- 4 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Goal.
00:03This is Philippine Goal.
00:06Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Ramdam na ramdam na po ang Pasko sa iba't ibang panig ng bansa
00:19mula sa Magnao na Baguio hanggang sa Isla ng Boracay.
00:24Kakamustan din natin ang Magno Noche Buena sa Rizal Park
00:28at mga dadalo sa Misa de Gallo ngayong bisperas ng Pasko sa Manila Cathedral.
00:37Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:41Ilang oras bago magpasko, marami pa rin ang naghahabol makauwi.
00:46Tanggap na raw nila ang posibilidad na sa biyahe na abutan ng Oras ng Noche Buena.
00:51Unahin po natin ang mga nasa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
00:56kung saan libo-libo pa rin ang dumagsa ngayong bisperas ng Pasko.
01:01Doon mga kapuso, hindi lamang mga pasahero ang aming nakilala,
01:04kundi mga manggagawang magsasakripisyo malayo sa mga mahal sa buhay.
01:10Nakatutok live si JP Soriano.
01:12JP!
01:13Good evening Emil, Vicky mga kapuso.
01:19As of 6pm, 154,000 mahigit na yung dumating dito sa PITX.
01:24Kahit po bisperas ang Pasko, ibig sabihin ang dami pa po talagang bumabiyahe.
01:27At kung marami po sa atin ang magdono-noche buena kasama ating mga kaanak, mga mahal sa buhay,
01:32nakilala po natin yung mga magdono-noche buena habang nasa biyahe.
01:36Aabuti ng labing apat na oras ang biyahe pa Bicol ng bust na minamaneho ni Ronald Marchand
01:46mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
01:50Kalsada?
01:51Kalsada?
01:52Oo, doon kayo magdono-noche buena, alas 12.
01:54Ang kailangan, kumita.
01:58May maayuwi sa pamilya ngayon.
02:00Kaya nag-video call na si Ronald sa apat na anak na nasa Bicol.
02:04Merry Christmas sa inyo lahat.
02:06Sa kalsada si Papa magpapasko, alam nila na malayo ako.
02:12Wala, ganun po talaga hanap buhay namin eh.
02:15Isa lang si Ronald sa mga ama, kapatid at anak na hindi makakapiling ang mga mahal sa buhay
02:21dahil kailangang magtrabaho ngayong bisperas ng Pasko.
02:24Pero ang sandaling marinig ang boses ng malamding na bati ng Merry Christmas.
02:29Very inspired ka, di ba, na merong anak sa'yo na nag-aalala,
02:35maski na sa malayo ka.
02:38Ang mga pasehero ni Rona, gaya ni Alan,
02:40sa biyahe na rin aabutan ng noche buena
02:43at di na rin aabutan ng birthday ng kanyang ina,
02:46ngayong bisperas.
02:47Happy birthday ma!
02:48Dito ako, child 7.
02:50Thank you po.
02:51Very nice, happy new year.
02:53Hanggang nitong tanghali umabot na sa halos 80,000 ang paseherong dumating sa PITX,
02:59hindi pa kasama ang bilang na yan sa mahigit isang milyong paseherong na italang dumating sa PITX
03:04simula December 19 hanggang kahapon.
03:08Kung may mga malayo ang biyahe, may mga biyaheng mabilis lang gaya ng mga pakavite.
03:12Si JP, na taga General Trias, bit-bit ang mga regalo para sa mga pamangkin.
03:18December 25 daw talaga ang kainan nila sa bahay, pero ang bigayan ng regalo.
03:24Preparation ngayong gabi, then gagisingin na lang yung mga pamangkin ng ating gabi.
03:30Gusto ko lang makasama yung mga pamangkin ko.
03:31Yun yung pinaka-tradisyon ko pagka-holiday.
03:37Si Princess, bumili ng puto sa mga tindahan ng kakanin sa terminal, pampartner daw sa ihahain nila sa Noche Buena Mamaya.
03:45May spaghetti, may panset, kahit anong pagkain, ang mahalaga yung family magkakasama.
03:52Sa aming pag-iikot sa mga terminal gate, mga laruan at mga gift wrap na kahon ang kasama sa mga bagahe ng mga pasehero.
03:59Okay lang naman daw yan, basta walang matatalim na bagay at mga bagay na maaaring pagmula ng sunog, gaya ng mga nakumpiskang pailaw.
04:07Sabi ng pulisya para hassle-free ang biyahe, bantayang maigi ang mga gamit at bantayan ang mga kasamang bata.
04:14At Emil, alam mo, akala ng mga tigarito, ng mga otoridad ng PITX, paggating ng pagsapit ng bispera sa Pasko, mas kakaunti na po yung mga paseyron darating.
04:27Pero ang dami pa rin talaga dito po sa ground floor.
04:29Ito po yung mga biyahe na kapapunta sa Cavite, yung mas malalalapit na area.
04:33Pero pagpanik mo sa taas, naroon po yung papuntang Bicol, Catanduanes.
04:37At syempre ang hiling po ng mga tigarito, safe trip po para sa ating mga kababayang uuwi sa kanina mga probinsya.
04:43At yan muna ang latest, Merry Christmas Eve, Emil.
04:46Happy Christmas! Maraming salamat, JP Soriano!
04:51Sa gitna ng dami ng pasahero sa Naiya, dalawang mukha ng kapaskuhan ang makikita.
04:57Kung maagang regalo ang pagdating ng ilang OFW at balikbayan na makakasama ang pamilya sa hapag,
05:04may ilan ding balungkot na magdiriwang ng Pasko dahil aalis ng bansa.
05:09Nakatutok live si Ian.
05:11Ian.
05:13Vicky, maraming nga masaya pero marami rin tayong malungkot na tagpo
05:19na nasaksihan dito sa Naiya Terminal 3 ngayong bispiras ng Pasko.
05:24Naiyak sa tuwa ang 74 anyo si Lola Norma nang salubungin ang anak mula Dubai, United Arab Emirates kanina.
05:36Kahapon lang, dumating din ang isa pa niyang anak mula Japan kaya sama-sama silang pamilya ngayong kapaskuhan.
05:43Kasi ngayong Pasko nag-iipon yung mga anak ko kasi noon wala. Ako lang ang nagpapasko sa bahay namin.
05:52Pag-isa ka sa bahay.
05:53Opo.
05:54So ito, natupad po ang pangarap nyo ngayon.
05:56O, maraming saramat po kay Lord talaga.
05:58First time ko nga yung magpapasko, siguro enjoy ko na lang itong day ko.
06:05Uwi siya ng Pilipinas, wala ako. Uwi ako ng Pilipinas, hindi rin siya nakaka-uwi.
06:09Kung baga, first time namin magkasama-sama ulit ng 10 years.
06:13At hindi lang sila. Sunod-sunod ang mga dumarating. Sakto, bago ang Noche Buena at Pasko Bukas.
06:20Tung-tunga ako nga nagkarating siya. Kasi matagal lang hindi siya umuwi.
06:26Masaya po ngayon kasi magpapasko kaya happy-happy po.
06:31Pero kung may mga nag-reunion, meron ding mabibitin ang kapaskuhan.
06:36Isang araw na lang, hindi pa inabutan ng December 25 kasama ng kanila mga pamilya, sina Jason at sampu kasama.
06:44Kailangan na kasi sila sa pinapasok ang oil and gas company sa Dubai.
06:47Kung lahat yung mga gawin, talang aas-taalis din kami kahit na paano masahayat ng buhay natin dito.
06:53Bittersweet din ang pag-alis ng mag-asawang Feli at Joy.
06:57Dahil kailangan iwan ang mga kaanak ngayong Pasko at sa Abu Dhabi na mga kapag-Noche Buena.
07:03Malungkot dahil iiwanan yung mga kapatid ko dito, mga hipag, mga pamilya ko dito.
07:09Pero sa isang parte, masaya din naman kasi yung anak ko po yung makikita ko naman doon.
07:14Tsaka yung isa ko pong kapatid.
07:15May mga inabutan din tayo rito ang lilipad pa probinsya.
07:19Si Gloria, nahihirapang makakuha ng mas maagang flight papuntang Bacolod.
07:23At mula roon, ilang oras pa bago makauwi sa Sipalay City.
07:29Tiyak nang aabuti ng Noche Buena sa daan pero magkasama naman silang mag-ina.
07:34Mga anong oras kayo darating sa bahay?
07:36Mga 2 a.m.
07:37So paano kayo mag-Noche Buena? May dalawa kayong pagkain o paano ba?
07:40Didelay na lang ang Noche Buena?
07:41Delay na lang po. Pagdating na lang po ng bahay mag-Noche Buena.
07:45Sa tansya ng Nuna Ia Infrastructure Corporation, papalo sa 2.5 milyon ang pasaherong daraan sa Ia mula December 20 hanggang Januari 5.
07:55Kahapon lang, nasa 169,000 ang mga pasahero dito.
07:59Mas mataas ng halos 10% kumpara sa parehong petsa noong 2024.
08:05Gayunman, mas magaan ng biyahe dahil nagagamit ng marami ang self-check-in kiosk.
08:11Kaya iwas pila sa mga counter.
08:13Mabilis din sa immigration ayon sa Moroccan na si Anas na nasa Pilipinas para makasama ang nobyang Pinay.
08:20Sa pagkuhan ng bagahe naman.
08:21It's very smooth. It's just difficult to get the bag.
08:25Okay, how many minutes?
08:26It's quick but there's layers of people like waiting for the bags.
08:31Vicky, sa maghapon natin dito sa Naya Terminal 3 ay wala naman tayong nabalitaan na major na aberya dito sa Paliparan.
08:42Liban doon sa nakita natin na isang lalaki na nabual dito sa Arrival Hall.
08:47Pero agad din naman siyang nilapatan ng lunas ng mga medics na nakatalaga dito.
08:51So yan muna ang latest mula rito sa Naya Terminal 3.
08:54Merry Christmas sa'yo Vicky at sa ating mga kapuso.
08:57Merry Christmas din at maraming salamat sa'yo Ian Cruz.
09:01Mga ninong at ninang, handa na ba ang inyong pang-Aguinaldo?
09:05Sa Divisoria sa Maynila, maraming humabol sa pamimili ng pamasko.
09:09Ilang oras bago ang Noche Buena.
09:11Silipin natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
09:16Sandra!
09:20Yes, Emil. Huling mandaw at magaling.
09:23Eh, makakahabol pa rin.
09:25At yan nga po ang pinatunayan ng ating mga kababayan na nag-last-minute Christmas shopping.
09:30Ilang oras bago ang Noche Buena.
09:33Karamihan sa hanap nila, Emil, ay yung mga parigalo.
09:36At syempre, yung outfit nila bukas.
09:39At sila po ay hindi natinag kahit pa merong manaka-naka na pag-ambun dito sa Divisoria.
09:44Nagpapagsak-pagsak presyo na dito.
09:48Tingin ninyo na natingin ito.
09:49Brand and T-shirt brand new.
09:5175 na lang mga bossing.
09:53Sarami ng tindahan at mami-mili sa Divisoria sa Maynila,
09:57ito ang diskarte ng isang pwesto para makaakit ng customer.
10:01Halukain mo dito, te.
10:03Tila efektive naman dahil halasige sa paghalukay ang ating mga kababayan.
10:10T-shirt, chinelas, accessories na wala pang 100 pesos.
10:15Check na check.
10:17Pero si Felix, isang rider, rubber shoes ang hanap para sa dalawang anak sa budget na 500 pesos.
10:24Ate, magkana po natin?
10:26Magkana po dito sa description nyo?
10:28Ito po yan.
10:29Wala na po mong tawad?
10:30Sagad na?
10:31Trifty.
10:32Sagad na po talaga.
10:33Nahirapang maghanap ng sapatos na pasok sa budget si Felix,
10:37kaya tumingin din siya ng mga chinelas.
10:40Kwento niya, pumasada muna siya kaninang umaga para may pambili ng regalo sa mga anak.
10:46Pang noche buena, meron na?
10:48Wala ka pa, ma'am.
10:49Anong diskarte mo kasi noche buena na mamaya?
10:52Bali, pagkatapos ito, ma'am, bibayin muna para makaipon na pambili.
10:59Si Rosita naman, ngayon lang nakapag-day off kaya naghabol ng Christmas shopping.
11:05Namili siya para sa mga anak at apo.
11:08Ganito mga magkano yan?
11:10Ano po, 180 po.
11:12Para po sa apo ko, ito.
11:15Ayan.
11:15Mga ano po.
11:17Okay nyo.
11:17Sa kanya po, sa anak ko.
11:20Tapos ito po sa apo ko.
11:21Ayan.
11:22Pang-araw-araw po.
11:24Ang anak niyang si Ashley, merong natanggap na 1,000 pesos na pamasko mula sa tatay niya.
11:31Anong binili mo para sa sarili mo?
11:33Ito.
11:35Pang-araw-araw niya rin pong shorts.
11:37Magkano ito, magkano ito?
11:37160 po.
11:39Ayan, magkano yan?
11:40220 po.
11:42Ayun.
11:43Ay, 320.
11:43Sa burang presyo, halos walang patid ang mamimili sa pwestong ito na nagtitinda ng iba't ibang uri ng tsinelas sa alagang 75 pesos.
11:53Firming nakabasid ang cashier na si Jelay dahil uso raw ang salisi ngayon.
11:59Pero ang mabili po talaga yung mga bargain, yung carry lang nilang bilin.
12:0475, 100, may 50 rin na carry lang ng mga budget nila.
12:11Aminado rin ang mga tinderang pahirapan ang paghingi ng tawad sa presyo.
12:17Wala na po. Sinasabi namin mataas na rin ang puyunan kaya last price na talaga siya.
12:22Sa mga tindahan naman ng pruta sa Divisorya, matumal pa ang mamimili na inaasahang darami raw simula December 26 hanggang bagong taon.
12:32Emil, ayan makikita nyo sa aking likuran, patuloy yung pagdating na ating mga kababayan dito.
12:44Ang location ko, Emil, ito yung Ilaya Street, kung saan marami pong murang mabibili yung mga ating mga kababayan.
12:51At ang sinasabi po ng marami sa tindahan dito ay hanggang 12 midnight sila ngayon.
12:56Tapos bukas, alas 8 pa lang na umaga hanggang gabi na naman,
12:59e bukas pa rin sila para naman doon sa gagastusin na ang kanilang napamaskohan.
13:04Emil?
13:06Maraming salamat at Happy Christmas, Sandra Aguinaldo.
13:09Pasintabi po mga kapuso, sensitibo ang sunod naming ulat.
13:13Patay ng gilitan at saksakin ang isang babae sa Kaluokan ngayong bisperas pamandi ng Pasko.
13:20Ang sospek na tinutugis dahil nakatakas e live-in partner ng biktima.
13:25Na ahulikam ang krimer sa pagtutok ni Marisol Abduramad.
13:32Imbes na pagderiwang, ano may pinagsuklo ba ng langit at lupa ang mag-anak na ito ngayong bisperas pamandi ng Pasko?
13:39Ang mitya na napanood sa isang CCTV footage, pagtatalo ng mag-live and partner sa barangay 31 Kaluokan City.
13:47Maya-maya pa.
13:48Bigla na lamang sinakalang sospek ang biktima at tila may dinukot sa bulsa.
13:53Narinig na sumigaw ang biktima.
13:54Dugoan siya at wala nang buhay, nangdatna ng mga kaanak sa gili ng kalsada sa barangay 31 Kaluokan City.
14:03Hawak na ngayon ng mga pulis ang footage.
14:05Hinamin niya sa leg, tapos may dinukot siya sa bulsa niya.
14:09Then hinilan niya doon papaloob, doon sa may dalawang nakapaladang sasakyan.
14:13May sigaw yung babae.
14:14Narinig niya lang, naulinigan lang yung pagsigaw.
14:17Yung babae?
14:18Opo.
14:18Tapos next thing nakita niya patay na?
14:20Opo.
14:21Sila ang nakakita?
14:21Sila ang nakakita. Sila tumawag sa akin.
14:24Ayon sa Kaluokan pulis, ginilitan ang biktima.
14:27Meron siyang isang laceration sa leg at merong tatlong stabon sa dibdib.
14:30Ayon sa ina ng biktima, nagpunta sa kanyang bahay sa Kaluokan ang biktima at kinakasama nito para doon magpasko.
14:37Nagpaalam ang biktima na aalis bago maglasyete ng umaga kanina.
14:40Sabi niya, may pupuntahan na nga, oo, sige, sagot ko naman.
14:45Tapos umakmang aalis din, lalabas.
14:49Sabi ni Rowena, o dito ka lang, samahan mo lang si nanay.
14:54Hindi, sabi niya, ganon.
14:55Sumunod siya.
14:56Lumabas si Rowena, sumunod na rin.
14:59Kasunod na nito ang mga tagpong nakuhanan sa CCTV.
15:03Kwento naman ng kapatid ng biktima, di na bago ang alitan na mag-live-in partner.
15:08Sabi nga, ganon sa mama ko, nagsasawa na rao po siya sa kapatid ko.
15:14Kung saan daw pumupunta yung kapatid ko, sunod na sunod.
15:18Siguro po yung sunod na sunod yung kapatid ko sa kanya.
15:22Ayaw kasi ng lalaki na sunod na sunod.
15:25Bakit mo ginawa yung sa kapatid ko?
15:28Bukod dyan, may iba pa umunong pinag-aawayan ang dalawa.
15:31Yung babae, nagsusumog sa magulang na pinapabayaan siya accordingly sa victim natin.
15:36Dinidinay naman yung suspect natin.
15:38So, yun, dun, dun, nagingpisa yung pagtatalo nila.
15:41Patuloy na tinutugis ng pulis siya ang nakatakas na suspect.
15:45Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Oras.
15:53Pinagbabato, pinagsisipa at hinarangan ng ilang kalalakihan ng isang van sa EDSA.
15:57Sinubukan daw kasi nitong takasan ang nabanggang motrosiklo.
16:01Ang nahulikam na tagpo sa pagtutok ni Tina Panganiban Veres.
16:08Viral na ang videong ito ng isang van sa EDSA na basag-basag ang mga salamin.
16:14Binato ito ng helmet at pinigilang umandar ng ilang lalaki at hinarangan din ng isang truck.
16:20Nang hindi pa rin huminto ang van, pinagsisipa ito ng isang lalaki, kaya nagkayupi-upi ang pintuan.
16:27Huminto ang mga sasakyan sa EDSA dahil sa insidente, kaya nakapag-counterflow ang van at nakaliko sa New York Street.
16:36Pero binato ulit ang likurang bintana nito bago ito nakaandar palayo.
16:41Sa gilid ng New York Street, makikita ang isang nakatumbang motorsiklo.
16:45Ang pagbangga pala rito ng van, ang mitsa ng insidente.
16:50After po niya mabangga, ang nangyari po, instead na huminto siya at tulungan yung kanya na bangga,
16:56ay nag-attempt po siya na tumakas at bumalik sa EDSA.
17:00Pero yung mga tao po doon during that time, hinattempt naman po nila na pigilan itong van para umalis.
17:11Inimbestigahan na ang insidente na nangyari alas 9.10 kagabi bago pa nag-viral ang video.
17:18Habang lumalayo ang driver ng van, kita sa video na may nakapulot ng plaka nito.
17:23Pero hindi nakatakas ang driver ng van.
17:26Nung nakaalis po siya, agad pong naitawag sa ating kapulisan at yung mga personal, mga patroller po ng Police Station 7,
17:35na-intercept po siya at na-aresto po yung ating driver at in-urnover po sa traffic sector for summoning.
17:42Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit, inisuhan ang ticket ang driver ng van para sa reckless driving.
17:49Nasa pangangalaga naman ng DTEU Traffic Sector 4 ang van.
17:55Pero nagkaayos na ang driver ng van at nabanggang rider ng motorsiklo.
17:59Nag-usap po yung dalawang partido at ito pong ating biktima ay hindi na magpupursue ng anumang pong reklamo at nagkaayos po silang dalawa.
18:10And sa part naman po natin ng QCPD, we will be submitting also report po sa LTO regarding this incident po.
18:23Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuna ng pahayag ang LTO.
18:28Pero may pananagutan ba ang mga bystander at motoristang pinigilang makalayo ang driver ng van?
18:33Possible po na magkaroon sila ng kanilang liability. Pero po yung driver ay hindi na rin po nagsampa ng kaupulang demanda o reklamo po laban sa mga taong ito at sasasakyan po.
18:45Paalala ng QCPD-TEU sa lahat, isaisip ang salitang Pasko ngayong holidays.
18:51Ito pong pagdiriwang natin po ng Pasko dapat maging masaya, maging ligtas at maging payapa.
18:58Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
19:05Sa unang linggo na ng Enero-P, pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2026 National Budget ayon po kay Executive Secretary Ralph Recto.
19:15Sabi ni Senate President Tito Soto, e posibleng re-enacted muna ang pondo sa mga unang araw ng bagong taon.
19:22Nakatutok si Mav Gonzales.
19:23Sa December 29, inaasahang raratipikahan ng Kongreso ang panukalang 2026 National Budget.
19:34Dahil kailangan pa itong i-transmit at revlihin ng Pangulo, tingin ni Senate President Tito Soto, malamang re-enacted muna ang budget sa mga unang araw ng 2026.
19:43If they have started reviewing it from now, up to that time, there is a possibility.
19:50But I doubt it.
19:52I doubt it.
19:55Perhaps somewhere like, sometime like the first week of January would be ideal na na-review na ni Leon.
20:04So possibly re-enacted for a few days, ganun?
20:06Yeah, kung ganun lang naman, walang problema because di ba the last time, pa kaming three months na re-enacted.
20:14Si Senate President Pro Tempore Ping Lakson, matagal na rin sinasabing mas mainam nang magkaroon ng re-enacted budget sa unang quarter ng 2026,
20:23kesa madaliin ang pagpasa na ni hindi nare-resolva ang mga issue ng maling paggamit at pag-abuso sa pondo,
20:30particular sa flood control projects.
20:32Dahil aniya hindi magkasundo ang Senado at Kamara sa ilang programa,
20:36kabilang ang farm-to-market roads at mga ayuda gaya ng MAIFIP at AX,
20:41naglagay na lang ng safeguards ang Senado sa pagpapatupad ng mga ito.
20:45Kinumpirman ni Executive Secretary Ralf Recto na sa unang linggo ng Enero pipirmahan ng Pangulo ang 2026 budget.
20:52Naiintindihan naman daw ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Wyn Gatchalian
20:56na kailangan ng Ehekutibo ng sapat na oras na reviewhin ang mahigit 4,000 pahina ng enrolled copy ng budget.
21:04Maingat na aksyonan niyan na pirmahan ito ng Pangulo sa unang linggo ng Enero para masigurong napag-aralan talaga lahat ng probisyon.
21:11Nauna na rin sinabi ni Gatchalian na kumpiyansa siyang walang ibivito sa budget ng Pangulo dahil coordinated ito sa Ehekutibo.
21:18Iginiit naman ni Lanaudal Sur First District Representative Zia Alonto Adyong na walang pork barrel sa 2026 national budget.
21:26I'm confident at this time this 2026 budget is airtight po kung akong tatanungin nyo na wala pong mga insertions dyan,
21:40wala pong mga line items dyan na nagbibigay pondo doon sa mga questionable mga infrastrukturang programa.
21:51The 2026 budget contains no lump sum appropriations, no discretionary funds, and is fully itemized.
22:01There is no pork barrel and there are no pork barrel appropriations in the 2026 national budget.
22:07Sa ngayon, nasa proseso aniya ng reconciliation ng House at Senate versions, ang BICAM technical staff.
22:13Inaasahan daw nilang makakatanggap sila ng kopya ng BICAM report bago ito i-ratify ng Kongreso.
22:19A thousand pages, minsan, pamut pa atayan ng limang libo na pahina.
22:25So that's going to be now the work of the committee staff.
22:30The majority leader ensured the House, not only Kongreso Mantino and the minority,
22:36but ensured that the whole House will be furnished a copy individually of the committee report prior to the ratification
22:46so that all of us would have time to review and look at the items and compare it probably on the approved HGAP.
22:58Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
23:04Pumarangkada na ang unang bahagi ng EDSA Rehabilitation ngayong bisperas ng Pasko.
23:09Ang efekto niyan sa laging ng trafiko.
23:11Tinutukan live ni Rafi Tima.
23:13Rafi!
23:13Emil, mula alas tres kasi kaninang hapon ay kalbaryo na yung naranasan ng mga motoristang biyaheng south at dumaan dito sa EDSA
23:25at ito yung dahilan kalahati nitong EDSA ay sarado na sa daloy ng trafiko kabilang na itong bus lane.
23:32Ito'y pagkalagpas lamang ng Guadalupe Bridge at ito'y bilang paghahanda nga sa gagawing EDSA Rehabilitation na magsisimula ngayong gabi.
23:40Paglagpas ng Guadalupe Bridge sa EDSA Northbound, inabutan namin ang kontraktor na magsasagawa ng EDSA Rehabilitation.
23:49Isa-isa na nilang inilipat ang mga concrete barrier bilang paghahanda sa pag-aayos sa kalsada na simula ngayong gabi.
23:55Kaya ang limang lane ng EDSA, dalawa na lang ang nagagamit ng mga motorista.
24:00Mahigit isang oras lang lumipas tukod ng trafiko sa southbound lane ng EDSA.
24:04Bukod sa pagsikip ng kalsada, pinatitigil pa ng mga traffic enforcers ang mismong daloy na sasakyan sa EDSA
24:16para makapasok ang mga sasakyan na galing sa Estrella.
24:31Ang northbound lane, inihanda na rin para sa rehabilitasyon.
24:35Pero dahil mas konti ang mga sasakyan pa norte gamit ng EDSA, hindi kaagad tumukod ng trafiko.
24:40Ayon sa MMDA, marami kasi ang piniling dumaan na sa Skyway lalo na ang patungo sa North Tucson Expressway.
24:46Para makapabilis ang pagsasayayos sa mga bahaging hindi pa naman talaga sira,
24:49sinimula na ng ilang manggagawa ang paglalagay ng asfalto sa mga cracks sa kalsada.
24:54Ang mga may malalansira lang daw kasi ang kanilang babakbakin para maging mabilis ang pagsasayayos sa kalsada.
24:59Bagamat sumuong sa matinding traffic, may ilang motorista pa rin namang naiintindihan kung bakit kailangan na talagang isaayos ang EDSA.
25:07Eww, ikagaganda naman ng EDSA eh. Okay lang naman.
25:11Aho, tsaga-tsaga na lang.
25:12Sa pinakahulangkuhan ng ating drone kanina ay nasa bahagi ng Shaw Boulevard Underpass ang dulo ng trafiko dito sa EDSA Southbound.
25:26Pero paglapas naman na ito sa Maestrelia ay luluwag na yung daloy ng trafiko patungo sa bahagi ng Pasay.
25:34Inaasahan naman ngayong gabi ay magdadatingan na yung mga dagdag ng mga heavy equipment para sa gagawing 24 oras na rehabilitasyon nitong EDSA.
25:43Yan ang latest mula dito sa EDSA sa bahagi ng Orense.
25:46Emil?
25:47Maraming salamat, Rafi Tiba.
25:50Marami rin ang nag-last minute na namili ng pang-notche buena mamaya.
25:54Pero ang ilang panghanda, pati na karne at gulay, eh nagmahal.
25:59Nakatutok live si Bernadette Ray.
26:00Bernadette
26:03Vicky, ilang minuto na lang magsasara na ang mall na ito dito sa San Juan.
26:09Pero marami pa rin ang mga nagla-last minute shopping.
26:11Kanina, nagpunta rin kami sa mga grocery at mga palengke at marami rin ang humabol mamili ng mga panghanda sa Noche Buena.
26:22Ilang oras bago mag-noche buena, mahaba pa rin ang pila sa supermarket na ito sa Casan City.
26:28Marami ang humabol na mamili ng mga panghanda.
26:30Kahit nagmahal ang ilang sahog.
26:32Kaya hindi na talaga kakasya ang 500 pesos para sa pamilya ni Carissa na may apat na miyembro.
26:39San libo na ang inilaan niya, pero konti pa rin daw ang maihahain.
26:44Simple lang po na handaan, basta magkakasama lang po kami.
26:46Dapat lang naman po kami sa bahay.
26:48So, enough na po siguro yun 1K sa hirap ng buhay ngayon.
26:52Kung maghahamon de bola nga, sabi naman ni Pam, konti na lang ang susobra sa 500 pesos.
26:58Pero hindi naman daw kailangang magarbo ang handa.
27:01Kung ano na lang yung available na nasa bahay tapos magdadagdag na lang ng konti.
27:05I wish lahat ng bahay may pagkain sa hapagkainan.
27:13Ayon sa DTI, mahigit siyam na po mga not siya buhay na items ang bahagyang tumaas ng presyo.
27:18Tumaas rin ang presyo na ilang mga produktong agrikultura, kagaya na lamang ng karne ng baboy at mga gulay.
27:24P330 pesos ang kada kilo ng kasi matpige sa litex market sa Quezon City.
27:30Pero aabot pa yan sa P380 pesos sa ibang pamilihan ayon sa monitoring ng Department of Agriculture.
27:37Nagmahal din ang gulay kabilang ang siling labuyo at bell pepper na umaabot ng P700 pesos kada kilo.
27:43Medyo tumaas ang hango namin tapos medyo tumomal dahil tumaas.
27:48In high demand po, kasi magpapasko so madaming mamimili so ayon po, tinaasan po nila yung price.
27:55Discard din na lang po, konti-konti hanggang sa magkaroon lang po sa hapagkainan na pagsalusaluhan ng apat na persona.
28:02Pero may mga pamilya tulad ng pamilya ni Joy na anumang handa, hindi mapapawi ang pahungulila sa mahal sa buhay sa araw ng Pasko.
28:11Eh sana ano, naiyak tuloy ako. Sana magkita kami lahat.
28:19Kung may mga naghahabol ng panghanda, marami rin na nagla last minute shopping sa mall na ito sa Green Hills tulad na magiinang ito.
28:27Gusto lang mag-coffee, mag-snack and then relax para mamaya magsimbang gabi kami pag-uwi sa bahay.
28:33Extra bonding po besides sa Christmas event itself.
28:37Christmas is about giving talaga. So tradisyon na talaga ng Filipino na magbigay kasi it's Christmas.
28:47So parang love and joy pag nag-give ka sa tao.
28:56Vicky, bukas, bukas din ang mga mall pero maaaring may pagkakaiba sa operating hours.
29:01Mula dito sa San Juan, bumabati kami sa inyo na isang Merry Christmas.
29:05Merry Christmas at maraming salamat sa iyo, Bernadette Reyes.
Be the first to comment