Skip to playerSkip to main content
Tsismis ang turing, sa ngayon, ng palasyo sa tinaguriang "Cabral files" na inilabas ni Cong. Leandro Leviste. Ayon naman kay Leviste, si dating DPWH Usec. Catalina Cabral mismo ang nagbigay sa kanya ng mga file.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Chismis ang turing sa ngayon ng palasyo sa tinaguriang Cabral Files na inilabas ni Congressman Leandro Leviste.
00:09Ayon naman kay Leviste, si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral mismo ang nagbigay sa kanya ng mga file.
00:18Ang namanang umano'y Cabral Files sa pagtutok ni Tina Panganiban-Pere.
00:23Inilabas na ni Batangas First District Representative Leandro Leviste ang mga file na ibinigay raw sa kanya ni Yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:38Sa isang Facebook post, sinabi ni Leviste na nakuha raw niya ang files matapos makipagpulong kay Cabral noong June 11, ilang araw bago siya formal na manungkulan bilang kongresista noong June 30.
00:52At noong August 11, matapos sumulat kay Nooy DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
00:58Kasama sa files na inupload ni Leviste ang mga binigay raw sa kanya ni Cabral para ipaliwanag ang High Level Budget Allocation Formula ni Cabral.
01:08Nakasaada niya rito ang formula na susundin para sa alokasyon sa bawat rehyon at bawat distrito
01:15para masigurong mailalaan ang pera sa mga proyektong makakapagambag ng malaki sa kaunlaran at mapapakinabangan ng marami.
01:24Pero sabi ni Leviste, hindi ito nasusunod.
01:27Ang lumalabas po, wala talagang formula.
01:31Dahil tingnan natin may mga malalaking distrito na malaking land area, malaking population,
01:40pero mas maliit ang budget kaysa sa ibang mga maliliit na distrito na mas maliit ang population at land area.
01:46May mga distrito na mahirap na kailangan ng pondo, pero maliit ang budget.
01:54Pero ang isang napansin ko at paumanhin po na medyo direct ang sasabihin ko,
02:05yung mga distrito na may maraming kontraktor, yun po ay mas mataas ang kanilang mga allocable budgets.
02:12Sa isang kasunod na post, inilabas naman ni Leviste ang binigay raw sa kanya ni Cabral ng 2025 DPWH Budget Per District Summary.
02:23May nakalagay ritong NEP Restored na mahigit 401 billion pesos.
02:28Ang NEP Restored po ang taon-taong alokasyon, kaya po narinig ko nga mula sa DPWH mismo
02:37ang terminology NEP Restored sa aming mga meetings kasi yun yung restored budget taon-taon.
02:44At dinagdagan po ng 30M kada distrito sa 2025 ito.
02:49Para sa allocable na yun, ang district congressman ang pwedeng mag-allocate ng budget.
02:56At yan po ay nasa halaga ng 401 billion pesos sa 2025.
03:00Sa dalawang listahan, magkakapareho ang lumabas na top 5 legislative districts pagdating sa allocables para sa 2025.
03:10Pero idiniindi ni Leviste na posibleng hindi ang mga kongresista ang proponent para sa buong halaga para sa kanilang distrito.
03:19Meron din anya kasing outside allocable na alokasyon daw ng iba't ibang proponents.
03:25Kayaan niya umabot sa mahigit 1 trillion pesos ang kabuwang pondo ng DPWH sa 2025 budget.
03:33Ang outside allocable na ang pinalalabas ay ang DPWH ang nagde-decide ng alokasyon
03:43ay actually binubuo ng mga proyekto na ang proponent ay mga tao sa labas ng DPWH.
03:52Kabilang po doon, mga cabinet secretary, undersecretary at mga pribadong individual.
03:59Nang hinga ng reaksyon ng Malacanang, sinabi ni Palas Officer Undersecretary Claire Castro
04:04na magre-react lang ang palasyo sa mga dokumentong na authenticate o napatunayan ang totoo ng DPWH.
04:12Sa isa panghiwalay na post, inilabas naman ni Leviste ang listahan ng 2025 DPWH budget
04:20kung saan nakalista ang mga allocable, outside allocable, DPWH initiated at congress initiated.
04:28Nilinaw ni Leviste na ito ay galing sa ibang source mula sa DPWH.
04:33Mahikitaan niyang tumutugma ang impormasyon sa ibinigay umano sa kanya ni Cabral.
04:39Pero hindi raw lahat ng nakalista ay pangalan ng tao.
04:42Mga codes o mga terms like leadership, kaya yung binanggit na din ni dating secretary Manny Bonoan
04:51sa isang senate hearing na leadership fund ay tila nandoon po sa outside allocable.
04:59Naibigay na raw ni Leviste sa ICI at ombudsman ang files.
05:04Humingi siya ng paumanhin sa mga nasa mga listahan.
05:07Pero pinatotohanan niya ang mga ito.
05:10Tinataya ko ang buhay ko na iko-confirma na authentic ang mga files na ito.
05:19Dahil hindi naman po lang ako ang may kopya ng mga files na ito.
05:25Marami pong iba ang mga nakakuha ng mga files na ito sa DPWH.
05:31Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng DPWH.
05:35Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended