00:00Pinangunahan ni Pangulong Bombo Marcos ang pagpapasinaya sa ilang bago at dagdag na pasilidad sa NIA Terminal 3.
00:07Kabilang po dyan ang mga dagdag na immigration e-gates na nagpapabilis sa proseso ng pagpasok sa bansa ng mga Pilipino.
00:14Sa ngayon, ang mga may Philippine passport pa lang ang nakakagamit nito.
00:20Pinasinayaan din ang dalawang bago at modernong food hall at ang mga bagong dignitaries lounge.
00:26Matapos ang apat na oras na pagkaantala, natuloy na ang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee o BICAM para sa 2026 national budget.
00:36Napagkasundo ang bukas na lang tatalakayin ang budget ng DPWH na pinagtalunan dahil sa budget na tinapias ng Senado.
00:44Pero nais maibalik ng kagawaran.
00:46Saksi si Rafi Tima.
00:48Alas 4 pa ng hapon, nasa PICC na ang mga senador at kongresista para sa pagpapatuloy ng BICAM meeting para sa 2026 general appropriations bill.
01:01Pero lunipas ang oras, hindi pa rin ito nagsisimula.
01:05Pasado alas 7 ng gabi, lumabas sa Senate Finance Committee Vice Chairperson Kiko Pangilinan at nagpaliwanag.
01:10Itong sinabi ni SecBins, reason na ire-recompute nila yung tagadang cost of materials.
01:22So, we're waiting for that.
01:25Merong mga preliminary numbers, pero yung detalye, hindi pa napipirmi.
01:31They're also cross-checking.
01:32And we will also have to cross-check.
01:34Pero kaya po ba ma-analyze lahat po ng vita kapag kahit nandiyan na?
01:37Yun ang dilema, depending on what we see, depending on ano na yung ibibigay sa atin at ano yung ire-report.
01:44So, we will have to wait for that data.
01:48Matapos ang apat na oras, itinuloy na ulit ang BICAM.
01:52Ipinagpalibad din kahapon ang pagtalakay sa 2026 national budget dahil sa deadlock o hindi mapagkasundo ang fondo ng DPWH.
02:00Hinihingi kasi ng DPWH na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas na mga senador sa kanilang budget
02:05dahil magkukulang daw ang pondo para sa tinatayang 10,000 proyekto.
02:11Maliraw kasi ang competition ng Senado sa halaga ng mga materyales na gagamitin sa mga proyekto.
02:16Pero sabi ng Senado, ang DPWH dapat ang umaming nagkamali dahil sa kanila galing ang mga isinumiting datos.
02:23Kanina, sumulat sa Secretary Deeds Dizon sa Senado para humingi ng paumanhin.
02:27Sabi ni Dizon, kulang ang inisyal na datos na isinumiting nila sa Senado kaugnay ng Updated Construction Materials Price Data.
02:35Inamin niyang hindi sapat ang kanilang ibinigay na inisyal na datos para makompute ng tama ang bawat isa sa halos 10,000 apektadong proyekto.
02:44Magsusumiti raw ang DPWH ng dagdag na datos para mas maging makatotohanan ang basihan ng kakailanganin pondo.
02:51Gate niya, isa lang ang layunin nila.
02:53Kailangan mapababa natin, finally, after so many years, ang presyo ng materyales ng mga proyekto sa DPWH.
03:03At yun ay common purpose ng Pangulo at ng Kongreso.
03:07Sabi ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian,
03:11kanilang binavalidate ang isinumiting bagong datos bago i-apply sa mga proyekto sa budget.
03:16Mahalaga raw sa Senado walang overpriced items.
03:19Kung sinabit nila sa amin, walang hauling at walang logistics.
03:23So ngayon, pinasok na nila hauling, pinasok na nila logistics.
03:28So itong adjustment factor, itong presyo na, masasabi ko, almost or near realistic.
03:36But I need to apply that to the project.
03:39Napagpasyahan ngayon ang BICAM na bukas sa lakay ng budget ng DPWH at tunahin muna ang ibang departamento.
03:45Naniniwala si Gatchalian na may sapat pang panahon para maipasa ang 2026 national budget.
03:51May time pa naman, may time pa naman.
03:53So we just have to, dapat bilisan lang.
03:57Like I said yesterday, may buffer naman.
03:59Kaya pa naman.
04:01Para kay Sen. Pantilo Lakson,
04:03mas mainam na maging re-enacted ang budget ngayong Enero,
04:06kahit pa hanggang sa unang kwarto ng 2026,
04:09kesa sa magpasa ng hindi masuri o may bahid korupsyon na budget.
04:12May pinuna pa si Lakson na nasa 8 bilong-pinsong farm-to-market road projects
04:17na hindi properly identified, walang grid coordinates o description.
04:21Kapag kinapos sa oras, kasi kung hindi kaya ang paliwanag at hindi makorekt ng DA,
04:26yung kanilang pinalitan na at least 5 billion pesos worth of farm-to-market roads,
04:31eh baka gahulin sa oras.
04:34Sa kanilang majority caucus kahapon,
04:36nagkay sa ang mga senador na huwag itong payagan.
04:38Sabang ino-process namin, meron na kaming na-identify na kulang na actually 8 billion.
04:468? So hindi ng 5?
04:48Yeah, 8.
04:48But, so ang magiging posisyon natin dito,
04:54we want, we will move for the reconsideration of the approval of the 33 billion,
05:01ask for a itemized geotag coordinates of the farm-to-market roads under that amount,
05:15specific projects, before we agree to prove it.
05:21Wala namang nakikitang problema.
05:23Si Majority Leader, Sen. Migs Udiri,
05:25sakaling mariinak ang budget kung hindi itong mapapaabot sa takdang oras.
05:28Yeah, there's nothing wrong with that.
05:31A United States, 120 days yato, wala silang budget, 120 days.
05:35At din inayos lahat ng result.
05:37I'm not saying it will take 120 days.
05:40What I'm saying is, ayusin natin yung budget, diba?
05:44Pero ang Malacanang, may alimlangan kung mauwi sa reenacted budget.
05:48Ayaw po ng Pangulo niyan, kahit po ang Department of Finance ay nangangamba
05:52kung magkakaroon ng reenacted budget dahil marami po mali-delay na proyekto kapag nagkataon.
05:56Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong saksi.
06:03Humingi na paumanhin si Pocwang para sa kanyang kuya na nag-viral
06:06matapos sakta ng isang lalaking nagtutulak ng kariton sa antipolo.
06:11Ang aktres planong dalawin mismo ang anak ng lalaking na napaiyak sa gitan ng komosyon.
06:17Saksi si Orbi Caramper.
06:18Ako po yung humihingi ng dispensa doon po sa kanyang nakaalitan
06:25at lalong-lalo na po doon sa anak na babae kasi siya ka na iha.
06:31Kinumpirma ng kapuso-komedia na si Pocwang na kapatid niya ang pickup driver
06:36na nasa viral video ng pananakit sa isang lalaking nagtutulak ng kariton sa antipolo city.
06:42Maraming bumatikos sa pananakit ng driver na nagugat-umano sa pagtama ng kariton sa pickup.
06:50Hinampas at minura ng pickup driver ang lalaki,
06:53nakasama pa noon ang kanyang batang anak na umiiyak sa video.
06:58Ayon kay Pocwang, hindi niya kinukonsinti ang kanyang kuya
07:02dahil alam niyang mali ang ginawa nito.
07:04Para lang malaman ng lahat na maring ko pong kinukondi na yung nangyari.
07:12Hindi po, kahit anong mangyari, hindi ka dapat nabubuhat ng kamay din.
07:16Kahit wala naman daw siyang kinalaman sa pangyayari,
07:19nagpakumbaba na si Pocwang at siya na rin mismo ang humingi ng paumanhin.
07:25Bago ito, sinabi ng antipolo police na nagkaayos at nagkausap na rin
07:29ang kanyang kapatid at nakaalitang lalaki.
07:33Pinagpapaliwanag ng LTO ang pickup driver at suspendido ngayon ang lisensya.
07:37Plano rao ni Pocwang napuntahan at kumustahin ang anak ng lalaki.
07:42Dalawin ko si Baguets, before or after Christmas.
07:47Kaya rin daw siya nagpost ay para makiusap na huwag naman sanang idamay
07:51ang iba pang niyembro ng kanilang pamilya na wala naman daw kinalaman sa nangyari.
07:57May nagpost kasi ng litrato ng kanilang pamilya,
08:00pati na ang address ng kanyang kuya na nagdulot daw ng pangamba at takot sa kanyang mga pamangkin.
08:07Naiintindihan ko po na yung galit ng taon, misan hindi natin makokontrol din.
08:13Pero sana isipin din po natin yung pag nagpo-post tayo, yung risk po niyan.
08:18Yung kaika nga eh, think before you click nga, diba?
08:22So ayun po, may ano yung mga pamangkin ko na takot na.
08:27Para sa GMA Integrated News, ako si Obri Carampel, ang inyong saksi.
08:32Ngayong dumarami ang mga bumabiyahe para sa Kapaskuhan,
08:36pinaiting ang kampanya sa mga kolorom na sasakyan.
08:39At sa tala ng LTFRB, abot sa siyamnapung libo ang mga sasakyan kolorom.
08:44Saksi si Sandra Aguinaldo.
08:46Dahil sa malalang problema raw sa mga sasakyan kolorom o walang prangkisa,
08:53naglunsad ng Special Task Force at Department of Justice para labanan ito.
08:58Ayon kay Justice Acting Secretary Frederick Vida,
09:01nagtalaga ang DOJ ng mga prosecutor para tumutok sa case build-up laban sa mga kolorom
09:07at tumulong sa information campaign laban dito.
09:09Malaking bahagi raw kasi nang kita ng mga lehitimong pampasaherong sasakyan
09:14ang nawawala dahil sa mga kolorom.
09:17Meron nung injustice nun.
09:19Yung lumalagay sa tama, siya pa yung nadedehado.
09:22Magkakaskade po kami ng aming mga bagay na natutunan
09:26at yung iba't iba pong strategiya para po mag-case build-up
09:31at para po lalo nating mausig yung dapat usigin.
09:34Dumating din sa DOJ si na Transportation Secretary Giovanni Lopez
09:39at LTFRB Chairman Vigor Mendoza.
09:42Anila, malaking tulong ito sa kanilang kampanya kontra kolorom.
09:46Teka-tekada na po na wala na hindi natin ginagamit yung sinasabing ngitin ng batas.
09:53Hindi na po kasi effective yung pangmumulta lang.
09:57Kailangan po natin maipakita na itong ginagawa ng ating mga sinasabing mga nagko-kolorom
10:06ay talagang bawal sa mata ng bata.
10:11Up to 30% of their income ang tinatamaan ng kolorom operations.
10:18More or less, mga 30% ng mga sasakyan sa daan ay kolorom.
10:22You're looking at somewhere in the vicinity of 90,000 vehicles.
10:27Hirit na isang miyembro ng transport sector,
10:30dapat papanagutin din ang mga protektor ng kolorom.
10:33Papanatamang po yung mga pato.
10:36Mismo nasa gobyerno,
10:38naglalagay po doon kaya dumadami at kumalakas sa loob ng mga nagko-kolorom.
10:43Pagtitiyak ng DOJ at DOTR,
10:45Bigyan niyo ako ng workable and actionable intel.
10:49Tatrabahohin mo ng NBI, tatrabahohin mo natin dito sa DOJ.
10:53Baka may listahan ka na po ng mga nasapatong.
10:56Ibigyan niyo na po sa akin.
10:58Yayarihin na po natin.
10:59Para sa GMA Integrated News,
11:02Sandra Aguinaldo,
11:03ang inyong saksi.
11:04Isang daan at aning naputdalawang medalya na nakamit ng Pilipinas
11:09sa 2025 SEA Games sa Thailand.
11:12Base po yan sa huling tala sa opisyal na website ng SEA Games
11:15kaninang alas 10 ng gabi.
11:1728 na real ang ginto.
11:19Kabilang ang nakamit ni Pinoy Olimpian E.J. Obiana
11:21sa Men's Pool Vault.
11:24Ang iba pang panalo ng mga atletang Pilipino
11:26sa pagsaksi ni Jonathan Andal.
11:28Sa ikaapat na sunod na pagkataon,
11:35muling nanguna ang Pinoy Olimpian na si E.J. Obiana
11:37sa Men's Pool Vault event sa Southeast Asian Games.
11:41Sa taas na 5.70 meters,
11:43binasag ni Obiana ang SEA Games record
11:45na siya rin ang nagtala sa Cambodia
11:47dalawang taon ng nakararaan.
11:49Pero sabi ni Obiana,
11:50hindi bagong record ang kanyang target
11:52kundi ang makapanalo ng apat na sunod na ginto
11:56sa Pool Vault event sa SEA Games.
11:59Consider where I'm coming from last year
12:02and how early it is,
12:03I'm happy in how I jumbled.
12:05I'm very happy that I'm able to take home the gold.
12:09Bronze medal naman ang nakamit
12:11ng isa pang full-vaulter ng Pilipinas na si Elijah Cole.
12:14Aabante naman sa gold medal match si Alex Ayala.
12:17Matapos taluni ng Thailand sa semifinals
12:20ng women's tennis singles,
12:21tinapos ni Ayala ang match sa malakas na smash.
12:25Game, set, match, Ayala.
12:27Straight, set, win, 6-1, 6-4.
12:32Sa rowing naman, nakuha ng Team Pilipinas
12:34ang ginto ng manguna sa karera
12:36ang tandem niya na Christine Paraon
12:38at ng Olympian na si Giovanni Del Gaco
12:41sa Women's Double Skulls
12:43laban sa apat na bansa.
12:44Hindi po namin na-expectong gold mamin po
12:47kasi po, malalakas din po yung mga kalaban namin.
12:49Nag-worry din po ako sa tindi po kasi
12:51pag-wag-wag-wag din po ako na wala sa low game
12:55dahil sa military training po.
12:57And nung after Paris po, medyo napalingan po ako.
13:00Talawang gintong medalya rin ang dagdag sa Pilipinas
13:02dahil sa bilis ng SEA Games first-timers
13:04na sina Usain Lorania at Naomi Marjorie Cesar,
13:08nakapwa-kampiyon sa 800-meter races
13:10sa men's and women's event ng Athletic.
13:12Super unexpected po
13:14kasi I'm up against
13:17South East Asia's fastest 800-meter runner
13:20and 400-meter runner as well.
13:22So super hindi ko expect na
13:23mananala ako sa event.
13:25It feels amazing.
13:27I'm so honored and
13:28always so proud to represent the country
13:30and to be on 2 and goal is
13:32a good country.
13:34Wagirin ng ginto si Zaira Bonas
13:37sa Women's Low Kick 48kg category
13:40ng kickboxing contra Thailand.
13:42Ito ang unang ginto ng bansa
13:44sa kickboxing sa SEA Games.
13:46Kahapon, emosyonal ang mga player
13:48ng Alas Pilipinas Women
13:49matapos matalo sa bronze medal match
13:52kontra Indonesia.
13:53Dalawampung taon nang hindi na nanalo
13:55ng medalya ang Pilipinas
13:56sa Women's Volleyball ng SEA Games.
13:59Masakit talaga eh kasi
14:00kaya talaga sana.
14:02Kaya nangyari po kasi
14:03meron dapat tayong ginawa
14:05before pala.
14:06Hindi rin pinalad kanina
14:07ang Alas Men sa group stage
14:09kontra sa defending champion
14:10na Indonesia
14:11pero pasok pa rin sila
14:13sa semifinals.
14:14Pasok naman sa finals
14:15ang SEA Bullmen
14:16para sa larong Mobile Legends
14:18matapos talunin
14:19ang Indonesia 3-1
14:20mula rito sa Bangkok, Thailand.
14:23Ako si Jonathan Andal
14:24ng GMA Integrated News
14:25at ng Philippine Olympic Committee Media
14:27ang inyong saksi.
14:28Mga kapuso,
14:31maging una sa saksi.
14:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News
14:34sa YouTube
14:34para sa ibat-ibang balita.
Comments