00:00Lumabas sa survey ng social weather stations na karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang magiging masaya pa rin ang Pasko ngayong taon.
00:08Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:12Si Nanay Eleanor, malungkot ang Pasko ngayong taon dahil sa problema sa pamilya.
00:18Kaya naman pinili niyang mamasyal sa luneta ngayong araw para kahit papaano ay makalimot sa mga problema.
00:24Para po mawala po ang stress ko.
00:26Kasi tinatakula po ng mga kapatid ko.
00:30Dagdag pa sa pasani ni Nanay Eleanor ang pagkakaroon ng sakit sa puso.
00:35Pero di tulad ni Eleanor, marami sa ating mga kababayan ang positibo pa rin ang pananaw ngayong Pasko.
00:41Sa kabila ng dami ng problema ang kinaharap ngayon ng bansa.
00:45Masaya. Mga kasama ko yung pamilya ko.
00:50Kailangan enjoy.
00:52Misa nasa tao din yun eh.
00:55At saka kung aanihin mo naman yung kulmarin sa politika.
01:00Eh kumbaga problema ng mga politiko yun eh.
01:03Lumabas sa survey ng social weather stations na 68% ng adult Filipinos ang umaasang magiging masaya pa rin ang Pasko ngayong 2025.
01:12Bagya itong mas mataas kumpara sa mga umaasang magiging masaya ang Pasko noong nakarang taon.
01:18Ang karamihan ay nagpapasalamat sa kanilang maayos na kalusugan, masayang pamilya at pagiging buhay pa.
01:25Ilan din sa kanila ay nagpapasalamat sa Panginoon sa pagkain sa araw-araw, kakayanang malagpasa ng araw-araw na pagsubok at iba pang bagay.
01:33Pinakamarami ang positibo ang pananaw sa Pasko sa Mindanao, sumunod sa Visayas, Balanz Luzon at Metro Manila.
01:417% naman ang umaasang magiging malungkot ang Pasko habang 25% ang hindi pa raw sigurado sa kahihinatnan ng Christmas season.
01:50Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
01:54Harley Valvena
Comments