00:00Dito sa Don Carlos Bukidnon, lumaki ang ngayon 27-year-old na si Daniel.
00:07Sa murang edad, tinuring na math wizard si Daniel dahil daw sa galing niya sa numero.
00:12Bata pa nga lang daw, scholar na siya at nangangarap na maging isang ingeniero.
00:18At kung tatanungin daw siya kung bakit apat ang lisensya niya sa ilalim ng Professional Regulation Commission.
00:25Gusto ko po kasing mag-tap sa board exam. Kaya panay ako ng exam ng exam para magbigay honor sa university po kung saan sila yung tumulong sa aking na makatapos sa pag-aaral.
00:39Hindi man nakamit ang inaasam-asam na manguna sa board exams, hindi rin naman daw niya inasahan na makakamit ang apat na lisensya.
00:48Lalo pat minsan na siyang tumigil sa pag-aaral.
00:51Sa ikalawang semester daw kasi niya sa huling taon sa kolehyo, si Daniel ay nalihis ng landas at nakulong.
00:59Dinakip ako, pinasok ako sa bilangguan. Yun yung reason po na huminto ako sa pag-aaral.
01:05Ang maliwanag na kinabukasan ni Daniel, nabalot ng dilim sa piitan.
01:10Malaki po yung adjustments po kasi mahirap dun.
01:14180 degrees opposite sa kung saan ako lumaki na environment.
01:18So malaki po yung mga adjustments.
01:21Umikot man bigla ang mundo niya sa loob, pilit niyang inilaban ang pangarap na diploma.
01:27Laking pasasalamat naman daw ni Daniel na pinayagan siya ng kanyang pinapasukang universidad na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kahit nasa loob.
01:37Nabigyan din po ako ng opportunity na ipagpatuloy yung last semester ko po sa loob.
01:41Doon ko po ginawa yung tesis ko.
01:43At ang good news daw niya, sa gitna ng mga pagsubok, kahit nasa loob noong mga panahon yun, walang palya rin sa pagbisita ang kanyang ina na si Antonia.
01:56At sa pagsatsaga, sa wakas, nakapagtapos si Daniel.
02:19Sa loob ng halos dalawang taong nasa loob ng piitan, si Daniel tuluyang laban sa buhay habang nagbibigay inspirasyon sa mga kapwa niya in me.
02:30Naging ano din po ako, manungkulan yung trusty po, yung parang mayor at saka bastonero, kabo sa loob.
02:40Yan yung pinagkakabalahan ko po sa loob.
02:42Pero sa gitna ng mga ito, may isa pang hamon na sumubok sa katatagan ng binata.
02:48Yung papa ko po ay may colon cancer, stage 4 po.
02:52Ang sarap ng tumakas sa mga panahon na yun eh, makita ko lang si papa na buhay.
02:58Patapos na rin daw ang sintensya niya noon.
03:01Sabi ko, Lord, tulungan niyo po akong makalabas dito at makita yung parents ko, especially yung papa ko.
03:09At tila, dininig na nga ng langit ang mga dasal niya.
03:17Makalipas ng dalawang linggo, nakalaya na siya.
03:21Nadismiss yung case, nakalaya ako.
03:23Naabutan ko pa yung papa ko na buhay, pero nasa higaan na po.
03:28Ang saya ko kasi, naabutan ko pa yung papa ko na nakikita pa kami.
03:37Sumigla po siya sa panahon na dumating ako sa bahay.
03:40At tila ba, hinintay lang ang kanyang paglaya.
03:43Makalipas lang ang isang linggo.
03:49Tuluyan na rin na maalam ang kanyang ama.
03:52Pangako ni Daniel sa pamilya.
03:59Babawi siya at magtatagumpay rito sa labas.
04:03Nag-take ng board exam, pumasa, at electrical engineer na ngayon sa isang government agency.
04:11Hindi pa natapos sa isa ha?
04:13Nag-sariling sikap sa pagre-review para sa tatlo pang lisensyang kinuha niya.
04:18O ha?
04:18Busy man sa trabaho, hindi naman daw palalagpasin ni Daniel na bisitahin ang puntod ng kanyang ama.
04:32Lord, salamat Lord.
04:34Ang bait po ni papa.
04:35Nasacrifice yung buhay niya para sa kalayaan ko.
04:38Ang narealize ko Lord na yung buhay niya,
04:43yun pala siguro yung kapalit ng kalayaan ko.
04:46Pero mas the best po kayo Lord.
04:49Thankful ako sa buhay ni papa.
04:54Thankful din po ako sa inyo.
04:57Hindi rin tinatalikuran ni Daniel ang kanyang pinanggalingan noon.
05:02Kung kaya't pagkatapos bisitahin ang ama,
05:05si Daniel tumungo na rin sa minsay naging tahanan niya.
05:09Ito po yung mga pipes na nilibing ko dito.
05:14Ito po yung ebedensya po na dito po ako nag-tesis.
05:18Sa loob.
05:19Sulti sa iya ha.
05:21Iwas si ma-inspired ang uban ng mga persons deprived of liberty.
05:26Na dilipa o lahi ang tanahan.
05:28Bisag naamo diri sa sulod.
05:30Let your experience as PDL, as your lesson learned and inspiration to others even inside the pillow PDLs and even the outside.
05:43Ang taong ito, ipinagpapasalamat daw ni Daniel.
05:47Hindi lang kasi ang pagkakaroon ng bagong buhay sa labas ng kulungan ang natanggap niyang biyaya.
05:54Nabigyan din siya ng pagkakataong makapagbahagi ng kanyang kwento at kaalaman para makapagbigay inspirasyon sa kapwa.
06:02Pero anak mo, Lord, thank you.
06:05Kasi naamo diri, napamuhat, yabog ka.
06:09Amen.
06:09Nalugmok at nadatama noon, pero ang pagsubok sa buhay, hindi hadla para bumangon, magpatuloy at maipanalo ang laban.
Comments