Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Ilang medical personnel, nakasanayan na ang pagta-trabaho tuwing Pasko at Bagong Taon kasama ang mga pasyente; DOH, tiniyak ang pagpapalakas at pagpapalawak pa ng serbisyong pangkalusugan para sa lahat | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Di na-iigting ng Department of Health at PhilHealth ang lahat ng programa
00:04para masiguro ang ligtas at matibay na proteksyong pangkalusugan ng bawat mamamayan.
00:11Si Bian Manalo sa Sentro ng Balita.
00:22Bata pa lang, pangarap na ni Dr. Lorine Ortega ang maging isang manggagamot.
00:28Childhood dream, ika nga.
00:30Nagmula siya sa angka ng mga doktor kaya hindi na rin bago sa kanya ang kinamulatang profesyon.
00:35Pero higit pa sa pangarap, adhikain niya ang makatulong sa mga nangangailangan at maglingkod sa bayan.
00:42May tuturin niyang fulfilling at biggest achievement sa kanyang karera
00:46kung may naisasalba silang buhay na nalalagay sa bingit ng kamatayan.
00:51Naging passion ko na yung tumulong sa ibang tao din.
00:54So yung may family na naghihilig ko tumulong sa ibang tao.
01:00So parang yun yung naging way ko to help other people.
01:03O yung makita kung...
01:05Kasi sa amin, in a split second, you can change literally the life of a person.
01:10Lalo na kung lumadating na dito na arrival tapos marirevive namin.
01:15Yun na yung masasabi kong achievement ko as a doctor.
01:20Hindi na bago sa kanya, nasa lubungin ng Pasko at bagong taon sa ospital kasama mga pasyente.
01:26Nasa medical school pa lang kasi siya, sa ospital na rin sila nagnonoche buena at medyanotche.
01:31Tanggap na namin, nag-aaral pa lang kami hanggang sa nag-training, dramatic, private practice.
01:37So parang na-inculcate na sa amin na part of our responsibility is doctors talaga na to serve other people at times of need kahit holidays.
01:46Bilang isang doktor sa pampublikong ospital,
01:49aminado si Dr. Lorraine na hamon pa rin sa kanila ang kakulangan sa medical staff and personnel,
01:55pati na ang kakulangan sa oxygen tank at bed capacity.
01:58Hindi gaya ni Dr. Lorraine, pangarap ng mga magulang ni Angelo Umali, isang nurse.
02:05Sinunod niya ang nais ng kanyang mga magulang.
02:07Hindi naman siya nagsisi, nakatapos siya at kasalukuyang nagtatrabaho bilang nurse one sa isang government hospital sa Pasiga.
02:15Nakakadurog naman ano yan ang pangyayang mga pasyente ng walang dumadalaw na pamilya.
02:19Kuhan, nawari ba, ay inabandonan na sila.
02:23Nakakalungkot lang isipin na kaya nilang gawin yung saka pamilya nila na hindi puntahan o bagong taon.
02:29Nakakalungkot pong isipin na may mga taong kaya nilang tiisin yung kapamilya nila.
02:34Bumabangon po ako para sa pamilya ko at saka sa mga pasyente po na nakangailangan ng servisyo namin.
02:39Tatlong taon na siyang nagdiriwang ng Pasko at bagong taon sa ospital.
02:43May mga mahalagang okasyon na rin sa kanyang buhay ang sa ospital niya ay pinagdiwanga.
02:48At ngayong Kapaskuhan, tanging hiling niya.
02:50Mag-hire pa rin ng mga nurses.
02:52Yung salary po sana, itaas naman po para hindi na aalis yung mga nurses natin, hindi na mag-trabaho sa abroad.
03:03Dito na lang sila sa Pilipinas.
03:04Ilan lang si Dr. Lorine at Angelo sa ating mga magigiting na medical personnel na itinuturing na ansong heroes na may malaking kontribusyon sa ating lipunan.
03:14Na naglinga kabayan ang Department of Health, uspusing na mga programang kakalinga at maghahatid ng dikong medikal sa mga Pilipino.
03:23Department na palalakasin pa nila ang zero balance billing sa mga DOH hospital.
03:28Alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:32Dadagdagan ang mga doktor sa mga munisipalidad at lungsod sa buong Pilipinas.
03:37Paiigtingin din ang bakunahan sa mga bata kasabay ng pagpapalakas ng kanilang programa na puro kalusugan na maghahatid ng pantay-pantay na serbisyon,
03:48lalo tigit sa geographically isolated and disadvantaged areas.
03:52Bibigyang prioridad din ang paglaban sa tumataas na kaso ng tinatamaan ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa.
04:01Suportado rin ang kagawaran ang pagdaragdag ng mental health counselors sa mga eskwelahan.
04:05Tuloy-tuloy din ang serbisyong hatid ng bagong urgent care and ambulatory service o bukas centers sa buong Pilipinas.
04:13Katunayan, umabot na sa maygit isang milyong pasyente ang nabenepisyuhan ng bukas centers.
04:19Naging hit itong bukas center. Ngayon, 53 na yan, meron pa kami ipapatayong almost 31 this coming year.
04:27Nasa GAA na. So again, naponduhan yan.
04:30So dadami pa yan so that it will be available all over the country.
04:34So sa lahat ng probinsya magkakaroon yan.
04:37Mahigit 300 bilyong piso ang hinihinging pondo ng kagawaran para sa 2026.
04:43Matatanda ang nauna ng iminungkahin ng national government na dagdaga ng 6 na bilyong piso ang pondo ng kagawaran sa susunod na taon.
04:51Mas mataas yan ng 2.4% sa budget karang taon.
04:56Pero muli silang humirit ng karagdagang 100 bilyong piso na mas magpapalakas sa universal healthcare law at sa iba pang serbisyong medikala.
05:06Pinakamalaking bahagi ng kanilang pondo ay ilalaan sa pagpapaigting ng zero balance billing at sa universal healthcare.
05:12Maglalaan din sa mga attach agency nito at mahigit 53 billion pesos ang mapupunta sa PhilHealth na siyang pinakamalaki.
05:21Ang DOH ang pangatlo sa may pinakamalaking budget allocation sa mga ahensya ng gobyerno.
05:27Sumunod sa Department of Education at Department of Public Works and Highways o DPWH.
05:33BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended