Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Inilagay sa makeshift na nicho ang mga buto sa bone chamber ng sementeryo sa Bugo City, Cebu,
00:06nakasamang nasira ng lindol noong Setiembre.
00:09Mula sa Bugo, Cebu, nakatutok live, si Fe Ma rin tumabok ng GMA Regional TV.
00:15Fe?
00:17Ivan, matapos ang magnitude 6.9 na lindol dito sa Northern Cebu noong September 30,
00:23bakas ang matinding pinsala na dinulot nito dito sa malaking sementeryo ng Bugo City
00:28na epicenter ng lindol.
00:33Sira-sirang puntod at bitak sa mga nicho.
00:37Ganito ang dinatna ng mga bumisita ngayong araw sa Corazon Cemetery sa Bugo City, Cebu,
00:43para sana maglinis ng puntod bago ang undas.
00:47Hindi nakaligtas ang sementeryo sa magnitude 6.9 na lindol noong Setiembre.
00:52Wala naman ang buong araw nitong linggo pero hindi ito alintana ng ilan sa mga pamilya dito sa Bugo City.
00:57Ilan sa mga libingan ang gumuhok.
01:00Dahil mag-iisang linggo na lang at gugunitain na ang araw ng mga patay,
01:04inuna muna nila ang pagsasayos nitong mga libingan.
01:07Ang ayuda na para sana sa nasirang bahay ng pamilyang balante,
01:12ginamit muna sa pagsasayos ng nasirang puntod ng yumaong padre di pamilya.
01:17Dapit ng kalakalag niya, huwag diday na tumakuan.
01:21Doon naman pag hinabang mo, magigasto.
01:24Ang hinabang mo tangapara to sa inyo ang balay?
01:26Di rin na lang.
01:28Ayon sa caretaker ng sementeryo,
01:30sinabihan na nila ang kaanak ng mga yumaong nasira ang puntod,
01:33bunson ng lindol.
01:35Pero karamihan daw sa kanila ay hindi pa dumadalaw.
01:38Nasira rin ang bone chamber sa lindol.
01:41Kaya ang mga buto, inilipat muna sa tinatawag na payag-payag.
01:44Sa Corazon Cemetery rin na kalibing ang karamihan sa mga nasawi dahil sa lindol.
02:02Kabilang ang labing isang magkakamag-anak at magkapitbahay.
02:06Nanadaganan ng mga gumuhong bato at lupa sa barangay Binabag, Bugos City.
02:11Sa Roman Catholic Cemetery sa Kalasyao, Pangasinan,
02:15nagsisimula na rin dumagsa ang mga nagpapalinis ng mga nitso.
02:19Sa Lawag City, Ilocos Norte, may mga naghilinis na rin sa sementeryo.
02:24May dumalaw na kaanak ng yumaon na dismayado dahil tinambakan ng lupa ang puntod ng kaanak.
02:31May mga musuleyo rin na balot ng damo at tinapunan ng mga basura.
02:35Sa Rizal, inaasa nga abot sa 400,000 ang bibisita sa mahigit 80 sementeryo sa buong probinsya.
02:42Sa Coronadal City, South Potabato, kaunti pa lang ang mga bumibisita at naglilinis ng puntod dahil maulan.
02:50Pahirapan din ang paghahanap sa mga puntod na natabunan ng mga putik, bato, buhangin at basura.
02:57Iban, mula pa noong nakaraang linggo, abala na ang pamunuan nitong sementeryo sa pagsasaayos bilang paghahandaan ng undas.
03:12Yan muna ang latest mula rito sa Bugo City, Cebu. Balik sa inyo, Iban.
03:17Maraming salamat, Fema rin dumabok ng GMA Regional TV.
03:22Iniutos ni Pangulong Bombo Marcos ang pagsisigurong mababa ang presyo ng bilihin.
03:26At isa po sa mahakbang sa pagtupad niyan, ang paglagda niya sa dalawang executive order kaunay sa pagbili ng gobyerno ng palay at pagkain.
03:36Nakatutok si Darlene Cai.
03:41Napapakamot na lang ng ulo ang rice retailer na si Javier dahil sa papago-bago at pagtaas ng presyo ng bigas na ibinabagsak sa kanila ng supplier.
03:49Mula noong nakaraang linggo, tumaas ang mahigit 7 piso kada kilo ang kuha nila sa Coco Pandan Rice mula Vietnam
03:55at 3 piso kada kilo sa lokal na bigas.
03:59Kalao nasa mati ng loob naming mananinday, tapos hindi mo kami nagtataas ng shelling.
04:03Gayunman, mula noong nakaraang linggo, hindi nagbago ang presyo ng local rice sa kamaning market na 40 hanggang 45 pesos kada kilo.
04:11Sinasalo raw ng rice retailers ang pagtaas ng presyo.
04:14Pero wala raw silang magawa kung hindi itaas ang presyo ng ilang klase ng imported rice dahil sa sobrang taas ng buhunan.
04:22Base sa price monitoring ng Agriculture Department, sa ibang pamilihan, nasa 35 hanggang 58 pesos kada kilo ang imported rice at 33 hanggang 60 pesos ang local rice.
04:33Bago umalis para sa ASEAN Summit, nagbilin si Pangulong Buongbo Marcos na siguruhin mapaba ang presyo ng bilihin kasama ang bigas.
04:40We hear our people's call for government interventions to lower the price of goods, especially food.
04:47We are strictly enforcing and monitoring the implementation of the maximum suggested retail price for imported rice.
04:56We continue to make available affordable rice including the 20 peso rice program.
05:01Ang tinukoy ng Pangulo ay ang umiiral na 43 pesos na MSRP o maximum suggested retail price para sa 5% broken na imported rice.
05:10Pagpapaliwanagin daw ng DA ang makikita nilang hindi sumusunod dito.
05:14Ayon sa DA, kahit papasok na ang holiday season, sapat ang supply ng bigas dahil panahon na rin ang anihan, kaya stable dapat ang presyo ng bigas.
05:23Mura naman yung import na pumasok yung presyo, yung buli sa lokal na merkado ng ating farm gate nampala ay mababa rin.
05:35Yung intervention hindi masyadong not worth.
05:39Sobrang mababa yung farm gate price.
05:41Nalugi talaga yung mga farmers.
05:43So hinihingi natin sa aking government na ipalik yung 25% tariff na sa imported para at least mag-normalize yung presyo sana ng big price.
05:55Yan ang susubukang tugunan ng mga nilagdaang executive order ng Pangulo.
05:59Ang EO100 na nagtatakda ng floor price para sa pagbili ng gobyerno ng palay.
06:04At EO101 kaugnay ng direct ang pagbili ng pamahalaan ng pagkain mula sa mga magsasaka at mangingisda.
06:11Patuloy rin minomonitor ng DA ang supply at presyo ng ibang pangunahing bilihin ngayong papasok na ang holiday season.
06:18Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Oras.
06:25Pinoy Comics Remains Alive!
06:28At ang isa sa mga sikat ngayong comics bibigyang buhay sa pinilakang tabing sa pangunguna ng GMA Pictures.
06:34May chika si Athena Imperial.
06:35Mula sa mga pahina ng comics kung saan una siyang nakilala noong 2017,
06:45tatawid sa big screen ang batang si Ella Arcangel na lumalaban sa masasamang tao't halimaw.
06:51Ang Filipino horror fantasy story na Ella Arcangel, mga awit ng Pangil at Kuko,
06:59bibigyang buhay sa pelikula ng GMA Pictures at ng 20 Manila.
07:04Inanunsyo ito sa Comic-Con Grande 2025 na dinaluhan ng GMA executives sa pangunguna ni na GMA Network Senior Vice President
07:13at GMA Pictures President Atty. Annette Gozon Valdez at GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdelion.
07:21Ito ang unang animated film ng GMA Pictures.
07:24Buhay pa rin ang comics. Ang dami talagang fans ng comics.
07:28And we want to really celebrate the artistry of Filipinos.
07:34But it's a comics. And exciting dahil ang galing nila, ang galing ng talent nila.
07:40And we're very honored to be a partner in this movie.
07:44Magandang pagsasama ng media ito because masasabi nating homegrown comic series ang Ella Arcangel.
07:52At sa partnership na ito with GMA Pictures.
07:56Nasasabik na rin ang creators ni Ella na ibahagi ang kwento nilang sumasalamin sa lipunan.
08:01Plight ng mga mahihirap, plight ng mga walang bahay, pinapaalis sa mga bahay nila, yung mga dini-demolish ng bahay.
08:11Parang yun yung pinaka-goal ko nung ginawa ko ito, na parang mabigyan ng light itong mga nangyayari na ito.
08:18Ang Ella Arcangel ay may importanteng mensahe na tingin ko dapat mas mapanood ng mas maraming Pilipino.
08:26Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
08:31Ang Ella Arcangel.
Comments

Recommended