Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:15Marahas na krimen ang nahulikam sa isang live streaming sa Kamigin.
00:19Naharap po sa reklamang frustrated murder ang isang lalaki na naksak ng may-ari ng isang salon.
00:25Saksi si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
00:30Abala sa paggugupit at pag-aayos ng buhok ng mga kliyente ang mga hairstylist sa loob ng salon na ito sa Mambahaw, Kamigin Island, linggo ng gabi.
00:43Nagkakasiyahan pa nga sila habang nakalive sa Facebook.
00:47Maya-maya, may pumasok na lalaking nakaputi at pinuntahan ang isa sa mga hairstylist.
00:54Doon na pinagsasaksak ng lalaking ang hairstylist na may-ari ng salon.
01:00Takbuhan palabas ang ilan.
01:02Habang isa pang hairstylist, pinigilan ang sospek hanggang magpambuno silang dalawa at makalabas ng salon.
01:10Ang biktima, duguan na at pilit inaampat ang pagdurugo ng kanyang leeg.
01:15Agad na inireport ng mga residente ang krimen sa Mambahaw Police at inaresto ang sospek.
01:21Lumalabas sa investigasyon ng polisya na matagal nang may alitan ang biktima at ang babaeng ka-live-in ng sospek.
01:28Doon na yung mga online verbal dispute ang young live-in partner sa maong biktima.
01:37So gaaway sila through online, posting online.
01:40Nga maoy, taod-taod na po nga, maoy ka nang siguro.
01:47Nakainon ka niya sa maong sospechado, ang maong katong kontra sa maong biktima.
01:52Nasa mabuting kalagayan na ang biktima na hindi na nagpaunlak ng panayam.
01:57Wala pang pahayag ang sospek, pero umamin daw ito sa polisya na nakainom siya nang mangyari ang krimen.
02:04Mahaharap ang sospek sa reklamong frustrated murder.
02:08Para sa GMA Integrated News, ako si Cyril Chavez ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
02:18Hawak na na po siya ang bagong CCTV footage ng nawawalang babae.
02:22Na ikakasasana nitong linggo.
02:24Sa kuha ng CCTV noong Sabado na umaga, makikita ang isang babae na sumakay ng bus sa Commonwealth Avenue.
02:34Ayon sa QCPD, posibeng ito ang nawawalang bride-to-be na si Shera Dewan.
02:40Hawak na rin na polisya ang kanyang cellphone.
02:42At ipinatawag naman ang special investigating team, ang fiancé ni Shera na si Mark R.J. Reyes.
02:48Pati na ang kapatid at best friend ng nawawalang bride-to-be at iba pang personalidad.
02:54Itinuturing ng missing person si Shera, pero sa ngayon, ayon sa polisya, ay wala pa sila nakikita ang foul play sa kanyang pagkawala.
03:02Bago sa saksi, nahanap na po ang isang taong gulang na batang tinangay umano ng street dweller sa Quezon City.
03:11Ayon po yan sa ama ng bata.
03:12At bago po ito, inaresto ang suspect na dumipensang naawa umano siya sa bata.
03:17Kaya niya kinuha.
03:19Saksi, si Oscar Oida.
03:20Kung saan-saan na hinanap ng street dweller na si Melvin, ang anak niyang si Kiana Jane na isang taon na pitong buwang gulang lang.
03:44Nakuha nan pa ng CCTV ang suspect habang karga ang bata nang lumaba sa convenience store noong December 10.
03:52Kwento ni Melvin, nakilala nila ang suspect sa kanilang racket sa lugar bilang tagabukas ng pinto para sa mga customer.
04:00Mag-ahanda na kami ng dapat kakainin namin.
04:06Nag-offer po itong suspect, sir, na siya na po daw sasagot sa ulam namin.
04:10Siyempre bilang, ano, minus gasto, sir, pumayag kami, sir.
04:14O, siguro po mga 10 minutes, sir, hindi pa siya bumabalik, kinabahan na kami, sir.
04:20Yung misis ko, agad na naghanap.
04:23Agad silang dumulog sa barangay at puli siya para i-report ang insidente.
04:27Dumalabas sa investigation namin na yung minor, parang naipagkatiwalas niya sa mga suspect.
04:37Ang paalam kasi ng suspect nila na bibili lang ng pagkain.
04:42So, pumayag naman po yung mga parents nila.
04:46Tapos, after a while, napansin nila, hindi na bumalik yung bata.
04:49Kalaunan, natagpuan din naman ang suspect.
04:53Pero di na nito kasama ang bata.
04:55Naaresto po namin yung suspect.
04:57Umamin naman po siya na ginamit niya nga pong sa panlilimos yung bata.
05:02At kung saan-saan nga po sila nakarating.
05:07Tapos, pinahiram niya raw po yung, iniwan niya raw po yung bata doon sa kaibigan niya sa may munyos.
05:13Isinama na mga puli sa munyos ang suspect para maituro ang sinasaming pinag-iwan ng kaibigan.
05:19Pero bigo silang matuntun ang bata.
05:22Hindi niya raw alam ang pangalan pero kaibigan niya daw.
05:25Nang tanungin namin ang suspect kung bakit tinangay ang bata.
05:28Naawa ko sa kanya na eh. Naawa ko. Lago yung mapapalo.
05:34Sorry, tuloy-tuloy maling kwento mo. Ano alip?
05:37Lago sa yung mapapalo na nanay.
05:41Hindi kong sakayin liyong ko.
05:43Naharap ang suspect sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse,
05:49Exploitation in Relation to Article 270 ng Revised Penal Code o Kidnapping and Failure to Return a Minor.
05:56Tuloy-tuloy pa rin po ang paghahanap natin sa naawalang bata.
06:01Nag-coordinate na po tayo sa mga ni-rest police stations.
06:05Ganon din po sa mga barangays.
06:06Patuloy namang nagdarasal at umaasa si Melvin na makakapiling pa rin muli ang pinakamahal na anak.
06:13Baka po makita niyo yung anak po.
06:16Pagbigay, alam niyo naman po kagad sa amin.
06:18Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy ang kanilang programa para mayalis sa mga kalsada
06:24ang naitalang 15,000 nakatira sa mga ganito sa Metro Manila.
06:29Nag-sasabawa tayo ng pitch-out activities sa mga families and individuals in strict situation
06:34at dinadalaan natin sa processing center.
06:37Meron tayong livelihood intervention.
06:41May tinutulungan natin sila para makapag-umpita o makapagpatuloy ng kanilang kabuhayan
06:47doon sa kanilang mga probinsya.
06:50Sampung libo na ang naipasok nila sa programa at patuloy na hinihikayat ang iba pa.
06:55Meron talaga mga individuals na ayaw pa, ayaw sumama.
07:00Kumbaga diba parang they find comfort na eh, living industry, dapat walang naninirahan sa mga lansangan.
07:07So babalik at babalik at yan ng aming pong departamento.
07:11Para sa GM Integrated News, Oscar Oydang inyong saksi!
07:17Itinanggipo ng NBI na may special treatment silang ibinibigay kay Sarah Diskaya.
07:22Kanina ahumarap si Diskaya sa Malabon City Prosecutor dahil sa reklamong inihain ng lokal na pamahalaan.
07:29Saksi, si Sandra Aguinaldo.
07:35Bantay sarado ang kontratistang si Sarah Diskaya nang ilabas siya sa NBI headquarters sa Pasay
07:41patunggo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
07:45Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig.
07:52Kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagpapatayo ng barangay multipurpose building
07:57sa lupang pag-aari ng city government.
08:00Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
08:04itinuloy umuno ni Diskaya ang proyekto ng di kinokonsulta sa Malabon LGU.
08:09Na aharap si Diskaya sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines
08:15at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
08:18Alauna ng hapo na pagdinig na tumagal lang ng limang minuto,
08:23agad din siyang umalis kasama ang mga taga-NBI.
08:26Tumanggi magkomento ang kampo ni Diskaya.
08:29Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Diskaya sa NBI
08:33dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
08:36Noong December 9, kusang nagpunta si Diskaya sa NBI matapos i-anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
08:42na magkakaroon ng warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap ng mga kaso
08:47kaugnay sa ghost flood control projects sa Davao Occidental.
08:51Ang DOJ sinagot ang isyo sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya.
08:58The fact na her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest
09:03means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure that
09:09she or any person involved in these cases are held accountable.
09:12Wala pong preferential treatment.
09:14Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko ni dating DPWH NCR,
09:21District Engineer Gerard Opulensya.
09:24Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno
09:29bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa Witness Protection Program.
09:33Makatutulong daw si Opulensya para patibayin ang mga kaso
09:37kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
09:40Lumabas po sa mga pag-uusisa ng ating prosecutors na isang elemento
09:46o isang bahagi sa mga may kinalaman at may nalalaman sa mga transaksyon na ito
09:52ay si Engineer Opulensya.
09:54Kaya sa pag-uusisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya
09:58para mapatibay ang kaso ng ating estado.
10:02Kasama si Opulensya sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
10:08Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
10:13si Opulensya ang naganda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
10:19Taga-kolekta rin umano siya ng kickback.
10:21Pero paglilinaw ng DOJ,
10:23ang perang ibinalik ni Opulensya ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
10:28Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
10:36Pero yung pagsasauli ng pera ay base doon sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya
10:43nung siya ay nasa NCR pa.
10:45At yun ang pinagpasihan ng pagsasauli.
10:48May provisional admission din si Opulensya sa WPP gaya ni Bernardo
10:53at ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
10:57na nauna nang nagsauli ng 110 million peso sa gobyerno.
11:01Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
Be the first to comment