Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, meron pong bagong Christmas pasyalan sa Maynila at yan po ang Food Bazaar,
00:05kung saan tampok ang sari-saring pagkain Pinoy at iba pang cuisine.
00:09Nagbabalik si Jamie Santos.
00:14May bagong tambayan sa Malate, Maynila.
00:18Food trip is key para mag-unwind mula sa stress ng Metro Manila.
00:22Sagat yun ang happy hour sa Malate.
00:25Samot-saring pagkain ang tampok sa Food Bazaar.
00:28Merong shawfan toppings, burger, pizza, Japanese at Arabic cuisine na pinipilahan
00:34dahil ang mga chef na gumagawa ng shawarma ay mga Palestinian.
00:38At dahil Christmas season, syempre, present ang lechon sa mga pwedeng pagpilian.
00:44We have to attract the investors to come in and the visitors
00:49so that we will revive the old glory of their Mita Malate.
00:54Ang magkaibigang OFW na ito, sinusulit ang bakasyon sa Pinas.
00:59Minsan lang kami makapunta dito so ito yung time namin na magkaroon kami ng bonding.
01:05Ito yung time kasi nakakapag-rest kami and also nakakapag-spend ng time with our family
01:10kasi all throughout the year nag-work kami.
01:12Malapit lang sa remedio circle ang Malate Church, kung saan marami ang nakikiisa sa simbang gabi.
01:18Bit-bit ang pananampalataya at mga kahilingang taintim na ipinagdarasal.
01:23Tinanong namin sila, anong wish nyo para sa Pilipinas ngayong Christmas?
01:28Magkaroon po ng katahimikan tapos yung sa mga magbabago na po, yung wala na po yung mga drugs.
01:35Maging maayos yung mga namamahala sa atin, maging tapat.
01:41Ang wish ko lang is makulong na yung mga korakot na yan and managot ang dapat managot.
01:47Sa gitna ng kasiyahan at pananampalataya, iisa ang mensahe ng kapaskuhan.
01:52Pag-asa, pagkakaisa at panalangin para sa mas maayos na bukas para sa bansa.
01:57Na kahit mahirap ang taon, may darating na liwanag.
02:01Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:06Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:09Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:17Mag-subscribe sa GMA Instagram.
Comments

Recommended