Skip to playerSkip to main content
Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinamatay ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral, ayon sa autopsy report na pulisya. Narekober naman sa tinuluyan niyang hotel room bago namatay ang iba't ibang klase ng gamot gaya ng sleeping supplements at anti-psychotic medication.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:07ayon sa autopsy report ng polisya na recover naman sa tinuluyan niyang hotel
00:12bago namatay ang iba't ibang klase ng gamot gaya ng sleeping supplements at anti-psychotic medication.
00:19Nakatutok si Joseph Moro.
00:23Sa hotel na ito sa Baguio City nanggaling si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:29bago siya natagpuang patay sa baba ng isang bangin sa Kennan Road sa Tuba Benguet noong December 18.
00:35Bukod sa video ng pagdating doon ni Cabral at ang kanyang driver na si Ricardo Hernandez mag-alauna ng hapon
00:41na kuhanan din ang kanilang pagalis bago mag-ala stress ng hapon.
00:45Ngayon nakuha rin ang otoridad ang kuha ng CCTV nang bumalik ang driver.
00:49Makikita ang lumapit sa concierge ng hotel si Hernandez.
00:52Ito raw yung sandali nang hindi na niya makita si Cabral sa lugar kung saan ito nagpaiwan.
00:57Sa inventory sheet naman ng NBI sa mga items na nakuha sa hotel room ni Cabral,
01:03nakalagay na may nakuhang iba't ibang klase ng gamot.
01:06Kabilang dyan ang isang prescription medicine laban sa insomnia,
01:09meron ding sleeping aids supplements.
01:12May nakuha rin isang uri ng anti-depressant at anti-psychotic medication.
01:16May narecover din na labing tatlong pulgadang kutsilyo mula sa kwarto
01:19bukod pa sa mga damit at iba pang kagamitan.
01:22Nauna nang sinabi ng PNP na lumabas sa laboratory test na nagpositibo si Cabral
01:27sa isang uri ng gamot kontra-depressyon.
01:30Sa autopsy report ng pulisya kay Cabral nakasad na blunt traumatic injuries sa ulo at katawan
01:36dahil sa pagkahulog ang cause of death niya.
01:39May matinig pinsala ito dahil sa lakas ng pagkahulog sa ulo, katawan, braso at mga binti,
01:45baliri ng kanyang mga ribs, baliri ng kaliwang braso, binti at bukong-bukong o ankle.
01:50Sinubukan naming makuha ang pahayag ng abogado ni Cabral na si Atty. May Divina Grascia.
01:56Maglalabas daw sila ng pahayag sa mga susunod na araw para sagutin
02:00ang lahat ng mga issue at akusasyon tungkol kay Cabral.
02:03Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended