00:00First time, okay.
00:06Articles of impeachment against Vice President Sarah Zimmerman Duterte
00:11with its annexes are now presented to the court for proper disposition and action.
00:17Nag-convene itong maiti ng Senado bilang impeachment court
00:21para litisin si Vice President Sarah Duterte
00:24kaugnay sa mga allegasyon ng culpable violation of the Constitution,
00:28graft and corruption at betrayal of public trust.
00:34Sotang kanilang maroon robes na nung pa ang mga Senador bilang Senator Judges
00:38ilang araw matapos matanggap mula sa House of Representatives
00:42ang Articles of Impeachment.
00:45Pero ano nga ba ang nilalaman ng Articles of Impeachment
00:48laban kay Vice President Sarah Duterte?
00:53Sa unang article, issue ang maling paggamit-umano
00:57ng confidential funds na nagkakahalaga ng 500 million pesos
01:01na ginastos ng Office of the Vice President
01:04at 112.5 million pesos na ginastos ng Department of Education.
01:10Imbes sa sumunod sa guidelines on the entitlement,
01:13release, use, reporting and audit of confidential and or intelligence funds,
01:19inutusan umano ni Duterte ang mga Special Disbursing Officer
01:24na ilipat ang confidential funds sa mga hindi-autorizadong military personnel
01:29at private individuals na walang legal na kapangyariang tumanggap
01:33o gumastos ng naturang pondo.
01:36Inumpirma ng COA na nakatanggap ang OVP
01:39ng kabuang 500 million pesos
01:41at ang DepEd ng 112.5 million pesos na confidential funds
01:46na iniulat na fully spent.
01:48Nag-issue ng Notice of Disallowance
01:51ang Commission on Audit o COA sa OVP
01:53dahil sa mga napunang irregularidad
01:56sa paghawak ng OVP ng confidential expenses
01:59na nagkakahalaga ng 73.287 million pesos
02:03noong 2022 at 375 million pesos noong 2023.
02:08Nag-issue rin ang COA ng Critical Audit Observations
02:12sa 112 million pesos na confidential funds ng DepEd
02:16dahil sa kulang-kulang na dokumento
02:18at irregular na pinagkagastusan.
02:21Nakasaad din sa Article 1
02:23na nagastos umano ang 125 million confidential funds
02:28ng OVP sa loob lamang lang labing isang araw
02:31mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31, 2022.
02:37Tinukoy naman sa Article 2
02:38ang hindi umano may paliwanag na yaman ni Duterte
02:41na hindi raw naaayon sa kanyang lawful income
02:45at sweldo bilang public official.
02:47Noong 2007, habang nagsisipi pa siya
02:50bilang Davao City Vice Mayor
02:52na sa mahigit 7.25 million pesos
02:55ang net worth ni Duterte at ng kanyang asawa.
02:59Pagsapit ng 2024,
03:02umabot ito sa mahigit 88.5 million
03:05o mahigit 80 million na dagdag na yaman.
03:09Pero batay sa records,
03:10tinatayang nasa 30 million pesos lang
03:13ang kanilang legal na kinita
03:15sa loob ng parehong panahon.
03:16Dahil dito,
03:18may tinatayang mahigit 50 million pesos
03:20na halaga ng yaman
03:22na hindi maipaliwanag
03:24o maituturing na unexplained wealth.
03:27Bigo rin daw si Duterte
03:29na ideklara ng tama
03:30ang yaman nilang mag-asawa
03:32sa kanyang statement of assets,
03:34liabilities and net worth
03:35o SAL-N.
03:36Sa kabilaro ng bilyong pisong deposito
03:39sa bank account si Duterte
03:41mula 2007 hanggang 2024,
03:44hindi umano ito idineklara
03:46bilang cash on hand
03:47o cash in bank
03:49sa kanyang mga SAL-N
03:50kabilang ang para sa 2022 hanggang 2024.
03:55Ang pinakamataas na cash
03:57na idineklara ni Duterte
03:58ay nasa 6 million pesos lamang
04:01at wala 2019 hanggang 2024
04:04ay wala siyang idineklara
04:06ang anumang cash.
04:07Pero nilinaw ng kampo ni Duterte
04:09na ang mga naturang asset
04:11ay isinama o lump
04:13sa ilalim ng kategoryang others
04:15sa bahagi ng personal properties
04:17ng SAL-N.
04:18Hindi rin umano nag-divest
04:20o tuluyang humiwalay si Duterte
04:22sa kanilang mga negosyo
04:24habang nasa pwesto.
04:26Lumabas sa records
04:26ng Securities and Exchange Commission
04:28na incorporator umano siya
04:30ng Metro City Chao Foods Corporation
04:33at nagsilbiring director
04:34at minority stockholder nito
04:37mula 2022 hanggang 2025.
04:40Ayon sa record,
04:41may 20% ownership
04:43o 500 shares
04:44sa negosyong ito si Duterte.
04:46Nasa Executive Committee rin siya
04:48at kabilang sa Compensation Committee
04:51ng kumpanya
04:52sa parehong panahon.
04:54I-diniklara ni VP Duterte
04:56bilang business interest
04:57ang Metro City Chao Foods Corporation
05:00sa kanyang 2022, 2023
05:03at 2024 SAL-N.
05:05Nakasaad kasi sa Article 7,
05:07Section 13 ng Saligang Batas
05:09na bawal sa mataas na opisyan
05:11ng gobyerno
05:12kabilang ang vicepresidente
05:14na makilahok sa anumang negosyo
05:16para maiwasan
05:17ang conflict of interest.
05:20Sa Article 3 naman,
05:21issue ang umano'y panunuhol ni Duterte
05:23nang magbigay siya ng pera
05:25sa ilang opisyalang DepEd
05:27para impluensahan silang
05:29huwag sumunod
05:30sa procurement rules.
05:32Mula February hanggang September 2023,
05:35isa umano'y
05:36DepEd Undersecretary Gloria Mercado
05:39sa mga nakatanggap
05:41ng siyam na sobre
05:42na may tig 50,000 pesos cash
05:44na may label na hope
05:46matapos siyang maitalagang
05:48head of procuring entity.
05:50Ayon sa Salaysay,
05:52paulit-ulit itong ibinigay
05:54hino ay DepEd Assistant Secretary
05:56Sunshine Fajarda
05:57at sinabing galing umano'y ito
05:59kay Duterte.
06:00Laman naman ang huling
06:02Article of Impeachment
06:03ang umano'y pangungontrata
06:05ng tao ni Duterte
06:06para patayin
06:07si napangulong Gompong Marcos,
06:09First Lady Liza Araneta Marcos
06:11at dating House Speaker
06:13Ferdinand Martin Romualdez
06:14kung may papatay raw sa kanya.
06:16May kinausap na ako na tao.
06:19Sinabi ko sa kanya,
06:20kapag pinatay ako,
06:22patayin mo si BBM,
06:24si Liza Araneta
06:25at si Martin Romualdez.
06:27No joke.
06:29No joke.
06:31Nagbilin na ako, ma'am.
06:33Pag namatay ako,
06:35sabi ko,
06:35huwag ka tumigila
06:37hanggang hindi mo magpatay sila.
06:40And then he said yes.
06:42Sa pag-convene ng Senado
06:44bilang impeachment court
06:45itong May 18,
06:46inatasan si Duterte
06:48na magsumite ng kanyang sagot
06:49sa Articles of Impeachment
06:51sa loob ng hindi mapapalawig
06:53na 10 calendar days
06:54wala nang matanggap ito.
06:57Inutusan din siyang
06:58humarap sa Senado
06:59upon notice.
07:01Samantala,
07:02binigyan naman ng limang araw
07:04ang prosekusyon
07:05na hindi maaring palawigin
07:07para magsumite
07:08ng kanilang reply
07:09matapos matanggap ang sagot
07:11ng vicepresidente.
07:13Ako si Ian Cruz
07:14para sa GMA News.
07:15na mga news.
07:30GMA News
Comments