00:00Kung noong nakaraang taon, halos kalbaryo sa Pasko ang pila sa Naia, tila iba na ang sitwasyon ngayon.
00:06Sa Terminal 3 nga, baayos at halos tuloy-tuloy ang usad kahit dagsa ang mga pasaherong lilipad.
00:13Ang sitwasyon doon sa live report ni EJ Gomez. EJ?
00:21Atom, dagsa nga ang mga kapuso natin dito sa arrival area ng Naia Terminal 3 para yan
00:27sa pagdating ng kanilang kaanak na muli nila makakasama ngayong Pasko.
00:34Pasado alas 9 ng gabi kanina, walang gaanong pila ng mga sasakyan sa departure entrance
00:40sa labas ng Terminal 3 ng Naia dito sa Pasay City.
00:44Ganyan din sa labas ng arrival area. Mabilis nakakaalis ang mga sasakyan.
00:48Sa departure entrance, masusing chinitshek ang mga dokumento ng mga pasaherong pumapasok.
00:53Hindi ganoon karami ang mga pasahero sa loob.
00:55Sabi nga ng ilang pasahero na kausap natin, less hassle daw sa biyahe nila
01:00ang mga bagong lagay na self-check-in counter.
01:03Wala pa raw sampung minuto ang kailangan sa pag-scan ng kanika nilang mga passport
01:07bago makakuha ng mga boarding pass nila.
01:10Sa immigration counter, hindi rin gaanong humahaba ang pila.
01:14May hiwalay ng immigration lanes para sa mga pasaherong OFW,
01:17naka-business class at iyong mga may diplomatic passports.
01:21Mas mabilis ding pinoproseso ang mga dumaraan sa immigration e-gates.
01:26Madamdami naman ang tagpo dito sa arrival area.
01:29Mainit na sinasalubong ng mga kaanak ang mga mahal nila sa buhay,
01:33na balik bayan o galing probinsya.
01:35Galing po kami sa Tacloban, malis kami doon mga 7 ng gabi.
01:42The flight was nice.
01:45I feel very happy because I get to spend Christmas with my family
01:48and I get to have a fun time with them.
01:50Surprised lang to para sa kapatid ko galing USA kasi 3 years bago umuwi.
01:55At first time niya magkikrismas ulit dito at New Year.
01:59Maraming salamat, EJ Gomez.
Comments