00:00Nagsana ang pasahero sa PITX pero hindi pa umano naabot ang peak ng dami ng pasahero.
00:05Samantala patuloy naman ang pagbabantayan ng PNP, DOTR at iba pang mga ahensya sa transportasyon
00:11para mapanatili ang digtas at maayos na biyahe ilang araw bago magpasko.
00:16Si Vell Custodio sa report.
00:19Kahit alas 3 pa ng hapon ang biyahe ng Pamilya Gomez patungong Albay,
00:24alas 5 pa lang na umaga, nasa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX na sila.
00:30Nagbitbit na sila ng baon para makatipid sa gasto sa pagkain habang naghihintay ng bus.
00:35Gusto nila maaga kami para maka-sakyan nga.
00:42Hindi na ako nag-ano eh kasi ganyan talaga yung pag-peak season eh. Maraming tao.
00:50Si Jean naman, pauwing Nueva Vizcaya.
00:52Dahil sa magbabakasyon po kasi yung mama ko, so kailangan ko po siyang iuwi sa probinsya.
00:59So nagbiyahe po ako pa galing ng Vizcaya para iuwi lang si mama.
01:03Kagaya ni Mayla, maaga pa lang nasa PITX na sila.
01:08Kanina pong mga 12 po, pero yung biyahe po namin is sa 6.30 pa po ng hapon.
01:14So inagahan na po namin dahil mahirap po kasi gawa nga po ng traffic at saka madaming tao.
01:20Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasahero sa PITX ilang araw bago magpasko.
01:27Mahaba na rin ang pila sa mga ticketing booths.
01:29Kaya payo sa mga babiyahe, nahabaan na pasensya dahil pagdating niyo sa PITX,
01:35dagsa na ang mga tao lalo na sa second floor ng terminal kung saan nakapila ang mga booths na babiyahe sa malalayong probinsya,
01:42kagaya ng Bicol at mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.
01:46Good news naman para sa ating mga biyahero, dahil sa kabila ng patuloy na lumulobong bilang ng pasahero,
01:53marami pang available trips sa lahat ng mga biyahe ng booths hanggang January 2.
01:57Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahang magpipik ang dami ng mga pasahero sa December 23 at 30,
02:05habang inaasahang aabot sa kabuuan 3 milyong pasahero ang maitatala simula December 19 hanggang January 5, 2026.
02:13Kasunod nito, mahigpit naman na pinapairal na siguridad sa terminal.
02:18Nagtutulungan ng DOTR, LTFRB, LTO, PNP, MMDA at mga transport operators para sa ligtas at maayos sa biyahe ngayong holiday season.
02:30May mga naka-standby na K9 units kung saan bukod sa manumanong iniinspeksyon ng mga security personnel ng PITX ang mga bagahe,
02:38inaamoy din ang K9 units ang mga malalaking gamit na dala ng mga pasahero.
02:42Nakakalat din sa paligid ng terminal ang mga polis para umalalay sa mga biyahero at mapanatili ang siguridad sa paligid ng terminal.
02:51Napakaayos po ma'am, napakaganda po.
02:53Yung kahit crowded siya pero hindi ka, kampante ka po, hindi ka po nag-aalala.
02:58Paalala lamang sa mga biyahero na bawal maglala ng mga matatanim na bagay kagaya ng kutsilyo
03:04at mga bagay na maaaring makapagdulot ng sunog kagaya ng lighter at butane gas para sa ligtas sa biyahe ngayong holiday season.
03:13Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipina.
Comments