Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinaghandaan ng ilang local government units sa Northern Luzon ang epekto ng Tropical Depression sa Lume.
00:06Sa Mindanao naman, may mga binahalin dahil sa masamang panahon.
00:09Balit ang hati di Jomar Apresto.
00:16Sa gitna ng rumaragasang baha sa barangay Paruwayan sa Alamada, Cotabato,
00:21dalawang motorcycle rider ang halos tangay na ng tubig.
00:24Tinawin ng dalawang overflow bridge sa sitio Campo Uno,
00:27pero nahirapan silang makadaan dahil sa lakas ng agos ng tubig.
00:31Maya-maya pa'y natumba ang motor ng isa sa kanila.
00:34Pinilit itong itayo ng lalaking rider pero pahirapan dahil sa pagragasan ng baha.
00:39Gamit ang lubid, tinulungan sila ng ilang residente at sundalo para makaahon.
00:44Umapaw naman ang isang sapa sa Coronel City sa South Cotabato dahil sa matinding pagulan.
00:50Dahil diyan, bumaha sa ilang barangay sa lungsod.
00:53Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay.
00:54Sa bayan ng tantangan, isinarang ilang bahagi ng kalsada dahil sa baha.
00:59Mailang lane na pinapayagang madaanan ng mga motorista pero mabagal ang daloy ng trapiko dahil sa tubig.
01:05Tumulong ang ilang kawali ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Traffic Section sa pagmamano ng trapiko.
01:11Halos ganyan din ang naranasan sa Takurong Sultan Kudarat.
01:16Lampas gater ang baha kaya mabagal lang takbo ng mga sasakyan.
01:21Hindi naman madaanan ng ilang kalsada sa Balabagan, Lanao del Sur dahil din sa baha.
01:25Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nagpaulan sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
01:32Sa Hilagang Luzon naman ay inaasang tutubukin ang bagyong sa lumi patuloy ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.
01:38Sa Pagudpun, Ilocos Norte, naka-alerto na ang lokal na pamahalaan para sa epekto ng bagyo.
01:44Pinayuhan ng mga residenteng huwag munang pumunta sa dagat.
01:47Pinag-iingat din naman nakatira sa mga coastal area sa bayan ng Burgos.
01:51Nakahanda na roon ang mga rescue equipment sakaling kailanganin.
01:54Tiniyak naman ang Department of Social Welfare and Development na may nakahanda silang halos 2 milyong kahon ng family food packs na ipamahagi sa maapektuhan ng bagyong sa lumi.
02:04Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended