y hindi mapakinabangan.
00:10Kabilang po dito ang health center sa Marikina na noong 2024 pa natapos ang pundasyon
00:15pero natenga ang konstruksyon.
00:19Saksi si Maki Polido.
00:25Tinubuan na ng mga halaman at damo ang loteng dapat may naitay yung super health center
00:29sa barangay Concepcion 2, Marikina City.
00:3221.5 million ang pondo para sa phase 1 ng konstruksyon
00:36o ang pundasyon ng itatayong gusali na natapos unang bahagi ng 2024.
00:41Natapos naman ng Marikina LGU ang phase 1.
00:45Pero nang puntahan nito ni Health Secretary Ted Herbosa,
00:47halos matakpan na ng halaman ang ginawang pundasyon.
00:50Di ba yung manananggal, hati, yung itaas wala, yung iba ba na iiwan?
00:55So, ewan ko, lumilipad siguro yung manananggal dito.
00:58Ito yung paanan.
01:00DPWH ang dapat gagawa ng phase 2 o ang mismong apat na palapag na gusali.
01:05Pero hindi umano ito masimulan dahil hindi pa na ibibigay ng unang kontraktor ang ilang dokumento.
01:11Hindi naman maumpisahan ng DP, nagre-reklamo yung DP sa akin
01:13kasi ayaw ibigay ng previous phase 1 kontraktor yung as-built plans
01:21kasi yung ano yung na-build niya sa foundation.
01:23Ang Super Health Center sa Marikina, isa lang umano sa 297 Super Health Centers
01:29na hindi kumpleto at hindi mapakinabangan.
01:30Ayon kay Herbosa, 12 to 20 million pesos ang budget kada isang proyekto
01:36na insertions daw sa 2022 General Appropriations Act o GAA.
01:41Dahil insertion, paliwanag ni Herbosa, hindi dumaan sa planning ng DOH
01:45at nagulot na lang silang may ganitong proyekto at pondo sa national budget.
01:49Ang inutos ko sa Health Facilities Enhancement Project,
01:52i-prioritize ang for completion and for operations.
01:56Kasi I didn't want to do new ones.
01:58Kasi baka ganito rin ang mangyari.
02:00Noon pa raw ito gustong tapusin ng Marikina LGU.
02:04Pero hindi ibinigay ng DOH ang kanilang hinihinging 180 million pesos
02:08para maitayo ang gusali.
02:1021 million lang po yung ibinigay ng Department of Health.
02:13Saan ka naman makakakita? 21 million, 4-5 palapag na building ang mabubuo.
02:18Ang scope ng proyekto ay Foundation Works.
02:22Dahil wala pa rin binibigay na pondo ang DOH,
02:25sumulat na ang Marikina City LGU sa DOH
02:28na City Hall na ang magpo-pondo at magtatapos ng proyekto.
02:33Ang Department of Health, tingin ko malaki ang pagkukulang dito
02:36kasi hindi nila napondohan ng tama.
02:38Kaya nga po ang City, ang gagawin po ng City,
02:40naglaan po kami ng 200 million para po makomplete lang ang proyekto nito.
02:46Ayaw magturo ni Herbosa kung sinong dapat managot sa mga
02:49hindi mapakinabangang super health center.
02:52Pero sa biyernes, isusumiti niya sa Independent Commission for Infrastructure
02:56ang kanilang mga nadiskubre.
02:58Para sa GMA Integrated News,
02:59makipulido ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended