Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Now away sa suntukan ang gitgitan umano ng SUV at motorsiklo sa Valenzuela.
00:06Ang mga sangkot aminadong nakainom. Nakatutok si James Agustin.
00:13Nakuna ng isang motorista ang suntukan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga lalaki sa MacArthur Highway sa barangay Marolas, Valenzuela City.
00:20Pasado la sa east ng umaga kahapon. May punto pa na napunta sila sa gitna ng kalsada, kaya napahinto ang mga motorista.
00:28Makikita rin ang isang nakatumbang motorsiklo.
00:30Ang lalaking ito sinikaw ang ulo ng isa pang lalaking nakahigana sa gilid ng kalsada.
00:35Kalauna natigil din naman ang komosyon.
00:37Ayon sa pulisya, sangkot sa away ang tatlong lalaki na nakasakay sa isang SUV na galing sa trabaho
00:43at tatlong lalaking delivery rider na magkakangkas sa motorsiklo.
00:46Ang dalawang grupo nakainom na mangyari ang insidente.
00:50Kakakuha lang din ang Christmas bonus ng mga delivery rider.
00:53Ito po ay nagsimula doon sa may bandang malabon.
00:57Doon po nagkagitgitan yung SUV at yung mga nakamotor ay binibusinahan daw di umano yung SUV.
01:05Simula malabon, yun ang kanilang ginagawa.
01:09Kaya pagdating dito sa may bandang marulas sa boundary ng Malabon, Valenzuela,
01:17dahil dito yung stoplight, dito sila nagpangabot.
01:22Unang nagreport sa police station ang mga nakasakay sa SUV.
01:25Inibitahan din ang mga nakasakay sa motorsiklo.
01:28Nagkaareglo naman ang dalawang panic.
01:30Gayunman, sasampahan pa rin silang lahat ng polisya ng reklamong alarm and scandal.
01:35They are disrupting yung traffic.
01:38Yung mga ating mga motorista at yung mga magsisimba at papasok ng trabaho,
01:46yung kapayapaan sa lugar ng Valenzuela ay na-distrupt.
01:49Aminado ang mga sakay ng SUV na bahagyan nakainom sila.
01:53Tanggap naman daw nilang kinakaharap na reklamo.
01:55Paresto mo, nag-init kami that time. So nagkamali po lahat.
02:00Sir, nakainom po kayo ng time.
02:02A little, a konti.
02:04Harapin na lang po kasi talagang mali naman talaga.
02:07Ang mga delivery rider tumanggi na magbigay ng pahaya.
02:10May paalala naman ng mga otoridad sa mga motorista lalo ngayong holiday season.
02:14Sa ating mga kababayan, kung kayo man ay nakainom,
02:18iwasan na nating magmaneho at maging mahinaon sa kalsada
02:22para maiwasan ang ganitong insidente.
02:24Para sa Jimmy Integrated News, James Agustina, katuto. 24 oras.
02:30Mas marami ang mga Pilipinong umaasa sa masayang Pasko ngayong taon kumpara noong 2024.
02:36Sangayon diyan, ang ilang nakausap natin na namamasyal sa luneta sa Maynila.
02:41Ang lagay doon, tinutukan live ni Oscar Oida.
02:44Yes, Emil, sa mga sandaling ito, nae-enjoy na ng gusto ng ating mga kapuso
02:53ang fountain and lights display na isa talaga sa pinakadinarayo dito sa Rizal Park Luneta tuwing Pasko.
03:01Maga pa lang kanina, marami nang nag-i-enjoy sa Pasko feels ng Rizal Park Luneta sa Maynila.
03:11Sa palamuti pa lang, deck the halls with balls of holly talaga ang datingan.
03:17Kanya-kanyang pweso na rin ang ilang mag-anak para pagandaan ang kanilang advanced noche buena.
03:22Ang mga bata naman, kung hindi abala sa paglalaro, eh nagpa-practice ng dance moves
03:40para kapag pinasiklaban si na lola at lolo, eh mas bongga daw ang pamasko.
03:47Eh papahuli ba naman si Bantay?
03:49O diba, sleigh kong sleigh bells jingling.
03:54Kasi pagka dito po, mas malilibang yung mga bata, mga pagtagtakbo, tsaka dito open air.
04:02Kasi pag sa mall, maraming nakikita, wala ka naman pambili.
04:05At least dito, may pagkain na okay na, masaya naman sila.
04:08Kung pamasko naman ang hanap sa Rizal Park Luneta Visitor Center,
04:12mabibili ang mga produktong proudly Philippine made.
04:16Kung sa bagay dito sa Rizal Park Luneta, di mo kailangan ng sobra-sobra.
04:23Kung walang baon, may mga affordable na pagkaing paninda.
04:27At may simpleng laruan at makukulay na lobo na mabibili sa abot kayang halaga.
04:33Sa dami ng magagawa at mabibili, may paalala ang pamunuan ng parke.
04:38Huwag po natin kakalimutan ang clean as you go.
04:41Kung maaari ay makapagdala sila ng reusable items para maiwasan po yung kalat.
04:46Isa pang paalala, hanggang alas 11 lang ng gabi ang parke, ngayong araw at bukas.
04:52Kaya ang pamilya bilyones na dumayo pa mula binangonan.
04:56Plano sana dito. Tapos nag-hire kami ng simple hotel lang para mamaya.
05:03Then mamayang gabi, banding ulit.
05:05Halos lahat ng nakita ko rito, all smiles pa rin ngayong Pasko.
05:10Kahit kaliwat kanan ang mga hamon sa bansa.
05:13Tila sinasalamin ang lumabas sa pinakahuling survey ng social weather stations
05:18na 68% ng mga Pilipino ang umaasang magiging masaya ang Pasko ngayong taon.
05:25Mas mataas ito kumpara noong 2024.
05:29Enjoy na natin yung buhay natin hanggat nandito tayo sa ibabaw ng mundo.
05:32Kahit may problema, tinitiis na lang din. Hawa ng paraan.
05:35Samantala, Emil, muling pinapaalalahanan ng publiko na ang Rizal Park Luneta ay bukas lamang hanggang mamayang alas 11 ng gabi.
05:47Samantala, bukod sa fountain and light display, meron ding misa dito, particular sa Maypaco Park, mamayang alas 8 ng gabi.
05:54At bukas, araw ng Pasko, merong misa alas 10, alas 11 ng umaga, pati alas 5 ng hapon.
06:01Emil, maraming salamat, Oscar Oida.
06:04Loche Buena by the beach naman ang pagsasaluhan ng maraming nasa isla ng Boracay.
06:11Mahigit 7,000 turista na ang naroon para magpasko.
06:15At nakatutok doon live si John Sala ng GMA Regional TV.
06:20John.
06:20Vicky, hindi lang ang iba't-ibang mga water activities ang in-enjoy ng mga turista dito sa isla ng Boracay, pati na rin ang napakagandang sunset kaya naman inaasahan na madadagdagan pa ang mga turista ngayong gabi.
06:35May halong piyesta ang Christmas fields na sasalubong sa mga darating sa kagban port ng Boracay-Aklana.
06:45Ang sikat na ati-atihan ng probinsya, sinabayan pa ng drums and lyres.
06:50First time dito ni Mark na mula pa ng Russia.
06:52Many people told me about Boracay. This is the most beautiful place on the Philippines.
06:59Excited rin si Maria na magpasko sa isla.
07:03Sabi nila mas masarap daw dito.
07:06Tsaka talagang yung bakasyon namin dito eh, baka kakaiba naman.
07:13Siyempre, Pasko. Kaya buong pamilyang isinaba ni Marifel.
07:17Unang araw pa lang, in-enjoy na nila ang malinis na tubig dagat at white sand beach.
07:22I came here with my family all the way from Beijing.
07:27Naisipan namin na pumunta dito because, number one, mas affordable yung fare compared to other destinations in the Philippines.
07:37Ayun, tapos easy access din sa mga activities especially for a family with kids.
07:43Ilan lang sa water activities na patok sa mga bisita ay ang paddleboarding.
07:47Para sailing, parao sailing, banana boat at iba pa.
07:52Sa tala ng Jetty Port Management, mula nitong linggo hanggang kahapon,
07:55mahigit 7,000 turista kada araw ang naitalang tumawid sa isla ng Boracay ngayong Pasko.
08:01Kasabay nito, maikpit na ipinapatupad ang inspeksyon.
08:03The influx started last Saturday.
08:06So, the port naman po as is naman siya for maintaining the security.
08:11Partner po namin dito yung mga Philippine National Police, mga Philippine Army.
08:16And with the sea naman po na related is the Philippine Coast Guard.
08:19Vicky, inaasahan naman ang iba't-ibang mga pakulo dito sa mga establishmento sa isla ng Boracay
08:29kasabay ng pagdiriwang ng Pasko.
08:32Akaugnay dito, mahigpit din na nagbabantay ang mga kawanin ng PNP sa mga matataong lugar.
08:37Yan ang latest mula dito sa isla ng Boracay.
08:40Balik sa inyo, Vicky.
08:41Maraming salamat sa iyo, John Sala, ng GMA Regional TV.
08:49Sa mga kapuso nating mamamasko o mamamasyal bukas, huwag pong kalimutang magbao ng payong.
08:57Base sa datos ng MetroWeather, mataas ang tsansa ng mahina hanggang katamtamang ulan
09:01sa ilang bahagi ng Northern at Central Zone sa kapon hanggang gabi.
09:05Bago naman magtanghali ang pagulan sa Visayas at Mindanao,
09:08posible ang heavy to intense rainfall sa ilang bahagi ng Negros Island Region at Leite Province.
09:14Gayun din, sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Barm.
09:18Ang ganyang kalakas na ulan, posibleng magdulot ang baha o paghuhon ng lupa,
09:21kaya iba yung pag-iingat.
09:23Sa Metro Manila, may tsansa ng ulan sa gabi pero hindi naman inaasakang magtutuloy-tuloy ito.
09:29Ang mga pagulan ay dahil pa rin sa Northeast Monsoon o Amihan
09:32na nagdudulot ng maulap na panahon na may mga pagambon sa malaking bahagi ng Luzon.
09:37Na real din ang Easter Lease na pwede namang magdulot ng bigla ang malalakas na buhos ng ulan sa hapon at gabi.
09:43Samantala, ayon sa pag-asa, nananatiling mababa ang chance sana magkaroon ng low-pressure area o bagyo sa mga susunod na araw.
09:50Pero patuloy na umantabay sa updates.
09:53Chica Minute na po mga kapuso at ang maghahatid ng latest sa showbiz happenings,
10:02e walang iba kundi si Sangre Flamara ng Encantadia Chronicles Sangre, Faith Basilva.
10:09Thanks!
10:10Thank you Miss Vicky. Good evening mga kapuso!
10:15And happy midweek chikahan sa inyong lahat.
10:18Looking forward na sa masayang salo-salo sa Noche Buena mamaya ang ilang kapuso at sparkle stars.
10:25Ang kanilang Noche Buena cravings, iti-chika yan ni Nelson Calas.
10:29Ilang oras na lang, Noche Buena na.
10:35Halos lahat ng mga Pinoy magsasalo-salo kasama ang kanilang mga pamilya.
10:39Nakaugalian natin na maghanda at ilabas ang family recipes for the whole fam to enjoy.
10:46Si Mommy Grace ni Miguel Tan Felix, siguradong marami ang bandihado para magluto para sa buong pamilya.
10:54Pero si Miguel, isa lang daw ang niluluk forward for dinner tonight.
10:59Leche flan. Ewan ko lang kung may leche flan ngayon. Tagal niya na rin hindi nagliluto ng leche flan.
11:04Pinoy na Pinoy naman ang cravings ni Kailin Alcantara.
11:07Hindi mag-arbo pagdating sa ingredients, basta may ketchup ang adopted Pinoy dish na ito.
11:14Spaghetti. Spaghetti. Matamis na spaghetti. Yes.
11:19The Filipino style. Maraming cheese, hotdog.
11:24Kapag espesyal ang handaan, mawawala ba ang putahing staple na sa tahanan ni na Barbie Portesa?
11:31Leche.
11:33Direk dumireche na tayo.
11:34Oo, leche. Yun, leche. Kasi parehas na paborito ng mga magulang ko ang leche.
11:40Si BOLTES 5 Legacy star Rafael Landicio, isang pasta dish ang gusto for tonight.
11:47Siyempre po, carbonara. Favorite po.
11:52Bakit anong special sa carbonara?
11:56Talagang pag siya po nagliluto, kakaiba po talaga yung lasag.
12:00Para naman kay Raver Cruz, secondary na lang ang handa.
12:04Basta kapiling niya ang mga mahalagang tao sa buhay niya.
12:09Kung saan si Jules, doon ako.
12:11Usually doon ako nagnonot siya buhay na kaila Rojun, tapos natawid ako kaila Julie.
12:15Tawid-tawid lang kasi silang dalawa. Swerte ko nga magkapitbahay sila eh.
12:20Gelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
12:24Kritikal ang kondisyon ng isang senior citizen sa Muntinlupa matapos banggain ng isang motorsiklo.
12:31Ang nakadisgrasyang rider e tumakas. Nahuli kami yan sa pagtutok ni Chino Gaston.
12:36Patawid na ng kalsada sa barangay Kupang ng Muntinlupa City,
12:44ang 66 anyos na si Diosdado Castrillo, maghahating gabi nitong December 21,
12:49nang bigla siyang mapahinto dahil sa paparating na pulang motorsiklo.
12:56Pero natumbok pa rin siya at natumba.
13:00Nabagok ang ulo ni Castrillo sa simento, tila na wala ng malay at hindi na gumagalaw.
13:04Ang rider naman sumadsad sa gilid ng pader.
13:08Nakabango ng rider pero imbis na tulungan ng biktima, iniwan ito at humarurot palayo.
13:14Sinubukan siyang harangin ng ilang lalaki pero nakaiwas siya at nakatakas.
13:19Inabot ng ilang minuto bago maisakay si Castrillo sa isang kotseng nagdala sa kanya sa ospital
13:25kung saan nananatili itong kritikal ang kondisyon.
13:29Nagmamanalo, nabanggas siya.
13:32Pero kung hindi siya umatras, hindi abuti.
13:34Nung pagkabangga, may tatlo daw, inaawat yung tao.
13:38Hindi na nagpaano, nakaluso, tumakas.
13:41Paalala ng mga taga-baranggay sa mga makakadisgrasya ng mga pedestrians.
13:45Unang-una, dalayin na ganyan sa ospital o kaya tumawag na ambulansya para mabigyan agad ng aid.
13:51Batay sa embestigasyon ng Muntinlupa City Police, galing pagawaan ng motorsiklo ang sospek at pauwi na sana nang mabangga ang biktima.
13:59May matibay na lead ang Muntinlupa Police kung sino at saan nakatira ang sospek batay sa CCTV footage.
14:05Pero hinihintay pa nila na magsampan ng formal na reklamo ang pamilya ng biktima.
14:11Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
14:17Sa agitna ng pagdami ng mga namamalimo sa kalsada, nilinaw ng isa naming nakausap na hindi sila hawak ng sindikato.
14:25Wala rin direktang informasyon kaunay niya ng DSWD.
14:27Ang tiyakaan nila, handang tumulong ang kagawaran.
14:31Nakatutok si Maki Pulido!
14:36Mas pansinin tuwing kapaskuhan ang mga nakikipagpatintero sa mga kalsada para man limos.
14:42Kabilang ang ilang katutubo tulad ni Aiza na lumuwas mula Lucena Quezon kasama ang asawa at tatlong anak.
14:50Mga iba po mami, hindi naman sila po nagbibigay.
14:53O po ma'am, minsan nagsasabi rin sila masama o malaking katawan mo, magtrabaho ka.
15:01Siyempre po masakit yun sa amin.
15:04Ang gustong ipaliwanag ni Aiza sa mga mababang tingin sa pandilimus nila.
15:08Nagtatrabaho naman sila bilang street vendor sa Lucena pero talagang kapos ang kita.
15:13Kaya lumuluwas sila para mamasko at ang ibang naiipong pera ginagamit na puhunan para bumili sa Quiapo
15:19na mga pwedeng ibenta pag bumalik sa Quezon.
15:23Mahirap talaga mam sa amin, probinsya namin mahirap.
15:27Kasi ang asawa ko minsan mga isang araw, minsan wala siya pong kita.
15:32Minsan may kita mga 253, 300.
15:36Pero kulang naman yung mam kasi nag-aral po yung mga anak ko.
15:39Pero hindi umano sila dinala rito ng mga sindikato.
15:42Paglilinaw ng DSWD, wala silang direktang impormasyon na may sindikato nga sa likod ng ganito.
15:48Pero nakikipag-ugnayan sa mga otoridad kung may ganitong mga sumbong.
15:52Walang personal knowledge ang DSWD that there are groups or individuals na nagdadala ng mga families.
16:03But if in case may malaman kami, we will immediately report this to the law enforcement agencies.
16:11Kasi ang focus ng DSWD is on social welfare.
16:15Sabi ni Aiza, nilalapitan sila minsan na mga otoridad kaya napapatakbo sila.
16:19Pero sabi ng DSWD, wala silang dapat ikatakot dahil hindi sila pepwersahin ng mga social worker para sumama.
16:27Pag sumama sila, dadalhin namin sa processing center which is located in Pasay City.
16:32This is a former POCO hub na transform natin into a shelter.
16:39So meron sila dun matutulugan, makakainan.
16:42They could in fact stay there for quite some time.
16:45Sa DSWD processing center, aalamin ng mga social worker kung anong tulong ang ibibigay para hindi na sila bumalik sa lansangan.
16:53Kung maaari, sabi ng DSWD, sa processing center na rin ibigay ang tulong para sa mga nanlilimos para malayo sila sa kapahamakan sa kalsada.
17:02Help us reach out to them by informing us kung saan nyo sila nakita, we'll go to them, we'll reach out to them and we'll bring them to the processing center.
17:12Umaasa rin naman si Aysa na maabutan ang tulong ng gobyerno dahil kaya lang naman sila nasa kalsada ay walang-wala na sila.
17:19Ang gusto namin, bigyan sila po kami ng pangkabuhayan. Pag gusto nila, huwag kami na sa tabi-tabi.
17:27Para sa GMA Integrated News, makipulido na katutok 24 oras.
17:32Mga Kapuso, magpapaskong may maayos na tirakan at matutulugan ang isang senior citizen na pinasaklulukan sa inyong, Kapuso Action Man.
17:44Apat na taon nang nasa kalsada ang lola at sumisilong sa payong at trapal.
17:53Dito po siya natutulog.
17:55Ang bahagi ng eskinitang ito sa panulukan ng Irodriguez at Pacheco Street sa Tondo, Maynila na ang nagsilbing takanan ng 68 anyos na si Lola Remedios.
18:05Ito po yung pwesto ni nane.
18:06Ang kanyang kama pinagpatong-patong lang na karton sa manipis na tabla, habang payong at trapal naman ang kanyang tanging panangga sa init at ulan.
18:14Kasi natingnan niyo po o, yung ano niyo o, may ano, kumbaga ito lang po talaga ang siwang niyo.
18:21Alam ka na, laki mo ba.
18:23Ilang taon na umanong naninirakan dito ang senior citizen, ayon sa isang concerned citizen na dumulog sa inyong Kapuso Action Man.
18:32Kung sa kanil na may kakilala ako na, kung nari operan kayo ng shelter, may okay lang po ba sa inyo?
18:37Tawag naman nindi.
18:44Ang sumbong ating isinangguning sa Manila Department of Social Welfare.
18:48Araw-araw po yung ating reach-out operation sa Maynila.
18:52Yung mga tinatawag po ng mga concerned citizen, yung mga katulad nung nga po ni Nanay, yung mga parang napabayaan sa kalsada, yung po kinukuha namin at ina-assist po namin dito.
19:03Personal na pinuntahan ng ilang social worker ang kinaroonan ni Lola Remedios.
19:07Sabi po ni Nanay, apat na taon na rin po siyang nag-i-stay doon.
19:13Ngayon po nakipag-ordinate naman din po kami sa barangay.
19:16Sabi sa barangay, wala na pong relative si Nanay mula nung namatay po yung asawa niya po.
19:21Kusang sumama ang senior citizen na dinala muna sa reception and action center bago'y turnover sa isa pang shelter.
19:28Aalaga po sila doon, marami po tayong caregiver na po pwede mag-alaga po kay Nanay.
19:35Dito po, sisilungan, papakiinit po, medikal kung meron pong sakit.
19:40Emosyonal na nagpasalamat si Lola Remedios sa naging pagtulong sa kanya.
19:44Dapat lang papasalamatan kayo dahil ilang ako nakakita ng tulong sa akin.
19:55Hindi ko ko lumakakalimutan sa tamo ng buhay ko.
20:02Mission accomplished tayo mga kapuso.
20:04Para po sa inyong mga sumbong, pwede mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
20:08o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Dive Corner Samarabinyo, Diliman, Quezon City.
20:13Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalayan.
20:16Diyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
20:21Pantapat sa literal na malamig na Pasko sa Baguio,
20:24ang init ng saya at pagbamahal ng pami-pamilyang umakyat doon.
20:29Nakatutok live si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
20:34Sandy!
20:38Maginaw na gabi, Vicky.
20:39Umaabot na sa 15 hanggang 23 degrees Celsius.
20:44Ang temperatura ngayon dito sa Baguio City is suwak dahil ipinagdiriwang ang diwa ng Pasko.
20:49Sa mga oras na ito, ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga bisita dito sa Burnham Park
20:55para dito na mismo sa lubungin ang Pasko.
20:57Binati ng tagos sa butong lamig ang mga umakyat sa Baguio kung saan na sila aabutan ng oras ng Noche Buena.
21:08Ang naitalakasing temperatura sa City of Pines ngayong araw, 15.6 degrees Celsius ayon sa pag-asa.
21:14Alas 7 pa nga lang ng umaga, usad pagong na ang mga sasakyan sa inbound lane ng Camp 1, Tuba Benguet.
21:21Nagkaroon din ang traffic congestion sa outbound lane ng Camp 7.
21:24Mag-iintay na lang po. Wala naman po kasi magagawa kung traffic po talaga eh.
21:29Sanay na po ba tayo sa traffic set?
21:30Apo.
21:31Nagkakalat naman ang mga polis at force multiplier sa Central Business District upang magmando sa sitwasyon ng trapiko.
21:39Bago pa nga marating ang Baguio, ay marami nang nagpo-photo-off sa Lion's Head sa Kenon Road.
21:44Gaya ni na Audrey na bumiyahi pa mula binangonan Rizal.
21:47Para makapasyal ng buong pamilya dahil first time po nilang bumisita rito sa Baguio.
21:53Dahil gusto po nilang makita kung dito po maaisipan nilang magpasko.
21:57Sa mismong City of Pines naman, dinaragsa ang Burnham Park.
22:02Maliban sa picnic, biking peg naman ang peg ng iba.
22:05Gusto na may experience yung Baguio kasi actually galing gimaras itong mga anak ko.
22:10So first, gusto nilang gumawa dito sa Baguio. Ito yung first trip namin.
22:15Kasalukuyang nakasara ang Burnham Lake na bahagi ng Burnham Park dahil sa ongoing na renovation project ng City LGU.
22:21Sa bahaging ito, pansamantala munang itinabe ang mga swan boat habang ongoing pa ang renovation project.
22:28Pansamantala rin isinara ang Sunshine Park, Igurot Park at Ibaloy Park.
22:32Panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga turista maging responsable sa kanilang pagbisita.
22:37Dapat batuto na yung ating mga bisita.
22:41Yung mga residente natin na, kumbaga, natuto na eh.
22:46Na maging disiplinado pagdating sa pagdispose ng trash.
22:50Mahigpit ding ipinatutupad ng BCPO ang off-land bantay trapiko ngayong Pasko.
22:55Pangunahing mga simbahan sa mga tourist spots, sa mga terminals at mga ibang mga major intersections at sa mga mattaong lugar.
23:05Of course, para masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga turista.
23:10Vicky Ramdam pa rin ngayon ang mabigat na daloy ng trapiko.
23:19Partikular na sa Central Business District ng siyudad.
23:22Ayon sa Baguio City Police Office, ay may mga itinalaga na rin mga vacation lanes sa ilang mga kalsada
23:29na pwedeng daana ng mga motorista na gustong umiwas sa hassle ng mabigat na daloy ng trapiko.
23:34At bagamat holiday ngayon, ay hindi pa rin po lifted ang number coding scheme dito sa Baguio City.
23:40Iyan muna ang mga latest mula rito.
23:42Happy holidays sa inyo dyan, Vicky, at sa ating mga kapuso.
23:46Merry Christmas sa inyo dyan sa Baguio City.
23:48At maraming salamat sa iyo.
23:50Send the salvation ng JMA Regional TV.
23:52Ngayong Pasko, lalong it's better to give than to receive.
24:01Kaya naman si Asia's Limitless star Julian San Jose at ang kanyong fans,
24:05ipinadama ang tunay na diwa ng kapaskuhan at tumulong sa isang Aita community.
24:11Makichika kay Aubrey Carampel.
24:16Season of Giving, ika nga ang kapaskuhan.
24:19Bagay na ipinaramdam ni Julian San Jose at ng kanyang fans
24:23ng mag-Christmas outreach sa isang Aita community sa Porac, Pampanga.
24:28Handog nilang pamasko ang pagkain, bigas at grocery packs.
24:33Pero higit ang oras na walang katumbas na halaga.
24:36Priceless din ang isinukling ngiti ng mga Aita na bigyan ng regalo
24:40na nag-perform pa sa sallyo ng newest single ni Julie na simula.
24:45Ang highlights ng outreach na ipinost online ni Julie
24:49nilaki pa ng caption na,
24:51With love.
24:53Oh my God.
24:55Thank you love.
24:57Thank you love.
24:58Ramdam din ang love ng boyfriend niyang si Raver Cruz
25:01na may regalo ng pickleball paddle bago pa ang mismong Christmas Day.
25:06Excited na si Julie magpasko kasama si Raver at kanilang pamilya.
25:10We spend the Christmas together and pati yung mga families namin talagang super close na rin.
25:17Tsaka, ayun, excited talaga kami kasi parang ito talaga yung matagal na bonding.
25:25Magkasama rin sa salubungin na na Julie at Raver ang New Year.
25:29Kasama ang Julie Ver sa GMA Kapuso Countdown to 2026
25:34na gaganapin sa SM Mall of Asia sa December 31.
25:38Magpapasaya rin si na Christian Bautista,
25:41Rocco Nasino,
25:41at Kailin Alcantara,
25:43pati si na Sangre Faith Da Silva
25:45at Angel Guardian.
25:46Mapapanood din ang ex-PBB housemates
25:49na si na Will Ashley,
25:51AZ Martinez,
25:52Charlie Fleming,
25:53Josh Ford,
25:54at Vince Maristela.
25:55At ang PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates
25:59na si na Marco Massa,
26:01Wynonna Collings,
26:02Lee Victor,
26:03at Eliza Borromeo.
26:04With a special participation pa
26:06of K-pop group Ahoff.
26:09After New Year celebrations
26:10ay maghahanda naman si Julie Ann
26:13para sa mga concerts and shows abroad.
26:16Medyo first quarter,
26:17medyo magiging busy ako,
26:18jet setter.
26:20But, you know,
26:22I'm just very happy.
26:23I'm grateful for all these blessings talagang.
26:26I'm happy to perform and same for everyone.
26:30Aubrey Carampel,
26:31updated sa showbiz sa happiness.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended