Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01I'm a health advocate for Cortez Suprema.
00:04I'm a medical assistant to indigent and financially incapacitated patients.
00:09I'm a critical, it's a pork barrel.
00:12It's a guarantee letter from the political party.
00:16I'm a president of President Tito Soto.
00:18I'm a guarantee letter.
00:22Saksi, Ma'am Gonzales.
00:23Nito nagdaang weekend, naging mainit ang talakayan sa Bicameral Conference Committee para sa panukalang 2026 national budget
00:35ukol sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.
00:41Mula kasi sa P24.4 billion sa National Expenditure Program ng Pangulo, naging P51 billion ito sa BICAM.
00:48Ang MAIFIP ay tulong medikal sa mga Pilipinong indigent o financially incapacitated na hindi kaya magbayad sa ospital.
00:56Pwede itong gamitin sa inpatient at outpatient services, comprehensive check-up, dialysis, gamot at professional fees ng doktor.
01:04Hawak ng Department of Health ang pondo ng MAIFIP.
01:07Pero sa mga nagdaang taon, lumaganap ang paggamit ng guarantee letters o GL mula sa mga politiko
01:13gaya ng mga senador at kongresista na nangangangakong bibigyan nila ng tulong medikal ang isang pasyente.
01:20Karaniwang susulat o pupunta sa opisina ng politiko ang nanghihingi ng GL.
01:25Hindi yan pork barrel.
01:27Hindi namin niya alaw magkakaroon.
01:29MAIFIP pork barrel, medical assistance, diretso.
01:32Magkakaring alisin namin ng GL-GL.
01:35Pero suman yung magigisistema.
01:36Diretso nasa D-RH at diretso na pinayon.
01:38Ang plano dito sa MAIFIP, i-allow ito sa mga private hospitals.
01:43Para pwede mag-private hospital ang mga indigent patients.
01:48Lahat na may hirap pwede accommodate sa mga private hospitals.
01:51Pero para sa ilang taga-civil sector, walang ibang muka ang MAIFIP, kundi pork barrel.
01:57Sabi ni Cardinal Pablo Virgilio David sa kanyang open letter sa mga senador at kongresista,
02:02gumagana raw kasi ang MAIFIP sa pamamagitan ng guarantee letter system,
02:06kung saan makakakuha lang ng tulong kung may endorsement letter mula sa politiko.
02:10Hindi na raw karapatan ang healthcare, kundi patronage system na ginagawang utang na loob ang karamdaman.
02:17Ang health advocate na si Dr. Tony Liachon, pinag-iisipan ng ireklamo ang MAIFIP sa Korte Suprema sakaling palusutin ito ng kongreso.
02:25Niloloko nila tayo eh. Sinasabi nila, hindi pa daw kumpletong healthcare system. Kailangan daw may MAIFIP.
02:31E di tama na ngayon. Pagka naibigay lahat nyo yung bayad sa PhilHealth, e systematic na yan.
02:37Sa hospital na lang tayo magkakaintindihan.
02:40Para yung mga pasyente natin, hindi nagkakalat just to get the guarantee letters.
02:45Namamalimus tayo, nangungutang tayo, nagmamakaawa tayo.
02:49Hindi dapat ganyan.
02:50Meron tayong anti-patronage special provision doon na bawal ang politiko sa distribution, bawal ang politiko sa mga implementation.
03:01In fact, i-a-amend pa namin yung anti-political patronage special provision, pati kamag-anak bawal.
03:07Bawal silang maglagay ng mga tarp politik.
03:09So meron kaming mga safeguards na hindi pwede politicize.
03:12Matapos ang matinding debate sa MAIFIP, nilinaw ng DOH na bawal na talaga ang mga guarantee letter.
03:19Hindi rin daw kailangan ng GL para makakuha ng MAIFIP.
03:23E sabi ng Supreme Court decision, dapat ang budget execution sa DOH lamang.
03:28Kaya aming ang sinasabi, kinokorekt namin, dapat hindi na siya GL.
03:32Dapat ituro na lamang ang pasyente pakunta sa DOH hospital.
03:37Pagpumunta ho kaya dun sa malalaking level 3 hospitals na mga local government unit,
03:42ay hindi nyo na kailangan magpakita ng proof na indigent.
03:45Hindi nyo rin yung kailangan magmakaawa sa kahit sinong politiko o kahit sa DOH.
03:50Basta nandun ho kayo sa LGU level 3 hospital, ward accommodation, bayad na ang bill mo.
03:56Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
Comments

Recommended