- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa pagbisita ni Pangulong Bombong Marcos sa Cebu,
00:03ipinagutos niya ang agarang paghati ng tulong sa mga nasalantan ng Bagyong Tino,
00:07ganyan din ang pag-relocate sa mga naninirahan sa no-build zone na lugar.
00:12Saksi, si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
00:18Alas 12.30 ng tanghali dumating si Presidente Bongbong Marcos sa Barangay Kotkot sa Bayan ng Liluan kasama ang ilang opisyal.
00:25May mga taong umaga pa lang ay naghihintay sa kanyang pagdating.
00:30Bitbit ang karton na may nakasulat na kanilang hinaing at panawagan ng tulong.
00:37Ayon sa kanila, wapas sila umanong natanggap na tulong mula sa pamahalaan.
00:43Nangako naman ang Pangulo na tutulungan ang mga taong napiktuhan ng dilubyo.
00:48Kasama niya ang mga Kabinet Sekretary at mga lokal na opisyal sa Liluan.
00:54Pinuntahan ni PBBM ang evacuation center.
00:58Sinimula naman ang DSWD ang pamimigay ng ayuda sa mga nabiktima ng bagyong Tino.
01:04Sunod na binisita ni PBBM ang mga nabiktima ng bagyo sa Talisay City na pansamantalang nanununoyan sa Talisay City Sports Academy.
01:13Pinuntahan din ng Pangulo ang lugar malapit sa Manangar River na isa sa mga grabing nasalantaan ng umapaw ang tubig sa ilog.
01:24Mula sa Talisay, dumiritso ang presidente sa Cebu Provincial Capital at dito nakipagpulong sa representante mula sa iba't ibang ahinsya ng gobyerno
01:33para maki-update sa mga nangyari mula ng manalasa ang bagyo.
01:38Ipinagutos niya ang agarang pagbibigay ng ayuda sa mga nabiktima ng bagyo.
01:43Ipinapasiguro rin ng Pangulo na nasa maayos na kundisyon ang mga evacuees.
01:50Gate ng Pangulo dapat marelocate ang mga biktima na nanirahan sa no-build zone.
01:56Ipinapatayo naman ng Department of Human Settlements and Urban Development or DSWD ang temporary shelter sa mga biktima.
02:06Nagbabala na ang presidente sa banta ng dala ng bagyong uwan na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
02:12Sa no-build zone, kaya't kailangan silang i-relocate.
02:16So, isa pa yun ginagawa namin na pag-usapan namin ng mga local government units dito sa Cebu to include the provinces, the municipalities and the cities
02:27ay pinag-usapan namin kung paano saan natin ilalagay dahil umaasa kami sa LGU para makahanap ng lupa.
02:35Para sa GMA Integrated News, ako si Alan Domingo ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
02:42Ititigil na muna ang mga biyahe ng barko sa Catanduanes bukas, lalo'n inaasahang uulanin na ang lalawigan at ang iba pang bahagi ng Bicol.
02:52At mula sa Santa Elena Camarines Norte, saksila si Darlene Kahn.
02:56Pia nagsimula ng, kumula ng mahina dito sa bayan ng Santa Elena sa Camarines Norte.
03:09Pero nakahanda naman na raw ang local provincial government para sa pagtama ng Bagyong Uwan.
03:14Pati yung katabing probinsya ng Quezon ay nakared alert na rin.
03:17Kahapon pa lang, nagkaroon na ng strategy meeting sa MDR-MC Operation Center ang mga kawaninang López Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
03:31kasama ang iba pang rescue and response teams.
03:34Tinalakay daw nilang mga hakbang at estrategia para makapagbigay ng maagap na impormasyon at magtugon sa mga residente, lalo na sa mga bahaing lugar.
03:42Sa bayan naman ng Plaridel, inihahanda na ng Plaridel PNP ang mga gamit pang rescue at pagtugon sa mga maaapektuhan ng bagyo.
03:51Ayon kay Jonathan Divera, Administrative and Training Officer ng Plaridel Quezon MDR-MO,
03:57tatlo sa siyam na barangay ang pinakabinabantayan nila sa banta ng baha, daluyong o storm search at pagguho ng lupa.
04:04Sa linggo ng umaga, uumpisahan na raw nila ang paglikas ng nasa isandaang pamilya.
04:09Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng Plaridel na sapat ang kanilang pondo at rescue and response equipment para tugunan ang paparating na bagyong uwan.
04:19Lahat naman gagawin, lahat ng pamahalaan lokal, just to be safe lahat para sa kaligtasan ng community.
04:27Hindi kasi hindi naman natin may iwasan yung impact niyan, pero at least malesan po.
04:31Lalo-lalo na yung may iwasan yung pagkaroon ng mga casualties, yung pagkamatay ng mga tao.
04:38Bukod sa Lopez, nasa ilalim na rin ang signal number one ng mga bayan ng taggawayan,
04:43ginayangan Kalawag, Buena Vista, Katanawan, Mulanay, San Narciso, San Andres at San Francisco.
04:50Simula bukas, tigil na ang biyahe sa mga barko sa Virac, Catanduanes.
04:54Paghandayan para sa bagyong uwan na pinangangambahang maging superbagyo at posibleng magdulot ng mapaminsalang baha, landslide, storm surge o daluyong.
05:06We cannot emphasize enough. Now is the time to prepare.
05:11Makailang beses na binibigyang din ang pag-asa, lubhang mapanganib at napakalaki itong magiging bagyong uwan.
05:18Super Typhoon category ang posibleng abuti nito. Itinuturing na Super Typhoon ang isang bagyo kapag ang lakas ng hangin nito ay sumampa na sa 185 kilometers per hour o higit pa.
05:30Ang ganyang hangin ay mas mabilis pa sa maximum speed limit ng mga kotse sa mga expressway.
05:38Kaya nitong sumira ng mga bahay at iba pang istruktura, lalo na yung mga gawa sa light materials.
05:44Kaya rin magpadapa ng mga palayan at magpatumba ng mga puno at poste.
05:49Ayon sa pag-asa, maygit 700 kilometers ang radius ng bagyo at nasa 1,500 kilometers ang diametro.
05:56Ibig sabihin, kaya nitong sakupin mula Batanes hanggang hilagang bahagi ng Zamboanga.
06:01At kung susukatin nga natin yung around 700 to 750 kilometers po na radius,
06:06actually posibleng umabot pa dito sa may parting Metro Manila at yung mga nearby areas pa sa may Central Zone, Calabar Zone, Mimaropa at datit ng bahagi ng Visayas.
06:15Base sa latest forecast ng pag-asa, naasahan pa rin na papasok ang bagyong uwan sa Philippine Area of Responsibility mamayang hating gabi o bukas ng umaga.
06:25Linggo ng madaling araw, posibleng umabot na sa Super Typhoon category sa layong 305 kilometers silangan ng Viracatan Juanes.
06:33Linggo ng hapon naman, halos malapit na ito sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon o 575 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
06:42Sa pagitan ng linggo ng gabi at lunes ng madaling araw, maaaring tumama ito sa kalupaan sa Isabela o Aurora.
06:49Pero paalala ng pag-asa, hindi lang dapat ang dalawang lalawigan ito ang maghanda para sa posibleng landfall.
06:55Kung titignan natin yung center track, ito pong Aurora-Isabela, Isabela-Aurora area.
07:04Pero yung sakop ng area of probability posibleng is either mas maging maagang landfall somewhere over the Bicol region
07:12or dito sa may bandang Quezon area or up to the Isabela-Tugigaraw area.
07:19Maaga rin nagtaas ng wind signal ang pag-asa.
07:22Signal number one ngayon sa timog silangang bahagi ng Quezon, silangang bahagi ng Romblon,
07:27pati sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
07:33Gayun din sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar Piliran, Leyte, Southern Leyte,
07:39Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands,
07:44pati sa Hilagang silangang bahagi ng Buhot, Hilagang bahagi ng Negros Oksidental,
07:49Hilagang silangang bahagi ng Capiz at Hilagang silangang bahagi ng Iloilo.
07:54Signal number one din sa Dinagat Islands at Surigao del Norte.
07:58Bukas ng hapon hanggang linggo ng hapon, may 200mm ang inaasahang ulan sa Camarines Sur,
08:04Catanduanes at Albay.
08:05Uulan din din ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon,
08:11Mimaropa, Bicol Region at Eastern Visayas.
08:15Pagdating ng linggo ng hapon hanggang lunis ng hapon,
08:18mas malakas ang buhos ng ulan sa Aurora, Nueva Ecija, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya,
08:26Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
08:34Dahil sa inaasahang epekto ng bagyong uwan,
08:37nag-abiso ang Land Transportation Office sa Bicol na kung maari ay hindi muna ituloy ang mga non-essential na biyahe.
08:43Kabila ang mga papunta at pabalik ng Masbate at iyong mga nagdurugtong sa Visayas at Mindanao
08:49sa pamamagitan ng mga port sa Matnog, Pilar at Piyoduran.
08:53Pati na ang mga biyahe papunta at pabalik ng Catanduanes via Tabaco Port.
09:02Iyan nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment yung probinsya ng Camarines Norte
09:07bilang paghahanda para sa bagyo.
09:09At sa probinsya naman ng Quezon ay kansilado ang klase sa lahat ng antas.
09:12Pati na yung pasok sa government offices maliban na lang para sa essential workers.
09:17Bukas po yan.
09:19Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte.
09:21Ako po si Darlene Cai ng GMA Integrated News, ang inyong saksi.
09:25Sa ibang balita, naghahina ng kontra sa Laisay,
09:28ang gurong inakusahang ng halay umano sa walong taong gulang na estudyante sa Tarlac.
09:33Nagharap kanina ang guro at pamilya ng biktima.
09:36Saksi, si Jonathan Andal, exclusive.
09:42Anghel yung anak po.
09:44Anghel.
09:45Anghel.
09:45Anghel.
09:45Anghel.
09:46Anghel.
09:46Anghel.
09:46Anghel.
09:47Anghel.
09:47Anghel.
09:48Anghel.
09:48Anghel.
09:48Anghel.
09:48Anghel.
09:49Anghel.
09:49Anghel.
09:50Galit na kinumpronta ng mga magulang ng walong taong gulang na grade 3 student
09:54ang 23-anyos ng gurong gumahasa o mano sa bata nang magharap sila sa bisikalia.
09:59Hindi po siya makatingin ng diretsyo.
10:02Hustisya yung gusto ko para sa anghel kong anak na inabuso ng isang teacher.
10:07Hindi nagbigay ng pahayag ang guro.
10:09Pero ayon sa kanyang abugado, nagpasa na sila ng counter-fidelity o kontra sa Laisay sa bisikalia.
10:14Nangyari ang umunoy pangahalay sa biktima sa kwartong ito na kadikit ng classroom sa Panikitarlac noong October 29.
10:21Tinatawag umano ito ng guro na confession room.
10:24Pero dark room ang tawag dito ng bata dahil madilim.
10:27Naglabas ng pahayag ang paaralan na hindi namin papangalanan para sa proteksyon ng lahat ng estudyante.
10:33Itinanggi nilang may dark o confession room sa kanilang eskwelahan.
10:36Hanggang kahapon, wala pa umanong natatanggap ang paaralan na formal na report o komunikasyon mula sa mga magulang ng bata
10:42sa kabila ng mga hakbang nila para makausap sila.
10:45Itinanggi yan ang ina ng bata.
10:47Hindi umano sinagot ng acting principal ang tawag niya sa messenger.
10:50Hanggang matawagan na niya ang cellphone number nito.
10:53Nang tanungin kung kailan sila a-action, sinabi umano nitong sa November 3.
10:57At nang iginiit ng ina na gusto niyang makausap ang presidente ng paaralan, sinabing i-update na lang siya.
11:03Naghintay pa umano ang ina ng dalawat kalahating araw para makakuha ng appointment sa presidente ng paaralan.
11:09Sabi ng paaralan, may ginawa na silang hakbang dalawang araw pa lang matapos ang insidente
11:13para palakasin ang seguridad at kariktasan ng mga estudyante.
11:16Dati na na lang sinabi na maglalagay na sila ng mga CCTV
11:19at ipinatutupad na ang no-touch policy o pagbabawal sa mga gurong humawak sa mga estudyante.
11:24Nagbanta ang paaralan.
11:26Nagagawa sila ng mga hakbang laban sa mga gagamit ng tinawag nilang isolated incident
11:31para sa kanilang umanong pakinabang o pagkiling.
11:33Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal ang inyong saksi.
11:38Sinabi ngayon ng Department of Justice, nakakasuhan ng ilang dati at kasalukuya mga mababatas
11:43matapos silang pangalanan ng mga whistleblower kagunay sa mga maanumaliang proyekto kontrabaha.
11:49Saksi, si Salima Refran.
11:51Pagpasok ng konvoy ni Ombudsman ay sumuskasin ni Mulya sa kanilang tanggapan sa Quezon City.
12:03Sumungkot ang mga reliyistang nananawagang may managot sa katiulian sa flood control.
12:13Nakagirian nila ang mga polis Quezon City na nakaharang sagit.
12:17Ilang reliyista ang sinubukan pang umakyat sa bakot.
12:22Nagkahatakan at tulakan.
12:28Gita mga reliyista, huwag mamili ng pananagutin at wala dapat pagtakpan.
12:34Inikisan nila ang mga larawan ni na Pangulong Bongbong Marcos, Vice President Sara Duterte,
12:40Ombudsman ni Mulya at logo ng isang kontraktor na nasa likod umano ng flood control project sa Cebu.
12:46Dapat ay isama si Marcos Jr. na i-imbestigahan dahil naniniwala kami na si Marcos Jr. ang pangunahing kurap dito.
12:56Siya ang pumirma ng napakalaking pondo para sa flood control project.
13:01Biling din ang grupo, investigahan ng ombudsman na mahigit apat na rang flood control project sa Cebu
13:07na nagkakahalaga ng halos 27 bilyong piso.
13:11Kailangan may managot dito sa Cebu flooding disaster.
13:15Sino ang mga opisyal na nag-approve ng permit para sa real estate, quarrying, reclamation, mining na responsable dito sa baha?
13:23Sino ang responsable sa mga substandard na flood control project sa Cebu?
13:27Ayon sa Office of the Ombudsman, nakikiramay sila sa mga nasalanta ng bagyong Tino.
13:33Inatasan nito ang isang special task force para imbestigahan ang mga proyektong dapat pumigil sa pinsala ng bagyo.
13:39Sinusubukan pa namin hingin ang pahayag ng Pangulo.
13:43Maging ang mga lumahok sa Black Friday protest sa Menjola at White Friday protest sa Edsa Shrine,
13:49kinundi na ang anilang nakamamatay na epekto ng katiwalian sa mga proyekto kontrabaha.
13:56Ayon sa DOJ, ikinanta na ng ilang iniuugnay sa anomalya ang kanilang nalalaman.
14:01Kabilang sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
14:05mga dating DPWH Engineer na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez, J.P. Mendoza at R.J. Domacic,
14:12at ang kontradistang si Sally Santos.
14:16Itinuro rin daw nila ang kanilang mga nakatransaksyon, kabilang ang ilang senador at kongresista.
14:22We already have a handful of senators, a handful of congressmen.
14:29We have evidence, for instance, linking a kickback mechanism but passes through an intermediary.
14:37I'm very happy to say that they are telling everything.
14:41So at this point in time, we believe that there is now sufficient evidence to implicate even politicians.
14:50Aabot sa isang bilyong piso ang halagang ibabalik nila sa gobyerno.
14:55Cash, real properties, land, houses, as you said, jewelry, motor vehicles.
15:06That is part of the negotiation.
15:10And they are also saying that everything that was already frozen in their accounts.
15:17Inayahanda na rin ang kasunduan para mapabilang sila sa Witness Protection Program.
15:24Pero kailangan masunod ang reglamento sa ilalim na batas.
15:27Their testimony should be absolutely necessary for the prosecution of the case.
15:32And they are not the most guilty in the scheme of the crime.
15:37We are not giving any blanket immunity to any of the whistleblowers.
15:41And they have agreed to that and they understand the situation.
15:47But we will give specific immunity for each particular case where their testimony will be used.
15:54Sa ngayon, hindi raw kasama ang mga kontratistang Sara at Curly Diskaya sa mga kumanta.
16:00They have stopped coordinating with us.
16:03But the office is always there, open, if anybody, any possible whistleblower would come forward.
16:10Ayon sa DOJ, unang masasampahan ng kaso sa Korte, ang mga sangkot sa ghost projects sa Bulacan.
16:17Sa lunes ang simula ng preliminary investigation.
16:20So on Monday, November 10, they will be confronted with all the evidence gathered by the task force
16:26and they will have their opportunity to explain their side.
16:30Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Refra, ng inyong saksi.
16:36Bagsak sa brake safety standards, ang halos kalahati ng mga ininspeksyong pampublikong sasakyan
16:42mula po Enero hanggang Setiembre.
16:44Ayon po yan sa isang grupo, kaya panawagan nila,
16:47i-require na ang automated na inspeksyon sa preno ng mga PUV.
16:51Saksi, si Oscar Oida.
16:56Matagal ng commuter pero kinakabahan pa rin ang 78 anyos na si Aling Lori kapag sumasakay sa jeepney.
17:05Siyempre, lalo na sa mga kagaya namin ma-edad, di ba?
17:10Nakakatakot naman, tsaka mahihirap ma-hospital ngayon.
17:13Kapag yung kas-kasero yung driver, bumaba ka.
17:16Tila may paghuhugutan naman dahil sa dami ng mga mapangalib na insidente yung kinasangkutan ng mga sasakyan.
17:24Halos 20,000 na yan sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon,
17:31ayon sa datos ng PNPHPG.
17:35Pangunahing dahilan o ano ay kung di pagkakamali ng driver, e mechanical error.
17:41Kaya ngayong World Day of Remembrance for Road Traffic Victims,
17:45may panawagan ang Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines,
17:50o VCOAP at mga Road Safety Advocates.
17:54Tuwing may naka-aksidenteng truck, bus o jeep, ano po ang laging dahilan?
17:59Nawalan ng preno.
18:00Bakit hindi natin gawing mandatory ang brake testing?
18:04Lumalabas umano sa ginawang pagsuri ng VCOAP na halos kalahati
18:08o 47.3% ng mga PUV na na-inspeksyon mula Enero hanggang September 2025
18:15ay bagsak sa brake safety standards.
18:19Kaya panahunaan nilang i-require ang automated brake inspection
18:23sa mga pampublikong sasakyan.
18:26Pusibli naman ayon sa Transportation Department.
18:29Yun nga lang.
18:30Medyo mahaba po po yung spend na time para po maglabas ng policy na gano'n.
18:37Kasi po, batas ang pinag-uusapan natin eh.
18:39Dadaan pa po yan through legislation.
18:42Pago po maglabas ng memorandum circular, ang DOTR.
18:48Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang, inyong Saksi!
18:53Mga kapuso, maging una sa Saksi.
18:57Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment