Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Susunod daw ang Department of Public Works and Highways sa utos ng Office of the Ombudsman na ilabas lahat ng computer at gadget na na-issue noon kay dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:11Naghain naman ang resolusyon ng ilang mambabatas para paimbestigahan sa kamera ang pagkamatay ni Cabral.
00:17May unang balita si Chino Gaston.
00:19Patuloy na ino-authenticate ng NBI ang viral video na ito na kuhat sa Kennon Road sa Tuba Benguet.
00:29Kita ang isang SUV na nakaparada sa gilid ng kalsada at isang babaeng nakaupo sa concrete barrier.
00:37Nauna lang sinabi ng NBI na tugma ang video sa mga naunang lumabas sa investigasyon sa pagkamatay ni dating Public Works Undersecretary Catalina Cabral.
00:46Sinusuportahan din ito ang selfie photo na ipinost ng driver ni Cabral na si Ricardo Hernandez.
00:53Nauna ng sinabi ni Interior Secretary John Vic Remulia na tunay ang selfie.
00:57It's very material in the sense that if it's a genuine footage tapos dun mismo sa location na yon nakita si Jose Cabral yung kanyang bangkay,
01:08it would actually prove among others that she's really there.
01:11And apart from that, there will be a stronger support now to the statement of the driver, Rick Hernandez, na talagang nandoon siya at iniwan siya doon.
01:21Nice ding masuri ng NBI ang nakitang cellphone sa loob ng kotse ni Cabral.
01:25Pero kailangan ng hiwalay na warrant mula sa korte para masuri ito.
01:30Ayon sa NBI, may mga nakuhang dokumento at personal na gamit ni Cabral nang halughugin nila ang hotel room kung saan siya tumuloy bago siya nasawi.
01:39May ilang perasong dokumento that are subject to verification.
01:44Kaya naman po, ire-return muna natin ang search warrant.
01:47And eventually, after the return of the search warrant, we will be able to learn from the court kung anong dapat gawin doon sa mga six items.
01:54Well, I could not say right now kung kasama yan or related dyan.
02:00Pero ang masasabi ko lang po, mayroong kahit pa paano is relation doon sa ating inibistigahan na kaso.
02:05We did not get any suicide note.
02:07The pieces of evidence that were gathered shows that there is a suicide.
02:12Pero hindi pa, hindi pa natin masasabi.
02:15Let the investigators makumpleto yung kanyang investigation, comparing every pieces of evidence, every statement, and every footages.
02:29Dagdag ng NBI, kung may sapat na basihan, posibleng gumamit ng polygraph test sa driver ni Cabral.
02:35Tinitingnan daw lahat ng anggulo, pati ang haka-haka ng ilan na posibleng pineke ang kanyang pagkamatay.
02:43Bagay na nangyari na raw dati sa ibang kaso, pero kalaunay, nahuli pa rin ang sospek.
02:49Ang ombudsman, inutusan naman ang DPWH na ilabas lahat ng computer at iba pang gadget na inisyo kay Cabral.
02:57Isa sa ilalim ito sa pagsusuri ng isang law enforcement agency para matukoy kung may binago o binura sa mga ito noong may sa publiko ang anomalya sa mga flood control project.
03:10Ayon sa DPWH, susunod sila sa utos ng ombudsman.
03:14Nag-hain na rin ang resolusyon ng ilang kongresista sa Kamara para imbestigahan ang pagkamatay ni Cabral.
03:21This inquiry is also a call to action to immediately secure testimonies, place witnesses under protection, and prevent any further loss of life or truth.
03:33Marami pong butas at hindi nagtutugma ang mga salaysay sa pagkamatay ni Zusek Cabral.
03:39Isa sa nag-hain ng resolusyon si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na hawak ngayon ang listahan ng mga mambabatas na may mga proyektong pinaglaanan ng budget ng DPWH na binansagang Cabral files.
03:56Nakuha ni Leviste ang record mula kay Cabral noong September 4 matapos i-otorisa ni DPWH Secretary Vince Dizon.
04:04Ito ay listahan ng lahat ng mga proyektong sa DPWH budget at para sa bawat isang proyekto may nakalagay na proponent at saka iba pang mga notes.
04:14Halos lahat po ng mga congressman at senators ay nasa listahan nito.
04:17Bagamat handa raw siyang ilabas ang listahan kung papayaga ni Dizon, mas mainam-aniya kung ang DPWH ang maglalabas nito.
04:26Pati raw ang nanay niyang si Sen. Loren Legarda nasa listahan bagamat sinabi raw nitong hindi niya nakausap si Cabral.
04:34Tiyanong kong nanay ko, sabi niya, hindi naman niya kinusap si Jose Cabral tungkol sa project kaya hindi niya alam paano nakapasok ito sa listahan.
04:42Kaya maganda din na isa publiko ng DPWH ito para din malinawan na,
04:48Uy, hindi pala ako yung nagpasok doon, baka ginamit lang ang pangalan.
04:51Hinihingan naman ang tugon dito si Dizon.
04:54Base sa Cabral files, hinihingan umano ng DPWH ang mga kongresista ng mga proyekto na nagkakahalaga ng 150 milyon pesos.
05:04At natuklasan niyang bago pa-aproobahan ang budget ay tila may ayusan na sa bidding.
05:10Meron din mga leadership 1 at leadership 2 na nabanggit po ninyo na I think mga over 20 billion din ang pangalan sa leadership sa listahan ito.
05:20Naka-code name na siya, hindi natin alam sino si leadership.
05:23Pero ang isang project sa leadership list na ito ay sa aking distrito na USEC Cabral po siguro ang makakapagpaliwanag.
05:38Pero yung kontratang ito ay na-award kay Congressman Edwin Gardiola.
05:45Hinihingan pa namin ng komento rito si Gardiola.
05:49Dagdag pa ni Leviste.
05:50Sa 2025 budget, umabot niya sa 721 billion pesos ang DPWH insertion.
05:57401 billion dito ang sa district representatives habang 320 billion ang outside allocable.
06:05Nasa 21 billion daw rito sa outside allocables ang sa mga senador.
06:10Mukhang taon-taon umano ginagawa ni Cabral ang budget insertions mula sa DPWH at sa Kongreso.
06:18Pero hindi lang sila ang may insertion umano.
06:20May din po dito ang mga opisyal sa mga ahensya ng gobyerno bukod sa DPWH na may insertion.
06:27May mga secretary at undersecretary kahit walang kinalaman sa DPWH.
06:31Meron din flood control project.
06:32Sabi ni Leviste, ipinakita na niya ang listahan sa Independent Commission for Infrastructure at sa Ombudsman.
06:40Pero kailangan pa ng ebidensya na mag-uugnay sa proponent sa kontraktor.
06:45Ito ang unang balita.
06:47Chino Gaston para sa GMA Integrated News.
07:02Chino Gaston para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended