00:00Mahigit 200,000 piso ng halaga ng mga alahas ang natangay ng dalawang riding in tandem na nanghold up sa isang kainan sa Sampaloc, Maynila.
00:08May unang balita si Jomer Apresto.
00:14Bumaba sa isang kainan ng apat na lalaki sa tapat ng isang pansitan sa Sampaloc, Maynila pasado alas 7 kagabi.
00:21Ilang saglit lang, nagtakbuhan palayo ang mga tao.
00:25Naglabas kasi ng baril ang apat na lalaki at hinold up ang may ari ng kainan.
00:30Sa kuhang ito, makikita ang 59 years old na biktima na nakikipang buno sa dalawang salarin habang may nakatutok na mga baril sa kanya.
00:39Sa isang angulo, kitang iniabot ng biktima ang kanyang alahas sa riding in tandem na mabilis na umalis.
00:45Sa loob lang ng 23 segundo, natangay nila ang nasa mahigit 240,000 pesos na halaga ng kwintas at bracelet ng biktima.
00:53Tingin ang biktima, siya talaga ang target ng mga salarin.
00:57Wala naman daw ibang nahold up at nasaktan sa nangyaring insidente ayon sa barangay.
01:14Hihilingin daw ng mga establishmento sa barangay na paigtingin ang kanilang pag-ronda.
01:19Ayon naman sa barangay, marami silang tanod sa lugar pero wala silang kapasidad dahil armado ang mga salarin.
01:26Nataon rin daw na halos katatapos lang mag-ronda ng mga pulis nang sumalisi ang dalawang riding in tandem.
01:32Magaganda ng baril, napakikita ko sa CCTV, talaga advance.
01:37Ay kaso lang, wala mga barangay tanod ko, wala ang baril yan.
01:42Patuloy ang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District para mahuli ang mga salarin.
01:48Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:53Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:56Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
02:02Mag-subscribe na sa GMA.
Comments