Skip to playerSkip to main content
Pinagbabato, pinagsisipa at hinarangan ng ilang kalalakihan ang isang van sa EDSA. Sinubukan daw kasi nitong takasan ang nabanggang motorsiklo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagbabato, pinagsisipa at hinarangan ng ilang kalalakihan ng isang van sa EDSA.
00:06Sinubukan daw kasi nitong takasan ang nabanggang motosiklo.
00:09Ang nahulikam na tagpo sa pagtutok ni Tina Panganiban Perez.
00:16Viral na ang video ito ng isang van sa EDSA na basag-basag ang mga salamin.
00:21Binato ito ng helmet at pinigilang umandar ng ilang lalaki at hinarangan din ng isang truck.
00:27Nang hindi pa rin huminto ang van, pinagsisipa ito ng isang lalaki kaya nagkayupi-upi ang pintuan.
00:35Huminto ang mga sasakyan sa EDSA dahil sa insidente kaya nakapag-counterflow ang van at nakaliko sa New York Street.
00:43Pero binato ulit ang likurang bintana nito bago ito nakaandar palayo.
00:48Sa gilid ng New York Street, makikita ang isang nakatumbang motosiklo.
00:53Ang pagbangga pala rito ng van, ang mitya ng insidente.
00:57After po niya mabangga, ang nangyari po, instead na huminto siya at tulungan yung kanyang nabangga,
01:04ay nag-attempt po siya na tumakas at bumalik sa EDSA.
01:08Pero yung mga tao po doon during that time, hinattempt naman po nila na pigilan itong van para umalis.
01:19Inimbestigahan na ang insidente na nangyari alas 9.10 kagabi bago pa nag-viral ang video.
01:25Habang lumalayo ang driver ng van, kita sa video na may nakapulot ng plaka nito.
01:31Pero hindi nakatakas ang driver ng van.
01:33Nung nakaalis po siya, agad pong naitawag sa ating kapulisan at yung mga personal, mga patroller po ng Police Station 7,
01:43na-intercept po siya at na-arresto po yung ating driver at tinurn over po sa traffic sector for summoning.
01:50Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit, inisuhan ng ticket ang driver ng van para sa reckless driving.
01:57Nasa pangangalaga naman ang DTEU Traffic Sector 4 ang van.
02:02Pero nagkaayos na ang driver ng van at nabanggang rider ng motorsiklo.
02:07Nag-usap po yung dalawang partido at ito pong ating biktima ay hindi na magpupursue ng anumang pong reklamo at nagkaayos po silang dalawa.
02:18And sa part naman po natin ng QCPD, we will be submitting also report po sa LTO regarding this incident po.
02:30Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuna ng pahayag ang LTO.
02:35Pero may pananagutan ba ang mga bystander at motoristang pinigilang makalayo ang driver ng van?
02:41Possible po na magkaroon sila ng kanilang liability. Pero po yung driver ay hindi na rin po nagsampa ng kaupulang demanda o reklamo po laban sa mga taong ito at sasasakyan po.
02:52Paalala ng QCPD-TEU sa lahat, isaisip ang salitang Pasko ngayong holidays.
02:59Ito pong pagdiriwang natin po ng Pasko dapat maging masaya, maging ligtas at maging payapa.
03:05Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended