00:00Kung maraming team bahay mamayang Noche Buena,
00:03ay may mga team Rizal Park Luneta rin ngayong besperas ng Pasko.
00:06May ulat on the spot si Oscar Oida.
00:09Oscar!
00:12Hey, naku Rafi!
00:14Maaga pa lang pero mga mag-anak dito sa Rizal Park Luneta,
00:18eh, kanya-kanyang pwesto na para sa kanilang salo-salo con Noche Buena.
00:24Eh, bakit nga naman hindi Rafi, eh, dito sa Rizal Park Luneta,
00:27eh, musika pa lang, eh, Paskong-Pasko na.
00:31Samahan mo pa ng samot-saring palamuti,
00:33eh, deck the halls with bows of holly talaga, ang dating.
00:37Kung pamasko naman ang hanap sa Rizal Park Luneta Visitor Center,
00:41mabibili ang mga produktong proudly Philippine-made.
00:45Para sa mga nakausap namin, okay na okay daw talaga magpasko dito,
00:50dala ng konti pagkain na sinamahan pa ng pananabik na mga mahal sa buhay,
00:55eh, talagang ayos na-ayos na.
00:56Kung sa bagay dito sa Rizal Park Luneta,
00:59di mo kailangan daw ng sobra-sobra,
01:01kung walang baon, may mga affordable na pagkain paninda,
01:04at may simpleng laruan at makukulay na lobo na mabibili sa abot-kayang halaga.
01:09At malaya pang makakapaglaro ang mga bata.
01:13At syempre, pagkagat ng dilim,
01:15ang pinakaabangang fountain and light display,
01:18matuto nga yan.
01:19Eh, yan pa lang daw Rafi,
01:21eh, Paskong-Pasko na.
01:23Rafi?
01:23Maraming salamat, Oscar Oida.
Comments