Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kagrepo ng pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:05na nawagad po ang NBI sa mga dumaan sa bahagi ng Cannon Road
00:09kung saan po nakita ang kanyang labi na makipagtulungan
00:12kung meron po silang video recording noon.
00:14Ang hepe naman, ang polisya ng Tuba Benguet, si Nibak,
00:17dahil sa pagkukulang umano sa pag-secure na ebidensya.
00:21At mula sa Baguio City, nakatutokla si Bea Pila.
00:26Bea?
00:30Pia, kinumpirma ng DILG na si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:36ang natagpuang walang malay na babae sa bangin sa Tuba Benguet kamakailan.
00:42Ang natagpuang babae na walang malay sa bangin sa Tuba Benguet nitong Webes,
00:47kinumpirma ni DILG Secretary John Vic Remulia
00:50na si dating Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.
00:54Yes, DNA fingerprint results are consistent.
01:00Isinailalim sa autopsy ang mga labi ni Cabral kaninang madaling araw.
01:03Yung autopsy po ay no signs of foul play.
01:07Wala pong ligature marks, wala pong sinakal.
01:10Wala pong gunshot wound.
01:12Wala rin pong knife wounds.
01:14So, ang kanyang cause of death as determined by autopsy is blunt force trauma from the fall.
01:25So, yung kanan bahagi po ng muka niya ay sira.
01:30Yung likod ng ulo niya ay basag rin.
01:33Ang kanyang rib sa kanan rin ay tinusok ang kanyang internal organs.
01:42Tapos ang kanyang parehong kanyang kamay ay badirin.
01:4530 meters yung binag sa kanya. Parang 10-story building.
01:49Ah, 10-story building.
01:50Ah, okay po.
01:51So, consistent siya na blunt force trauma ang cause of death.
01:58Nananatiling person of interest ang driver ni Cabral na si Ricardo Hernandez.
02:03Nang tanungin kung may posibilidad bang sadyang itinulak ang dating opisyal.
02:07Nung alas 8 pa ng umaga, nung una silang dumaan doon,
02:11ay lumabas na siya ng kotse, nagpatigil doon.
02:13At umupo na po kung saan siya tumalon.
02:16Okay.
02:16Umupo na po siya roon.
02:17Mm-mm.
02:18Ah, nakita lang siya ng polis, sida ta siya.
02:20Bumalik siya ng kotse at umakit ng hotel.
02:23Pagkakit pa ng hotel, ay mag-isa naman siya ang tubira doon.
02:27Ah, tapos after one hour, bumaba rin.
02:30Ah, saka siya bumaba na naman sa very same spot.
02:33Mm-mm.
02:33Ah, doon nila nakita yung, at doon na nangyari lahat.
02:37Ang NBI, nananawagan sa mga dumaan sa Cannon Road
02:40sa pagitan ng 9am hanggang 7pm noong December 18,
02:44na ibahagi sa kanila ang anumang video recording.
02:47Pero sabi pa ni Remulya,
02:49kumbinsido silang walang foul play sa pagkamatay ni Cabral.
02:52So far, no signs of foul play.
02:55Yung kanyang kotse ay walang nakitang struggle.
02:59Ah, yung kanyang, ah, yung lugar na yun,
03:03ay wala kaming, walang nakakita ng kahit anumang anomalya doon.
03:07Walang nakakabing nakuha ang suicide note.
03:09So, we have to assume dito sa mental health issue.
03:13Nakikipagugnayan pa rin ang mga otoridad sa pamilya ni Cabral
03:15para makuha ang cellphone nito.
03:17Ang sabi ng husband ay, after the cremation daw.
03:21Kukuha rin ng warant ang mga otoridad para masuri ang hotel room
03:24kung saan nag-check-in umano si Cabral bago ang trahedya.
03:28Dagdag ni Remulya, nakita na ng pulis siya ang CCTV footage galing sa hotel.
03:33Ang mga abogado ng pamilya ni Cabral,
03:35nagbigay ng sulat sa hotel kung saan nagpunta ang dating usec
03:38para pigilan ng anumang aktibidad sa kwarto,
03:41lalo na ang paghalugog dito kapag walang mapakita ang court order
03:45o search warrant ang mga otoridad.
03:47Sa isang pahayag, iginiit ng legal counsel ng mga kaanak ni Cabral
03:51na walang kriminal, civil o administrative na kaso laban sa dating opisyal.
03:56Kaya walaan nilang legal na dahilan
03:57para kunin ng mga otoridad ang cellphone at iba pang gamit nito.
04:01Hindi na rin daw dapat isailalim sa DNA test ang mga labi ni Cabral
04:05dahil kinilala na ito ng mismong pamilya niya.
04:08Insensitive at inappropriate din anila ang mga paratang
04:11na posibleng pineke ni Cabral ang kanyang pagkamatay.
04:15Muli rin nilang iginiit na ilang beses nang itinanggi ni Cabral
04:18ang pagkakasangkot niya sa maanumalyang
04:20multi-billion peso flood control project skandal.
04:24Ang hiling na lang nila ngayon,
04:26maiuwi na ang mga labi ni Cabral
04:28para makapagluksana sila ng maayos.
04:31Tinanggal naman sa pwesto ang jepe ng Tuba Municipal Police
04:34dahil sa mga pagkukulang umano nito
04:36sa pagsecure sa mga ebidensyang
04:38makatutulong daw sana sa imbistigasyon.
04:40Pia, ngayon natapos na ang autopsy.
04:47Inaabangan natin kung mapagbibigyan na ba
04:49ang hiling ng pamilya ni Cabral
04:50na maiuwi ang mga labi nito.
04:52Samantala ngayon, papunta na ang NBI sa hotel
04:56kung saan nag-check-in umano si Cabral
04:58at may bit-bit silang search warrant para sa kwarto nito.
05:02Yan muna ang latest mula rito sa Baguio City.
05:04Balik sa iyo, Pia.
05:04Maraming salamat, Bea Pinla.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended