00:0040 million pesos ang isinauli ng isang dating DPWH NCR engineer na nadawid sa flood control issue.
00:13Ang kontratisa namang si Sara Diskaya na nahaharap na sa iba't ibang kaso,
00:17sinampahan ng panibagong reklamo ng Malabon City Government,
00:20kaugnay sa isang multi-purpose building na itinayo ng walang permiso.
00:25Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
00:30Bantay sarado ang kontratistang si Sara Diskaya nang ilabas siya sa NBI headquarters sa Pasay,
00:37patunggo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
00:41Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig,
00:47kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagpapatayo ng barangay multi-purpose building
00:52sa lupang pag-aari ng city government.
00:54Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
00:59itinuloy umano ni Diskaya ang proyekto nang di kinokonsulta sa Malabon LGU.
01:05Nahaharap si Diskaya sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines
01:10at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
01:13Tumanggi magkomento ang kampo ni Diskaya.
01:16Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Diskaya sa NBI
01:20dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
01:24Noong December 9, kusang nagpunta si Diskaya sa NBI matapos i-enunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
01:30na magkakaroon ng warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap ng mga kaso
01:34kaugnay sa Ghost Flood Control Projects sa Davao Occidental.
01:38Ang DOJ sinagot ang isyo sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya.
01:45The fact that her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest
01:50means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure
01:56that she or any person involved in these cases are held accountable.
02:00Wala pong preferential treatment.
02:02Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko
02:06ni dating DPWH NCR District Engineer Gerard Opulensia.
02:11Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno
02:16bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa Witness Protection Program.
02:21Makatutulong daw si Opulensia para patibayin ang mga kaso
02:25kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
02:27Lumabas po sa mga pag-uusisa ng ating prosecutors na isang elemento or isang bahagi
02:35sa mga may kinalaman at may nalalaman sa mga transaksyon na ito ay si Engineer Opulensia.
02:41Kaya sa pag-uusisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya para mapatibay ang kaso ng ating estado.
02:49Kasama si Opulensia sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
02:56Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
03:01si Opulensia ang naghanda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
03:06Tagakolekta rin umano siya ng kickback.
03:09Pero paglilinaw ng DOJ, ang perang ibinalik ni Opulensia ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
03:16Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
03:23Pero yung pagsasauli ng pera ay base doon sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya nung siya ay nasa NCR pa.
03:33At yun ang pinagbasihan ng pagsasauli.
03:35May provisional admission din si Opulensia sa WPP gaya ni Bernardo at ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
03:44na nauna ng nagsauli ng 110 million peso sa gobyerno.
03:49Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments