Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkipon-tipon ang mga kaanak at taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Rotelte
00:04isang taon matapos siyang arestuhin sa Pasay City at dalhin sa The Hague, Netherlands.
00:09Nagdaos din ang programa ang mga kaanak ng biktima ng drug war.
00:13Saksi, Sivona Quino.
00:17Isang taon na mula ng maganap ito sa loob ng isang eroplano sa Naiya.
00:22I-war run of arrest.
00:25So, you will just have to kill me.
00:37Si dating Pangulong Rodrigo Rotelte na galing noon sa Hong Kong,
00:43inaresto dahil sa kinakaharap na kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
00:49Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap ang isang dating Pangulo ng Pilipinas sa ICC Pre-Trial Chamber noong March 14, 2025.
00:59Ang Rodrigo Rotelte
01:06Isang taon matapos maaresto si Duterte, nagsama-sama ang mga taga-suporta niya sa isang misa sa Davao City at
01:13ipinagdasal ang ligtas na pagpapauwi sa dating Pangulo.
01:16It is unthinkable that a government, no matter the political differences with the administration,
01:26would send a citizen to a foreign jurisdiction to be detained and tried for crimes against humanity
01:37na walang basihan at walang maayos na witnesses.
01:42Ayon kay Vice President Sara Duterte, hindi sila titigil sa paghiling sa ICC ng pansamantalang paglaya ng kanyang ama.
01:51Every time merong opportunity na mag-apply ng interim release,
01:57si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay gagawin yun.
02:01Inalala rin ni Davao City 1st District Representative Paulo Duterte ang pag-aresto sa ama.
02:07Paraan nila sa kanila, ito ang araw kung kailan kinuha si Duterte sa kanyang mga anak at apo
02:13at kung kailan ipinahiya umano ang dating Pangulo sa buong mundo.
02:19Ang iba pang taga-suporta ng dating Pangulo sa Korte Suprema sa Maynila nagtungo.
02:24Sigaw nila, desisyonan na ang habeas corpus petition ng mga anak ni Duterte
02:29na humihiling na utusan ng gobyerno na pauwiin ang kanilang ama.
02:34Hindi naman namin kiniklala yung ICC.
02:37Kami lahat, lalo na ako.
02:40Pilipinas to, dapat.
02:42Hindi nga dinala doon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
02:47Inalala rin ni Sen. Bonggo ang pag-aresto kay Duterte sa isang privileged speech sa Senado.
02:52Si Go ay isa sa mga inaakusahan sa ICC na co-perpetrator umano ni Duterte.
02:58We must ensure that what happened to former President Duterte should never happen again to anyone.
03:05No Filipino, regardless of position, influence or political affiliation,
03:11should ever feel that the legal processes meant to protect our people can be set aside or disregarded.
03:19Nagdaos din ang MISA at programa ang mga kaanak naman ng mga biktima ng madugong drug war.
03:25Nagpapasalamat sila sa pag-usad ng kaso.
03:28Mahalaga yung paggulita, pag-alaala,
03:31sapagkat ito'y isang patunay sa katutuhanan na naganap.
03:37Haluhalong pakiramdam, pero lahat sila ay may pasasalamat.
03:40Lahat sila ay mayroong pahayag na kagalakan na umuusad ho ang kaso.
03:47Sa parehong programa, itinerd over din ang dalawang urns sa kanika nilang kaanak matapos i-examine ang mga labi.
03:54Nanawagan din ang mga kaanak sa ICC na kumpirmahin na ang charges laban kay Duterte
04:00at arestuhin ang mga umano'y co-perpetrator niya.
04:03Para sa GMA Integrated News, ako si Pona Kinong, inyong saksi.
Comments

Recommended