00:00Official na pong uupo ngayong araw ang mga nahalal sa pwesto nitong eleksyon 2025.
00:05Marami sa kanila, mga dati nang nasa pwesto.
00:08Ang hiling na ilan nating kababayan, tuparin nila ang mga ipinangako sa kampanya at mas pagbutihan ang dating nagawa na.
00:16May unang balita si Rafi Tima.
00:21Official na uupo ang mga nahalal sa 2025 midterm elections.
00:24Simula ng tatlong taong paninilbihan, maliban sa labindalawang senador na uupo ng anin na taon.
00:30Ayon sa UP National College of Public Administration and Governance o NCPAG,
00:34mayuriya ng mga nahalal sa mga LGU, mga dati nang nakaupo sa pwesto.
00:38Kaya naroon pa rin daw ang pananaw na halos parang walang nagbago.
00:41Ang kaibahan lang daw sa katatapos na eleksyon,
00:43nagpakita ng lakas ang mga kabataan at nakita ang risulta nito sa senatorial race.
00:48The 31% youth vote parang spelled the difference.
00:53May pag-asa pala tayo na, kasi surprise yun eh, diba?
00:58At yun nga, despite the parang surveys before the elections,
01:03ang napunta sa magic five ay yung mga hindi natin inaasahan.
01:08Sa datos ng GMI Integrated News Research sa kabuuan,
01:1118,255 na opisyal ang magsisimula ng kanilang mandato mula sa mga senador,
01:17kongresista, governors, vice governors, sangguniang panalawigan, mayors, vice mayors,
01:23at mga sangguniang bayan.
01:24Mas marami ng 155 opisyal ang nahalal ngayong taon kumpara noong 2022
01:30dahil sa isang bagong nadagdag na probinsya at walong bagong munisipalidad.
01:34Tinanong namin na ilang kapuso kung anong inaasahan nila sa mga bagong halal na opisyal.
01:38Kung ano yung nagagawa noong nakaraan, previous nga nakaupo,
01:42kung maganda na yung ginagawa niya, dapat plamangan niya para ang mga tao,
01:47okay yung kabuhayan.
01:49Gawin nila yung best nila, tsaka ano, yung sa platforma nila eh,
01:57yung magagandang mga plano nila eh, gawin nila ngayong ano, tuparin nila ngayon.
02:02Huwag puro pangako, kasi pag sa kampanya, malakas sila, pinapasok nila lahat ng iskinita.
02:09Pero pag nanalo na, hindi nila mabisita ko sino yung nasa laylayan ng lipunan.
02:15May inaasahan ko sana magkaroon ng trabaho yung mga nahira po makaharap ng trabaho.
02:22Lalo na yung mga katulad ko na 21 years old, gano'n.
02:26Tsaka yung ano na rin po, yung pagbaba ng presyo ng bilhin.
02:29Ang laging napapansin ko, ang ginagawa, laging maayos na kalsan eh.
02:34Tapos yung sira, hindi nila napagtutuonan ng pansin.
02:36Ang ginagawa nila, yung sira, yung mga at buo, yun yung binabakbak nila.
02:40Ba't kaya gano'n?
02:41Hindi ko alam eh. Siguro, ano din yung pondo.
02:44Si Aling Adelita, na pansamantalang nakatira sa isang waiting shed,
02:48aminadong bumoto ng ibang kandidato dahil hindi daw tinupad ng kanyang dating ibinoto ang kanyang pangako.
02:53Sabi doon sa staff niya, tulungan mo to Alma, pakitapos wala naman.
02:57Ang ngayon, wala pa rin?
03:00Wala pa rin. Itong bago nga, nakakasigurado kung makakatulong sa amin.
03:06Paalala ng NCPAG, hindi dapat natatapos sa pagboto ang responsibilidad ng mga butante
03:10dahil bahagi ng obligasyon ng taong bayan ang singilin ang kanilang mga leader sa tuwing sila ay may pagkukulang.
03:17Yan ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
03:23Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:26Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments