00:00Samantala, maraming pamilya piniling sa Rizal Park mag-bonding para sa Kapaskuhan.
00:05Ang sitwasyon doon alamin natin sa sentro ng balita ni Harley Valwena. Harley, kamusta dyan?
00:12Naomi, kahit na medyo makulimlim ang panahon ngayon dito sa Luneta,
00:17ay tuloy-tuloy lamang ang pagdating ng mga namamasyal ngayong Pasko.
00:23Ang mag-asawang si na Junifer at Janet, mayigit dalawang dekada nang nagsasama.
00:27Pero ito raw ang unang pagkakataon, na ipagdiriwang nila ang Pasko habang namamasyal sa Luneta.
00:33Parang iba naman, hindi lagi nang sa bahay.
00:36Bibili lang, kakain, gano'n, gagala.
00:40Ang pamilya naman ni na Rolando at Jocelyn, galing pa ng Bicol.
00:44At taon-taon talagang lumuluwas ng Maynila tuwing Pasko para mamasyal sa Luneta.
00:48Taka Burias Island kami, dumayo lang para mamasyal dito sa Rizal Park.
00:54Kwento ni Rolando, taon-taon talaga nilang pinipili ang Luneta dahil sa ganda ng tanawin.
01:00At gusto rin daw ito ng mga bata.
01:02Ayon sa pamunuan ng Luneta, as of 11am ngayong December 25, araw ng Pasko,
01:07tinatayang nasa 7,000 kataon na ang dumating sa tinaguriang pambansang pasyalan.
01:13Kaya naman ang ilang nagtitinda sa loob ng parke.
01:15Masaya dahil malakas ngayon ang kanilang benta.
01:18Lalo na po sa mga laruan po kasi yun po yung mga hilig ng mga bata.
01:23Kaya po malakas din po yung tita namin.
01:25Nagpaalala naman ang Luneta Management sa mga ipinagbabawal na dalhin sa loob ng parke.
01:30Tulad ng mga patalim, baril, butane, flammable items at mga babasaging bagay.
01:37Naomi, bagamat marami ng tao ngayon dito sa Luneta,
01:41ay nasa ang mas marami paraw darating mamayang hapon hanggang gabi
01:45at mananatiling bukas ang parke hanggang alas 11 ng gabi.
01:50Balik sa'yo Naomi.
01:52Maraming salamat Harley Valbuena.
01:54Maraming salamat Harley Valbuena.
Comments