00:00Ngayon pa palapit ang Pasko, binuksan na po ang gingerbread lanes sa New York, sa Amerika.
00:05Sa Bogota, Colombia naman, umarangkada na ang biyahe ng kanilang Christmas train.
00:10Papasada na, UB Express Overseas.
00:21May special Christmas train ride sa Bogota, Colombia.
00:25Tadtad yan ang sarisaring dekorasyong pailaw.
00:27Dagdag sa saya si Santa Claus at kanyang mga elf dahil makakasabay sila ng mga pasahero sa biyahe.
00:33Bawat gabi, bibiyahe ang tren mula Bogota hanggang Chia.
00:37At pagdating sa destination ng mga biyahero, sasalubungin sila ng fireworks display.
00:51Ramdam na rin ang Christmas spirit sa Mexico City.
00:54Nagliwanag ang Zocalo Square dahil sa sarisaring Christmas lights.
00:59May mosaic style at LED display sa labas ng mga gusali.
01:03Daan-daang pamilya ang nag-abang sa Christmas lighting na yan.
01:06Naging pagkakataon naman ito ng ilang street vendor para magtinda ng Christmas items.
01:10Para naman sa mga may sweet tooth.
01:18Pwede nang bisitahin ng gingerbread lane sa New York, sa Amerika.
01:22Tampok dito ang 755 gingerbread houses at iba pa gaya ng skating rink at ang cute na mga snowman.
01:29Gawa lahat yan ni John Lavich na Guinness World Record holder para sa largest gingerbread village.
01:36Ang mga gingerbread structure puno ng sweet decorations gaya ng candies at cookies.
01:40Ito na ang ikalabing apat na taon ng pagbubuhas ng gingerbread lane doon.
01:44Abangan daw next year ang mga gingerbread skyscraper.
01:47Ito ang unang balita, Bam Alegre para sa GMA Integrated News.
Comments